Lunes ng umaga sa tambayan nadatnan nina Clarisse at Shan si Enan na mag isa at nanonood sa kanyang phone. “Psst” pacute ni Clarisse, si Enan napangiti at nagtakip ng mukha. “Yiheee viral yung video” lambing ng dalaga na tumabi sa kanya. Naupo din si Shan sa kabila kaya naipit si Enan sa gitna.
“Napanood niyo din pala” sabi ni Enan. “Grabe hulaan mo pano namin nalaman?” tanong ni Shan. “Oo nga pano niyo nalaman?” tanong ni Enan. “Si Elena kahapon nagsisigaw, trending daw yung artistahing Enan” kwento ni Clarisse.
“We thought it was a joke kasi nga sa iyo lang namin naririnig yon e. Pero nung nakita namin, oh s**t totoo” sabi ni Shan. “We started to read then ayun nakita namin yung link ng kinakalat nilang video. Naks, ang galing galing niya. Pumikit pa o” lambing ni Clarisse.
Nakikiliti utak ni Enan pero ngumiti lang siya, “Tsamba lang yon, di naman papatok yon kung wala sina Tiny at Miss J e” sabi ng binata. “Youre gonna miss me when I am gone” narinig nila kanta ng grupo ng mga babae na dumadaan. Napatingin silang tatlo, mga dalaga sabay sabay pumapalak kaya si Enan napakamot at nagbow sa kanila.
“s**t nahihiya ako” bulong niya kaya natawa si Shan. “Dude akala ko ba artistahin ka? Dapat sanay ka na dito” sabi niya. “Oo nga, pero uy ang galing. Ay alam mo pinapanood namin kay mama yon. Grabe naka ilang ulit siya. Bakit daw di mo sinasabi marunong ka kumanta sana kinantahan mo daw siya nung birthday niya” sabi ni Clarisse.
“Tsamba lang talaga yon no” sabi ni Enan. “He sings sa videoke pag nag iinuman kami pero patawa siya e. I really did not know he can really sing” sabi ni Shan. “Ganda ng boses mo, promise” sabi ni Clarisse. “Uy di naman, nanginginig pa nga boses ko kasi pinilit lang nila ako” sabi ni Enan. “Idol! Whooo! Walanghiya ka internet sensation ka na!” sigaw ni Greg. “Sabi ko sa inyo kasi e magaling kumanta yan e” sabi ni Jason.
“Did you know?” tanong ni Clarisse. “Oo kaya, pag nag iinuman kami lagi niya kinukuha yung mic” sabi ng binata. “E panay patawa naman kasi yan e” sabi ni Tommy. “Sabiihn niyo lasing lang kayo masyado, naalala niyo nung nag inuman tayo nagpalakpakan mga tao? Dahil sa kanya yon” sabi ni Jason.
“Kailan?” tanong ni Shan. “Matagal na, lasing na kayo non e. Nung siya yung nagdrive ng kotse mo” sabi ni Jason. “Di ko na maalala” sabi ni Greg. “Nagising kayo nung nagpalakpakan pero itong lokong to nagbiro lang na pakaway kaway na parang beauty queen” kwento ni Jason.
“Nung may nagbigay ng pulutan sa atin tapos isang round pa” bulong ni Enan. “Ayon! Natuwa yung isang grupong nag iinuman, nilibre tayo nung paalis na sila” sabi ni Jason. “Ang daya, what did he sing?” tanong ni Clarisse. “When You say nothing at all ata yon” sabi ni Jason. “Sample nga, idol sample nga” sabi ni Greg.
“Wala yon, lasing lang non. Anyway I have to go to class” sabi ni Enan. Nakarinig sila ng isang grupo ng mga estudyante kumakanta habang dumaan sa tambayan nila. Napaupo si Enan sa hiya pero tulad ng mga dalaga kanina pinagtuturo siya at binigyan ng thumb up sign. “Nice on schoolmate” pacute pa ng isang dalaga kaya ngumiti nalang si Enan.
“Ito ang gago, maki engage ka naman sa fans mo” sabi ni Shan. “Nakakahiya, s**t itago niyo nga ako” bulong ni Enan. “Idol, bakit ka nagkakaganyan? Naparami ba ng pag inom mo ng humility? Idol, you were born for this diba?” landi ni Greg.
“I know right but this is something new. Alam ko gwapo ako pero ito na yung kinakatukan ko talaga. I never wanted the world to know that I too had a golden voice. Can you imagine all the girls staring at my so handsome face, then I start to serenade them with my golden voice?”
