Rachel
Keeyan is courting me.
I don't know how it really happened. Nor why on Earth did I let him. Namalayan ko na lang na pumapayag na akong ligawan niya.
Pinakatitigan ko ang sarili ko sa salamin. Anong oras na. Usually kapag ganito ay nakapaggayak na ako at handa nang umalis para pumasok sa opisina. Pero hanggang ngayon ay heto pa rin ako. Higit limang minuto nang nakatitig sa salamin at pinag-aaralan ang aking mukha.
My lips pouted a bit. Ano ba talaga ang nakita sa akin no'n at nagustuhan ako?
I touched my face. Wala akong magarbong skin care routine. Tamang hilamos lang at facial wash na tigdalawandaang piso ang isang maliit na container. Namamahalan pa nga ako roon kaya halos gatuldok lang ang ginagamit ko. Iyong sunscreen ko naman, mumurahin lang din at na-order ko lang online.
I barely use makeup. Powder lang at kaunting gloss. Madalas kinatatamaran ko pang gawin. Hindi rin alaga ng salon ang buhok at mga kuko ko. Wala rin akong mamahaling mga damit at sapatos na pwede sanang makadagdag sa appeal ko.
I sighed. Malabo na ba ang mga mata ni Keeyan? Mas maganda pa nga sa akin iyong taga-HR department na nakikita kong madalas nagnanakaw ng sulyap sa kanya kaya . . . bakit ako?
"Ay, inay ko po!" I exclaimed when my phone suddenly rang.
Dinampot ko iyon sa sink counter at tiningnan ang screen. Keeyan is calling me . . .
Bigla akong na-conscious! I even fixed my hair and checked my face before I finally answered his call. Dati naman ay wala akong pakialam kung ano ang itsura ko pero ngayon ay pakiramdam ko matu-turn off kaagad siya kapag hindi maayos ang mukhang ihaharap ko sa kanya!
Bumati sa akin ang mukha ng halatang bagong gising na si Keeyan. Nakadapa siya sa kanyang kama at yakap ang unan. His bicep effortlessly flexed with his simple movements. Parang wala rin siyang suot na pantaas dahil nakikita ko ang balikat niya.
He ran his fingertips onto his disheveled hair before he smiled. Iyong ngiti na lumabas ang dimple at halos mawala ang mga mata.
"Good morning," he greeted, and oh my goodness, that's the most angelic bedroom voice I've ever heard.
Napalunok ako nang halos manghina dahil sa simpleng bati niyang iyon. "G-Good morning."
He yawned. "Nag-breakfast ka na ba?"
I pursed my lips and shook my head. "H-Hindi pa."
He gently nodded. "Can I come early? Let's have breakfast together."
My cheeks burned. "P-Pero itlog lang saka sardinas ang natira sa stocks ko, eh. D-Diyan ka na lang kumain."
"Sardines? I like sardines. My lola Khallisa mixes it with eggs. Do you know how to make that?"
Napakurap ako. Si Keeyan kumakain ng sardinas?
Napatangu-tango ako. "Uhm, o-oo. Pero wait. Kasi 'yong sardinas ko dito ano lang, eh. 'Yong mura lang? Baka ine-expect mong sardinas 'yong mamahalin at imported."
He shook his head. "I think my lola uses the brand that starts with M." Nalukot ang noo niya. Tila nag-iisip nang malalim. "Damn, I forgot what its called."
"M-Mega?"
He clicked his fingers. "That one, love."
Napalunok ako. "S-Seryoso ka ba? Gusto mo talaga 'yon?"
"Yeah," he said while yawning. "I'll take a bath now so I can be there in probably half an hour."
I sighed. Mukhang hindi rin naman siya magpapaawat, eh kaya pumayag na lang din ako.
Pagkapatay ng tawag ay nagmamadali na akong naligo. Halos kuskusin ko nang mabuti ang balat ko kasi nako-conscious ako sa hindi ko malamang dahilan! Ganito ba talaga kapag may manliligaw? Bakit kay Eldritch hindi ko naman naramdaman 'to?
Ngayon lang ako nataranta nang ganito. Panay ang balik ko sa harap ng salamin para i-check ang itsura ko. Nakailang palit din ako ng damit at ayos ng buhok. Pati iyong mismong apartment ko ay minadali kong pasadahan ng walis kahit na malinis naman!
Diyos ko, ano ba ang nangyayari sa akin? Pati iyong niluto kong request niyang pagkain, dinasalan ko pang maging masarap!
Sino ba talaga ang may gusto sa aming dalawa? Ako o siya? Bakit ako itong parang kiti-kiti ngayon? Hindi na ako bata pero daig ko pa ang teenager na nahihiya sa crush niya!
My heartbeat doubled as soon as Keeyan knocked on my door. Kabado ko siyang pinagbuksan ng pinto. He smiled at me before he handed me a bouquet of red roses. May kasama pang isang kahon ng tsokolate at . . .
"B-Bakit may bigas?"
He smiled. Parang nahihiya. "I called my uncle Konnar. I asked for gift ideas for someone I am courting. He said it's good to be romantic, but it's better to be a little practical so I brought some rice. Sabi niya sa ganito niya napasagot tita Sadie ko so . . ." His lips stretched wider. "Wouldn't hurt to copy the expert, I guess. Later, let's go shop for groceries. Hindi ako nakabili. Sarado pa ang grocery store."
Halos matampal ko ang aking noo. Hindi ko na talaga alam kung pamilya ba talaga ng mayayaman ang mga ito. Parang hindi kasi ganito 'yong mga napapanood ko dati sa teleserye. Sa teleserye kasi, palaging magastos ang lifestyle ng mga alta. Pero iba yata ang mga Ducani.
"H-Hindi mo naman kailangan magregalo ng kahit ano. Lalong hindi mo kailangang ibili ako ng groceries at bigas."
"But I want to. I am courting you, Rachel," he said with a hint of determination.
I sighed. "Pasok ka na nga lang nang makakain na tayo. Anong oras na baka ma-late ako sa office."
He nodded. Para ngang sarili niya nang apartment itong tinutuluyan ko kasi alam na alam na niya kung saan niya ilalagay at kukunin ang mga gamit. Siya pa itong kumuha ng plato at kubyertos. Siya rin ang nagtimpla ng kape para sa aming dalawa.
Hindi pa siya nakuntento. Ipinagsandok pa niya ako ng pagkain at kulang na lang ay subuan ako.
"Ako na, kaya ko na," namumula sa hiya kong sabi nang agawin ko ang kutsara.
He nodded. Pinanood ko siyang kumutsara ng ulam at kanin. Nang isubo niya na iyon ay halos pigilan ko ang paghinga ko.
"M-Matabang?" I asked.
"It tastes really good. Lasang . . ." putol na sagot niya matapos malunok ang pagkain sa kanyang bibig.
"A-Ano?" kinakabahan kong tanong.
Keeyan looked at me, held the backrest of my chair, and then suddenly stole a kiss on my cheek before he whispered on my ear.
"Lasang hindi na talaga kita papakawalan . . ."