First meeting
nasa dining area kami ni dad with my tito, tita and cousin. hindi ko alam kung bakit sila nandito. hindi naman sa nagrereklamo pero pumupunta lang kasi sila sa bahay pag may event.
"Yesielle kelan ang christmas break nyo?" dad asked me
napabaling attention ko kay dad na ngayon nakatingin sakin.
"hindi ko pa po alam dad" sabi ko
"tito di pa naman po kasi nag lalabas ng memo ang school about sa Christmas break" sabi ni macy ang pinsan ko.
hindi kami close ni macy pero madalas kami magkasama. iba ang ugali ko sa ugali nya, masyadong showy si macy feeling ko gusto nya lagi nasa kanya ang attention.
"why po dad" taka kong tanong kasi di naman mag tatanong si daddy kung hindi to importante
"nothing hija i just want to know" sabi ni dad at nag katinginan naman si tito at tita.
feeling ko merong problema pero ayaw lang nila sabihin sakin. napatingin ako kay macy na parang wala ding alam sa nangyayare.
natapos ang hapunan namin dumaretso kagad ako sa kwarto ko. maya maya bumukas ito at pumasok si macy
"why are you here?" tanong ko
we're not close kaya nag tataka ako kung bakit sya nandito.
"hmmm.. i don't know" sabi nya at umupo sa kama ko
ako naman dumaretso sa study table ko para tapusin yung mga activities na kailangan ko ipasa next week.
"you know we're cousin but we're not close" bigla nyang sabi habang nakatingin sa kisame
"yeah" sabi ko
tama naman sya mag pinsan kami pero hindi kami close. lumaki kasi sya sa america at nito lang sila dumating sa pilipinas. alam ko mabait naman tong si macy kaso masyado lang syang bulgar magsalita minsan at kung di mo sya kilala mapagkakamalan mo syang isang btch sa mga suot nya.
"magka schoolmates naman tayo pero di tayo nagkikita sa school"
"magkaiba tayo ng schedule macy"
"yeah i know, but the other day nakita kita sa soccer field and why i didn't see your friends?"
"dahil wala naman ako nun" sabi ko
bigla syang lumapit sakin.
"you? really? are you kidding me yesielle?" sabi nya na parang di makapaniwala sa sinabi ko.
"why is there something wrong about that?" sabi ko na nagtataka
its not big deal for me kung wala akong friends. its not my problem and i dont care. anong magagawa ko kung walang lumalapit sakin para makipag kaibigan?
"A BIG YES" sabi nya
napairap ako dahil sa OA nyang reaction.
" the one and only Daughter of David Del yana doesn't have friend! " sabi nya na akala naman nya ikakamatay ko na wala akong kaibigan
"stop being OA macy, its not big deal" sabi ko
"tch di nila alam ang pinapalagpas nila" sabi nya
"hindi naman kasi nila alam na anak ako ni David del yana" sabi ko
gulat syang napatingin sakin
"what the! are you serious" sabi nya tumango naman ako sa kanya
"oh i think i know why" sabi nya
hindi rin naman sya nagtagal sa kwarto dahil niyaya na kagad sya ni tita na umuwi dahil may pasok pa nga kami bukas.
nasa soccer field ako nagpapalipas ng oras. hindi ko din alam kung bakit lagi akong nandito. minsan lang kasi may mag practice dito madalas kasing sa indoor field ang practice nila pero ngayong araw ata may practice sila dito kung saan ako nakatambay.
i saw macy waving at me. hindi ko pa sure kung ako talaga yung kinakawayan nya kaya napatingin pa ako sa likod ko.
she's with her friends.
she's a new transferee here but may kaibigan kagad sya.
well she's sociable unlike me.
"YESIELLE!" Sigaw nya ng makalapit sya sakin
napatingin naman samin ang ibang mga tao na nandoon kaya napayuko ako.
what the hell macy, i dont like this kind of attention mas gusto ko pa na walang tumitingin sakin.
"hindi ko inaasahan na makita ka dito yesi by the way meet my friends. " sabi nya kaya napatingin ako sa kanya na nagtataka
"this is mary, KC, michelle and veronica" sabi ni macy na inisa isa yung kaibigan nya.
nakipag kamayan pa sakin mga kaibigan nya. napaka rude ko naman siguro kung diko tatanggapin.
"well guys she's my cousin" sabi ni macy na ikinagulat ng mga kaibigan nya
"she's what? your cousin?" sabi nung veronica
"yeah why? is there something wrong?" sabi ng pinsan ko
"nothing because you know if you ask some students here sasabihin nila ang weird ng pinsan mo. " sabi ni KC
nakita ko namang tumaas kilay ng pinsan ko.
"weird? why?" tanong naman ng pinsan ko
"dahil wala syang kaibigan" sabi ni mary
"tsk nonsense, hindi porket wala syang friends eh weird na sya. duh" sabi ni macy
wala namang masabi mga kaibigan ni macy, tumingin na lang ako sa mga nag pa practice na player dito.
"yesi" tawag sakin ni macy na umupo sa tabi ko
yung mga kaibigan nya nakatayo sa likod namin
hindi ko nga alam kung kaibigan nya ba talaga ang mga ito kasi parang hindi naman.
"bakit" walang gana kong sagot sa kanya
tumingin ako sa naglalaro may nakakuha ng attention ko. who is he? bakit ang daming nakatingin sa kanya? is he a celebrity?
nabalik yung attention ko kay macy ng tampalin nya pisnge ko
"what" inis kong sabi
umirap sya sakin
"may sinasabi ako pero yung attention mo wala sakin sino ba yung tinitignan mo?" sabi nya at sinundan yung tingin ko kanina
"tsk"
"oh is that your crush? si Austin?" sabi ni macy
austin? bakit pati pinsan ko kilala sya?
"you know him?" tanong ko
"of course sinong hindi makakakilala sa kanya" sabi nya
" he's not my crush" sabi ko at ibinalik yung attention sa librong dala ko.
oo nga pala kaya pala ako nandito para mag sketch at mag review.
wala namang exam pero gusto ko lang mag review mahirap na pag may pa surprise exam ang prof ko.
"duh, Yesielle i know he's your crush don't deny it." sabi ni macy
hindi na ako kumibo bahala sya kung ano isipin nya.
nakauwi na ako sa bahay at nadatnan ko si daddy sa salas nagbabasa ng magazine.
"hi dad" sabi ko at lumapit sa kanya para humalik sa pisnge nya
"how's your day hija"
"nothing's new dad" sabi ko at umupo sa tabi nya
"your tita marga said medyo close na kayo ni macy"
close??
"not really" sabi ko
"may pupuntahan tayong party sa saturday with your cousin and your tita and tito." sabi ni dad
party? this is the first time na isasama ako ni dad sa party
"dad are you sure? bakit nyo po ako pinasama?"
"because i know its time hija" sabi nya
hindi ko alam kung ano sinasabi ni daddy.
"its time for what?" sabi ko
"na malaman nila na anak kita" sabi nya
bigla namang lumakas kabog ng dibdib ko. bakit kaya naisipan ni daddy to?
"why now?" tanong
"why? hindi mo ba gusto?"
"no, hindi sa ganon dad" sabi ko
"its okay hija, you have a bodyguard. kahit malaman ng public na anak kita they will not harm you" sabi ni daddy
umakyat ako sa kwarto ko na wala sa sarili. iniisip ko kung ano magiging reaction ng ibang tao.