“Laglag panty na nga itsura tapos labas kaluluwa pa boses ko, wala na no” banat ni Enan pero bigla siyang piningot ni Clarisse habang nagtatawanan ang mga boys. “Bad” sabi ng dalaga kaya umamo si Enan. “Sorry, it was just a joke” sabi niya. “Okay lang pero ang daya mo you never told me. Sabi mo bestfriend mo din ako tulad ni Shan pero nagtatago ka ng sikreto sa akin” tampo ng dalaga.
“Hindi naman talaga ako kumakanta..i mean sa bahay oo pag nag iisa ako. Di naman maganda boses ko” sabi ni Enan. “Duh, maganda kaya” sabi ni Clarisse. “Oo pare maganda boses mo” sabi ni Greg. “Hindi no, sinasabi niyo lang yan kasi kaibigan niyo ako. I can hear my own voice, di naman maganda e” sabi ng binata.
“Sa iyo siguro pero trust us, at nakita mo naman mga dumaan kanina o. Natutuwa sila sa iyo. Tapos madami naman magagandang comments sa net ha” sabi ni Shan. “Hayaan niyo na, one time thing lang yon. Pinagbigyan ko lang sila nung Sabado. Hindi ko alam ano nakain ko pero nandon na yon e” sabi ni Enan.
Sa classroom habang nag aantay ng instructor nakadungaw si Enan sa bintana. Bigla siyang napangiti nang marinig niya yung sabay sabay na beat ng mga kaklase niya sa kanilang arm chairs. Napatingin siya sa lahat, napangiti sabay napakamot. Natigil ang saya nang pumasok yung guro, nilatag niya isang folder sa lamesa sabay nagulat ang lahat ng pabulong ito kumakanta. “Youre gonna miss me when I am gone” birit niya sabay dahan dahan tinignan si Enan sabay binigyan ng thumb up sign.
Pagsapit ng lunch sinundo ni Enan si Clarisse sa classroom ng dalaga. “Hi Enan” sigaw ng isang babae kaya napangiti si Enan. Paglabas ni Clarisse sinundan pa siya ng tatlong kaklase niyang babae. “Kailan ka ulit gagawa?” tanong nung isa. “Ah..tsamba lang yon pinilit lang nila ako” sabi ng binata.
“Oo nga gawa ka pa” sabi nung isa tapos nagbibigay na sila ng titulo ng mga kanta kaya lalong napakamot si Enan. “Uy sige na lunch na kami” sabi ni Clarisse kaya hinila na niya palayo si Enan. “Grabe ang kulit nila, as in kanina pa sila first class tanong ng tanong tungkol sa iyo” kwento ng dalaga.
“This is too much” sabi ni Enan. “Nakakairita, I mean happy ako pero at the same time naiinis kasi alam naman nila matagal na kitang kaibigan e. Tapos ngayon lang sila nagtatanong tanong about you…but some did nung nalaman na kayo ni Cristine pero kinakainisan ko sila kasi parang may duda at disbelief sila” sabi ng dalaga.
“Hayaan mo na sila, I really don’t want this” sabi ni Enan. “Oh, what do you mean you don’t want this? People are starting to accept you. At diba artistahin ka? Why are you acting differently?” tanong ng dalaga. “Kasi po madami man mapapahanga pero mas madami parin mangungutya” sabi ng binata.
“Ang negative mo talaga” sabi ni Clarisse. “Sabi nga nila, am I really like that?” tanong ni Enan. “Sobra, kaya gustong gusto ko minsan yung nag aacting kang artistahin e. Kasi if you are not acting that way parang ang lungkot mo at buhat buhat mo na lahat ng problema ng mundo” sabi ng dalaga.
“Hindi mo maiintindihan kasi maganda ka” sabi ni Enan. “Hala nandito na tayo sa labas” sabi ng dalaga. “Oh s**t, si Shan” bigkas ng binata kaya nagtawanan sila. “Demet nakalimutan ko boyfriend ko kasi kasama kita. Lakas ng tama mo kasi e” pacute ng dalaga kaya lalong natawa si Enan.
“O ano babalikan pa ba natin si Shan?” biro ni Enan. “Sinong Shan?” biro ni Clarisse kaya nagbungisngisan sila ng husto. “Mauna nalang tayo don tapos sunod nalang siya” sabi ni Enan. “Sinong siya?” hirit ni Clarisse kaya tawang tawa si Enan.
Sa loob ng karinderya mas dumami ang pumapansin kay Enan. Dumating na si Shan at yung iba at napansin din nila lahat nakatingin sa kanilang kaibigan. Nakikiliti si Enan kaya hinawakan niya yung basong walang laman, nagsimulang nag beat pero tumigil siya sabay napakamot.
