Kabanata 15

1298 Words
Rachel It's Saturday. May usapan kami ni Keeyan na magja-jogging dahil panay ang reklamo kong tumataba na ako. He said I'm still fit but if I wanted to jog at five in the morning then he will join me. Hindi naman lingid sa kaalaman kong may workout equipment siya sa tinutuluyan niya pero dahil mas magandang makalanghap ng sariwang hangin habang nagja-jogging ay nagkasundo kaming sa Fuente Osmena Circle na lang mag-ehersiyo. "Did you eat breakfast?" tanong niya nang mapagbuksan ko siya ng pinto. I shook my head. "Nagbabawas ako ng timbang, Keeyan." "No, love. You're not supposed to skip meals. If you wanna lose weight, reduce your calorie intake but don't skip meals." Kumunot ang aking noo. "Pero 'di ba kapag nag-skip ako ng kain ay nag-reduce na rin ako ng calorie intake ko?" He smiled at me with pursed lips. "No. Your body will always try to protect you so if you will skip meals, it's gonna store more fats later on because it wouldn't let you starve to death." Inilapag niya ang kanyang mamahaling tumbler. "I'll boil you some eggs." Hindi na ako nakapagreklamo. He went to my kitchen and made me some boiled eggs. Ni hindi ko kailangang ituro kung saan niya kukunin iyong mga gagamitin niya kasi nga para na niyang apartment 'to. Alam na alam na niya kung saan nakalagay lahat. I observed him while he's in the kitchen. Keeyan has an athletic built which I think he's been maintaining since he was a teenager. Ang ganda ng fit sa kanya ng gray workout shirt niyang pinaresan ng itim na running shorts. May suot din siyang Apple watch na malamang ay magmo-monitor ng heart rate niya mamaya. Naupo ako't pinanatili ang titig sa kanya. "Keeyan?" I called. Kaagad niya akong nilingon. "Hmm?" "Lahat ba kayo sa pamilya mo ay into fitness?" usyoso ko. Kasi sina Sir Kali at Sir Kahel din ay magaganda ang katawan. Kahit si Ma'am Khalila ay parang bampira na ang bagal ng pagtanda ng itsura. "I won't say we're into fitness, love. It's already a part of our lifestyle. We just have different types of workouts." "Iba-iba? Paanong iba-iba?" Isinalang niya ang initan ng tubig ko para siguro itimpla ako ng adult milk. Pagkatapos ay sumandal siya sa sink counter at tuminging muli sa akin. "Most of my female cousins are into pilates. Si Kambria lang ang nahilig sa yoga. Kuya Klaze has a very specific list of workouts that will fit his needs as a racer. Kuya Khalid has more intense workouts since he's an MMA fighter. Iyong iba sa pamilya, sumasali ng triathlon kaya mas mahilig sa jogging, while most of us do usual gym workouts. What about in your family?" Nahihiya akong umiling. "Wala. Makita ka lang kasing nag-e-exercise, tutuksuhin ka nang nagpapa-sexy ka para sa kung sino." I had a realization after giving my answer. Iyong mga gaya nina Keeyan, parte na talaga ng lifestyle nila ang pag-e-ehersisyo habang iyong mga nasa lower class na pamilya ay halos walang panahon para sa ganoon. Kung mayroon man ay bibihira lang. I wonder if it has to do with the difference in mindsets? Siguro nga. Parang ang importante kasi ng overall well-being ng isang tao sa mga kagaya ni Keeyan. Nahahawa tuloy ako lalo kapag naririnig ko siyang magsalita. "Well, it shouldn't be like that. Madi-discourage ang taong magkaroon ng healthier lifestyle." He walked towards me and pinched my cheek. "Don't worry. None of my family will ever tease you if they see you working out," he said as if he's so sure that I'll be a part of their family someday. Keeyan sat on the other chair and placed his phone on top of the table. Maya-maya ay ipinagtabi niya ang aming mga paa at pinakatitigan iyon. Tila ikinukumpara. "Your feet are really small." Kinuha niya ang kamay ko't itinapat sa kamay niya. Matapos