day passed, araw araw na kami nagkikita ni macy at okay lang naman sakin yun. buti nga sinasamahan nya ako. medyo makulit nga lang sya minsan tas ang daldal nya pa. minsan nagtataka ako kung mag pinsan ba talaga kami. kasi ang daldal nya tapos ako tahimik.
"yesi lets go na" sabi ni macy na nasa labas ng kwarto ko
"wait!" sigaw ko at kinuha na yung sling bag ko.
pupunta kaming mall ngayon last week nya pa ito sinasabi sakin pero ngayon lang kami natuloy dahil busy kami sa school works. hindi ko alam kung ano gagawin namin doon hindi naman kasi ako lumalabas kahit noon pa.
yes mayaman kami pero hindi ako masyadong magastos. kahit gusto ni dad eh wala naman akong bibilhin.
"ang tagal mo yesi" sabi ni macy sakin pagkalabas ko ng kwarto ko
"binilisan ko na nga eh di ko naman alam na ganitong oras ka pupunta"
"i told you last night diba" sabi nya
"oo sinabi mo nga di mo naman sinabi na maaga ka pupunta." sabi ko
"tsk, baka mamaya maubusan na tayo" sabi nya
"ano ba bibilhin mo?" tanong ko
"may latest kasi yung favorite brand ko" sabi nya
"ang updated mo sobra " sabi ko na lang
"of course ako pa ba you know i like dressing up" sabi nya
bumaba na kami at nakita ko si dad na kakarating lang.
bakit ang aga bumalik ni dad?
"oh hija san kayo pupunta?" tanong ni daddy ng makababa kami
"sa mall po tito" si macy ang sumagot
" sige mag iingat kayo" sabi ni daddy
"dad why are you here pa po?" tanong ko
nagtataka kasi talaga ako
"may flight ako mamayang hapon hija umuwi lang ako para umidlip saglit. may inattend lang akong meeting kanina" sabi ni daddy
"ah ok po dad, have a safe flight po later. call me po pag aalis ka na" sabi ko at humalik na sa pisnge nya
"alright hija" sabi ni daddy
umalis na kami ni macy habang nasa sasakyan sya may sinasabi sya sakin.
"Anderson will host the party next week may isusuot ka na ba?" tanong nya sakin
party again parang kaka attend lang namin ng party last week.
"wala pa at saka alam mo bang invited tayo doon" sabi ko
"duh yesi of course lagi tayong invited sa mga ganyang party hindi mo pa ba alam kung gaano kayaman at ka impluwensya ang pamilya natin"
"alam ko " sagot ko sa kanya
kahit alam ko minsan hindi lang talaga ako sanay.
ngayon lang naman ako pinakilala ni daddy kaya ang lahat ng to ay bago pa lang sakin.
"you know naman pala yesi" sabi nya
hindi ko na lang sya pinansin at tumingin na lang sa cellphone ko.
"yesi kilala mo ba si Drake Anderson?" tanong nya sakin
anderson nanaman
"hindi" sabi ko
totoo naman hindi ko sya kilala eh
"ano ba yan yesi pinsan ni austin yun hindi mo parin kilala? hindi mo ba nakita doon sa party na inattenand natin last week" sabi nya sakin na medyo naiinis na
"alam mong wala akong hilig sa ganyan. pero bakit ba" sabi ko
"wala lang i think he's cute pero suplado gaya ni austin" sabi nya at nakita ko pang umirap sya
"crush mo?" tanong ko
"hindi no ang suplado nun pano ko magiging crush yun ang cute nya lang kasi" sabi nya
todo tangge naman sya kahit alam kong crush nya yun.
nakarating kami sa mall at hinatak nya kagad ako papunta sa favorite brand nya. ang dami namang tao at may mga cameraman pa may artista ba?
"omg yesi may pa red carpet sila" sabi ni macy
red carpet sa isang mall?
"intayin na lang kita dito macy alam mong hindi ako sanay sa ganyan" sabi ko
"ano ba paano ka masasanay kung ayaw mo sumama sakin. tara na ako bahala buti na lang maayos naman tong suot ntin" sabi nya at naglabas pa ng salamin
napa iling na lang ako sa ginawa nya.
hinatak nya ako papunta doon at nakilala naman kagad sya ng mga cameraman of course sino hindi makaka kilala kay Mara cyerish Del Yana? isang anak ng businessman at artista.
"Macy at your right" sabi ng isang cameraman
lumayo sakin si macy at nag pose manang mana talaga sya kay tita Cherry parehas silang maganda.
"macy sino yang kasama mo? " tanong ng isang cameraman
lumingon sakin si macy at ngumiti.
"she's my cousin so be good to her guys" sabi ni macy at hinatak na ako papasok sa store.
"pinsan mo? isa ba syang del yana? " tanong ng isang interviewer.
pero hindi na namin pinansin ni macy iyon.
"tinatanong ka nila kung del yana ka daw handa ka na bang malaman nila?" tanong ni macy sakin habang tumitingin ng mga bag
"hindi ko alam macy natatakot ako " sabi ko sa kanya
tumingin narin ako ng mga bag pero wala doon yung attention ko kundi doon sa sinabi ng interviewer paano kung malaman ng publiko na del yana ako at anak ni David?
"natural lang yan just be yourself masanay ka na kung anong merong buhay tayo yesi hindi natin to matatakbuhan" sabi ni macy
hindi ko sya pinansin at inikot na lang yung paningin ko sa buong store. may lumapit na saleslady samin ni macy at tinanong kung anong gusto namin.
napatingin ako sa isang white na sling bag ang ganda nito kahit simple lang yung design.
"you want that yesi?" tanong ni macy sakin habang may hawak na dalawang bag
ang bilis nya pumili naka dalawa kagad sya
"nagandahan lang ako macy" sabi ko sa kanya
"miss can we see that sa tingin ko gusto ng pinsan ko yun" sabi ni macy at tinuro pa
"macy" saway ko sa kanya
tumango yung saleslady at kinuha yung white na sling bag.
wala akong dalang cash dito
"why?" takang tanong ni macy sakin
"wala akong dalang pera" sabi ko
"duh anong use ng card mo yesi" sagot nya sakin
oo nga naman bakit hindi ko naisip iyon.
dumapo ang tingin ko sa kakapasok lang si austin at may kasama sya hindi ko kilala kung sino.
"omg si austin with Fiona yung fiance nya" bulong sakin ni macy
huh may fiance na si austin?
"pano mo nakilala yung babae Macy?" tanong ko
parang lahat na lang ng tao kilala nito.
nakita kong kumapit sa braso ni austin yung babae tinignan ko yung reaction nito pero ganon parin wala paring emosyon. ano ba tong taong to bato?
"of course i know her nakasama ko sya noon sa US sa isang photoshoot but we didn't talk" sabi ni Macy
"so she's a model" sabi ko
"yes" sagot ni macy sakin
inabot na samin ng saleslady yung sling bag at tinignan ko to at bagay sakin.
binayaran nanamin yung tatlong bag si macy busy kakatingin kay austin at doon sa fiona.
masyado namang chismosa tong pinsan ko. palabas na kami ng maraming sumugod saming reporter.
oh no bakit nila kami hinaharangan.
"macy" tawag ko kay macy at kumapit sa braso nya.
"hawakan mo lang ako yesi tatawagan ko muna yung bodyguard natin. hindi tayo makaklabas pag ganito" sabi ni macy sakin
"miss del yana ka ba?"
"miss anak ka ba ni David del yana"
"paano kayo naging mag pinsan ni macy kung walang anak si Mr. David"
rinig ko sa mga reporter nag kakagulo na sa labas at yung mga guard na nandoon pinipilit na harangin yung mga reporter.
"ma'am okay lang po ba kayo?" tanong samin ng manager ng store na to
pareho kaming tumango ni macy
paano ba kami makakalabas nito kung ganito.