“Tol pagbigyan mo na sila ng live” biro ni Greg. “Oo nga parang gusto nga ng lahat mapanood ka ng live” sabi ni Shan. “Duh, alam ko. Itong mahirap sa society natin, pag nakilala sa isang kanta, gusto nila yun nalang kakantahin mo lagi. Di ba nila alam na madami akong bala?” biro ni Enan.
“Sample nga” lambing ni Clarisse. “Wag na no, kain na tayo” sabi ng binata. “Killjoy mo idol, baka sabihin nila maarte ka” sabi ni Greg. “Loooord patawad, pagkat ako’y pinagnanasahan, dahil akoy artistahing nilalang” birit ni Enan kaya napatawa niya ang husto lahat ng customers.
“Akala ko dati kaya ko na. Kay hirap pala pag ganito kagwapo ang iyong mukha. Milyong tagahanga, babae, lalake, tibo at jokla. Kahit pa sa outer space akong nakikilala” biglang rap ng binata kaya lalo umriba sa tawa ang lahat.
Nagtap si Enan sa lamesa sabay nag beat box kaya hiyawan ang mga tao. “I am friends with a monster and he has a big head. I wont say his name is Greg or else I am dead. His breath is so smelly so I keep holding my breath. He thinks he’s a monkey..he thinks he’s a monkey” biglang birit ni Enan sabay sandal kay Greg kaya halos mamatay na ang lahat ng tao sa tindi ng tawa.
Nahimasmasan ang lahat pagkatapos tumigil ni Enan, “Ako nanaman ang nakita mo e” sabi ni Greg. “Sabi mo sample diba? Ayon sample. Pero tol, sorry” sabi ng binata kaya nag fist bump sila. “Ang masama dito tuwing makikita nila ako gusto nila kakanta na ako lagi”
“Mas gusto ko yung dati, pag nakikita nila ako e titigil lang sila para itake in yung handsomeness ko. Alam niyo ba yon? Yung tipong tatayo lang sila, titiigan itong walang kaparehong gwapong kara ko sabay hinahayaan nila dahan dahan pumasok ito sa kanilang isipan. Tila ba inuukit nila ang handsomeness ko sa kanilang isipan” landi ng binata.
“Pare ibang level na kasikatan mo” sabi ni Tommy. “Uy di naman, I really did not ask for this. Ewan ko ba ano kasi naisip nila nung Sabado. I just wanted to be funny pero ewan ko…di ko nakontrol sarili ko. I closed my eyes because I was so ashamed” sabi ni Enan.
“Ay..akala ko pumikit ka para feel na feel mo yung kanta” sabi ni Clarisse. “Hindi no, pumikit ako talaga kasi nahihiya ako. Kinapalan ko nalang mukha ko talaga. Para narin siguro hindi na mabungungot yung mga manonood” sabi ni Enan. “Hey don’t be like that..it turned out well naman” sabi ng dalaga.
Kinahapunan sa loob ng isang dressing napag gitnaan si Enan sa sofa ng dalawang artista. “Holy..” bigkas ni Enan nang makita yung dami ng views sa kanilang video. “Five hundred thousand views” pacute ni Joanna. “Wow, siguro pag ako lang yan wala pang one hundred” sabi ni Enan.
“Don’t say that, dapat nga happy ka e. Oh I talked to Mikan kanina and tuloy daw” sabi ni Cristine. “Seryoso? Hala. Anong nangyayari?” tanong ng binata. “Ikaw talaga ang nega mo, you know what is happening so dapat nga happy ka e” sabi ni Joanna.
“Alam mo sa katulad ko di ka pwede magsaya masyado. Oo masaya ako deep inside pero kailangan mag ingat. You did something good, okay let it be pero may manipis na linya kasi e. Once nabilib ako sa sarili ko, isang maling apak ko lang e boom, bagsak ulit” sabi ng binata.
“What do you mean bagsak?” tanong ni Cristine. “Hey look, kayong dalawa, maganda kayo at sikat. Pag naniwala kayo sa sarili niyo its okay kasi sasabihin nila may karapatan naman kayo e”
“Pag katulad ko naman, isang hakbang e sasabihin nila, wow ang kapal ng mukha. Porke maganda boses mafeeling na o” paliwanag ng binata. “Tulad kami ni Cristine, masaya talaga ako pero di ko pwede ipakita e. I know I should be proud kasi nga tignan mo naman siya o”
“Pero once naipakita ko na happy ako at proud lalo nila ako lalaitin e. Sasabihin tsamba, mafeeling, basta di niyo maiintindihan kasi” sabi ni Enan. Di nakaimik ang mga dalaga kaya si Enan napabuntong hininga.