makita ang laki ng diperensya sa laki ng mga kamay namin ay pinagsalikop niya ang aming mga palad. "But your fingers fit perfectly between mine, probably because they're made for me to hold . . ." he said then brought our hands to his lips so he could kiss the back of my palm while staring into my eyes. Uminit ang aking pisngi. Hindi na talaga naubusan ng baong banat ang lalakeng ito. Parang araw-araw na lang talagang may bago! Heto naman ang sistema ko, hindi rin naman maiwasang kiligin! I pouted a bit. "Keeyan talaga. Araw-araw na lang kamo." He laughed softly before he stole a kiss on my cheek. Tumayo ang loko pagkatapos para tingnan kung kumukulo na ang initan ng tubig. "By the way, I'll fly back to Manila next week to attend a conference. Babalik din ako kaagad kahit halos isumpa na ko ni Keegan," aniya. I don't know why I suddenly felt sad after hearing the news. Masyado na yata talaga akong nasanay sa presensya ni Keeyan kaya heto ang puso ko at parang gustong sumiksik sa maleta niya. Akmang sasagot na ako nang umilaw ang phone niya. Hindi ko naman sinasadyang mabasa iyong pumasok na chat ng kaibigan niya kaya lang ay awtomatikong nagawi roon ang tingin ko. "A-Attend daw si Tim ng reunion. He's asking if you'll be there. Gusto ka makausap." Iyon ang nakalagay sa chat. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako. No. Parang hindi basta kaba. Parang . . . kinutuban ako kahit hindi ko naman kilala iyong Tim. Pumasok kasi sa isip ko na hindi pa sigurado si Keeyan sa sexuality niya bago niya ako nakilala. My mind started to create scenarios, mirroring my painful experiences because of my first heart break. Paano kung phase lang din ako sa buhay ni Keeyan? Paano kung iyong Tim na gusto siyang makausap ay ang bersyon niya ni Kali? Yes, hindi pa kami pero magsisinungaling ako sa sarili ko kung sasabihin kong wala pa akong nararamdaman. I am already developing feelings for him, regardless of how hard I am trying to convince myself that I'm still not ready to enter another relationship. Napasinghap ako nang madama ang paghaplos ni Keeyan sa aking ulo. Kanina pa pala siya nakatayo sa tabi ko ngunit hindi ko namalayan dahil kung saan-saan na lumipad ang isip ko. His manly brows furrowed. Tila nagtataka kung bakit ganoon ang naging reaksyon ko. "Are you okay?" he asked with a hint of worry. Humugot ako ng matalim na hininga't marahang tumango. "Uhm, yes. A-Ano, may . . . may nag-chat yata sa'yo." Dinampot niya ang kanyang phone at binasa ang chat. I saw how his expression darkened as soon as he opened the message. Hindi ko rin mabasa ang nakapinta sa mga mata niya. Ano ba iyon? Lungkot? Galit? O . . . pangungulila? I fisted my hands. Bakit ba ako nag-o-overthink? Hindi ko nga kilala kung sino ba iyong Tim na tinutukoy sa chat? Iniyuko ko ang aking ulo nang magsimula siyang magtipa sa kanyang phone. Heto naman ako at kumikirot ang dibdib dahil sa bagay na hindi naman siya ang gumawa, pero mukhang napo-project ko sa kanya ngayon. Pasimple akong bumuntonghininga nang binalikan na niya ang kalan para patayin ang apoy ng pinakukuluang itlog. I realized how much damage Eldritch has caused me. Kasi pati si Keeyan ay pinag-iisipan ko nang gagawin din niya sa akin ang ginawa ni Eldritch. Maybe that's what trauma does to people. It's going to make you feel that every person whom you will let into your life will do the same thing that broke you. Isinara ko nang mariin ang aking mga labi saka ko nilunok ang namumuong bara sa aking lalamunan. Sana mali ako. Sana hindi sila magkatulad ni Eldritch. Dahil may pakiramdam akong oras na si Keeyan na ang makasakit sa akin, hinding-hindi na ako makakabangon pa . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD