nahagip ng mata ko kung nasaan si austin at nakatingin sya sakin hindi ko alam kung tama ang nakikita ko dahil naka kunot ang noo nya habang nakatingin sakin.
nag iwas ako ng tingin at tumingin na lang sa mga reporter na pilit akong tinatanong.
nag ring yung phone ko at nakita kong si daddy yung tumatawag.
"hello po dad" sagot ko
[anak nasan ka? nabalitaan kong may mga reporter daw na nanggugulo sa inyo. ginawan na ng paraan ng tito Edward mo para makalabas kayo ni macy dyan] sabi ni dad sakin
alam kong nag aalala sya sakin ngayon dahil alam nyang hindi ako sanay sa ganito
"nasa mall parin po kami ni macy dad at okay lang naman po kami. ikaw dad nasa hongkong ka na ba" tanong ko
[yes hija kakalapag lang ng eroplano. mag iingat kayo dyan]
"sige po dad mag iingat din po kayo dyan" sabi ko at pinatay na ni dad yung tawag.
alam kong busy si daddy at sana huwag nyang isipin itong nangyare sakin ngayon.
"ansabe ni tito" tanong ni macy sakin na kanina pa pala nakatingin sakin habang kausap ko si daddy
"nag aalala si daddy at sabi nya ginawan na daw ng paraan ni tito edward para makalabas tayo" sabi ko sa kanya
"si daddy" sabi nya at tumango ako sa kanya
maya maya may nakita na namin ni macy ang bodyguard namin na mga naka itim at panay ang hawi sa mga reporter.
nahawi naman nila ito at kaya medyo nagkaroon ng daan.
"ma'am macy at ma'am yesielle sumunod po kayo sakin " sabi ng isang bodyguard namin
sumunod naman kami ni macy sa kanya at nagawan naman ng paraan ng mga bodyguard namin kung paano kami makakalabas.
"whoa akala ko hindi na ako makakalabas" sabi ni macy ng makapasok kami sa kotse
"grabe naman yung nga reporter na iyon" sabi ko
"now you know kung paano mag kagulo pag nalaman nilang may anak si tito david" sabi ni macy sakin
"bakit parang napaka importante na makilala nila ang anak ng isang david del yana" sabi ko
"hindi ko din alam" sabi ni macy sakin
isang kilalang businessman lang naman ang daddy ko dapat nga si austin ang dumugin nila dahil sya ang pinaka kilala at hindi ako.
nakauwi kami ni macy sa bahay at nadatnan namin na nandoon ang mga magulang nya.
"hello po tito at tita" bati ko at nagbeso kay tita
"mommy, dad why are you here po?" tanong ni macy sa magulang nya
"hija nag alala kami ng mommy mo sayo lalo na kay yesi. tumawag pa sakin si kuya david dahil masyado syang nag aalala kay yesi" sabi ni tito
tama nga ako hindi mapapakali si daddy hanggat hindi ako nagiging okay.
"ayos naman po ako tito hindi lang po namin inaasahan ni macy iyon" sabi ko sa kanila at ngumiti
"oo nga dad at saka malay ba naming maraming reporter ang pupunta doon" sabi ni macy
"hayy nako kayong dalawa talaga, sige mauuna na kami sa inyo. ikaw macy dito ka lang ba" sabi ni tita
"opo mom sasamahan ko muna si yesi dito" sabi ni macy
"siguraduhin mo macy kilala kita" sabi ni mommy
"yes mom promise po" sabi ni macy at humalik pa sa pisnge ni tita at kay tito
naiinggit ako dahil buo sila habang ako si daddy lang ang kasama.
inantay muna naming maka alis sila tito at tita bago kami umakyat sa kwarto ko.
"yesi tara na" sabi nya sakin at hinatak ako papunta sa kwarto ko
pag karating namin sa kwarto ko nahiga sya kagad sa kama ko.
"yesi sama ka sakin mamaya ah" sabi nya
saan naman?
"saan nanaman baka mapahamak tayo macy" sabi ko
"hindi yan ako bahala" sabi nya
"pero saan ba" tanong ko
"doon sa coast wahh excited na ako ngayon na lang ulit ako makaka punta ng bar" sabi nya sakin at nag paikot ikot pa sya sa kama ko
bar?
"macy hindi ako pumupunta sa ganon baka magalit si daddy sakin " sabi ko
hindi naman ako umiinom kaya bakit ako pupunta sa bar
"at saka hindi ako umiinom" dagdag ko pa
bumangon sya sa kama ko at tumingin sakin
"yesi okay lang yan at maganda nga yun eh at saka nasa legal age narin naman tayo bakit ayaw mo" sabi nya sakin
"hindi naman malalaman yan ni tito basta ako bahala" sabi nya pa
natatakot talaga ako dahil kahit kelan hindi ko naisip na pupunta ako sa isang bar
kahit nasa tamang edad na ako hindi ko parin inisip na pupunta ako doon.
sinabi ko sa kanya na hindi ako sasama pero pinipilit nya ako.
hindi ko na sya pinansin at nag aral na lang.
"ang boring naman ng life mo yesi kung puro aral ka. be wild sometimes " sabi nya sakin habang naka tutok sya sa laptop at naka dapa sa kama ko.
hayst ewan ko na lang sayo Macy
alam kaya nila tito na pumupunta si macy sa bar
nag pahatid na lang kami ng dinner ni macy sa kwarto dahil parehas kaming tinatamad bumaba at kaming dalawa lang naman ang kakain.
tumawag sakin si daddy kanina na bukas ng gabi pa sya makaka uwi at buti na lang nandito si macy para samahan ako dati dati pag wala si daddy wala akong ginawa kung di matulog at kumain.
"yesi tara dito" sabi sakin ni macy at hinatak ako.
pinaupo nya ako sa tapat na salamin anong gagawin sakin nito.
"pikit yesi dali me-makeupan kita" sabi nya sakin
"macy hindi ako nag me-make up" sabi ko sa kanya
"yesi ngayon lang naman eh please pag bigyan mo na ako" sabi nya sakin at nag puppy eyes pa
"hindi ka cute macy" sabi ko
"i know dahil maganda ako" sabi nya
parehas kaming natawa sa sinabi nya kahit kelan napakalaki talaga ng self confidence nito.
pumayag na akong makeupan ni macy at sinabi kong light make up lang pumayag naman sya sa sinabi ko
"omg yesi ang ganda mo grabe kahit hindi ka naka make up maganda ka parin pero hindi ko inaasahan na lalo kang gaganda pag may make up ka" sabi sakin ni macy pag katapos nya akong makeupan.
nahiya naman ako sa compliment na binigay nya sakin.
pina tayo nya ako at sya naman nag make up sa sarili nya
pagkatapos nun may binigay sya saking dress.
party dress at hindi ako sanay sa ganitong dress feeling ko nakikitaan na ako.