“Pag ganito itsura mo kailangan maingat ka kumilos, isang mali mo naku di ka papatawarin ng masa. Pero yung isang identity ko, I can get away with anything I do kasi nga isang titig lang sa mukha ko…kagwapuhan ko na bahala magbura ng aking kasalanan” biro ng binata.
“But you really can sing” sabi ni Cristine. “Let me tell you a secret, ewan ko kung ganito din yung mga katulad kong hindi pinagpala sa itsura. Maliit ang mundo na ginagalawan namin. Hindi kami malaya gumalaw sa gusto namin”
“There is self pity, there is also confidence pero kakataluin mo pa ba sarili mo? Iisipin mo okay ka naman sa panlabas pero kalahati ng isipan mo sumasang ayon sa iba. So I have this make believe worlds inside my head”
“Diba madami ako crush noon, wala naman ako panlaban sa itsura aaminin ko so nakwento ko na sa iyo Tiny diba na aalamin ko ano gusto nila. Like one crush she likes art so I started to draw. Then I let myself get lost inside my head where I am a really good artist then she will like for that”
“Then meron naman isang crush ko mahilig sa music, nag aral ako mag gitara, flute, pagkanta tapos sa loob ng imagination ko ang galing ko daw kaya mahuhulog siya sa akin dahil sa mga yon”
“Sa gitara I just know the chords pero yung tugtog talaga kailangan ko pa imemorie. I wanted a saxophone pero ang mahal masyado, pinag ipunan ko pa yung flute talaga. Ang hirap din aralin yon, gusto ko sana mag enroll pero mahal din tuition”
“Singing walang gastos, I don’t know if I sound good, wanted to record myself pero tinatawanan ko sarili ko kasi parang ang kapal kapal ko nalang. But when I am alone, lalo na pag wala parents ko I sing aloud and really get lost. Kunwari nadiscrover ako sa videoke ganon. Tapos may nagkagusto sa akin ganon”
“Imagining myself to be singing is easier, karamihan ng imaginations ko ganon. Di naman siguro bawal mangarap diba? Imagination lang naman siya. Kaya pumikit ako nung Sabado kasi nahihiya ako. I didn’t know if I sounded good, inisip ko baka pangit boses ko tapos pangit pa ako so pumikit nalang ako”
“That is why ayaw ko pumayag lumabas sa video. Pero ewan ko. That moment na sumingit ako tapos kumanta parang gusto ko pa umayaw. Pero sabi ko, I needed to learn the truth, I cant lie to myself kahit sa imagination ko lang”
“So I sang. I turned out good so I am really happy. Kasi justified yung mga make belive scenarions ko sa loob ng aking isipan na kumakanta ako. Kasi pag pangit kinalabasan…parang niloloko lang sarili ko sa imaginations ko. Parang itil mo na yan Enan kasi yan na nga o ebidensya”
“Pero it turned out well…I felt so happy kasi justified yung mga imagination ko. So that means yeah…there is hope. My imaginations or day dreams have a chance of coming true” kwento ng binata.
Naluluha pareho ang mga artista, “So I hope that helps you in your role” sabi ni Enan. Nagpunas ng mata si Joanna, si Enan naman pinunasan mga mata ni Cristine. “Nakatulong ka din sa role ko” bulong ni Cristine.
“Bakit ano ba role mo?” tanong ng binata. “Her bestfriend” sabi ng dalaga. “I will be having a boyfriend that she too likes” sabi ni Joanna. “Oooh, interesting movie. So let me guess ha, so kayo ni boy habang si Tiny aaligid alidig kay boy. Then nagkaroon ng accident, ikaw papangit ka”
“Then si Tiny takes advantage kasi pretty pa siya. So si boy naman doon na siya napapansin kasi nga ganon nangyari sa iyo. Pero si Tiny mahahati ang puso kasi nga dahil bestfriend ka. So parang tuliro siya tuloy habang ikaw mega emote ka kasi nabubuhay ka na bigla sa panibagong mundo kung saan iba na tingin sa iyo ng tao” saib ni Enan.
“Ganon na nga” bulong ni Joanna. “Welcome to my world, sort of” sabi ni Enan. “Ano ba yan? Baka maiyak talaga ako sa shooting kasi maalala kita” saib ni Cristine. “Hoy kayong dalawa, I expect you two to get the major awards. Kailangan makuha niyo best acrtress at best supporting para naman kahit papano feeling ko nakuha ko narin yung best coach”
“O ha, lalong masesemento yung pagka artistahin ko pag nakuha niyo yung mga awards. Take note mga awards. Plural kasi coach niyo artistahin kaya wag niyo ako ipapahiya ha. Wag na wag niyo sisirain ang pangalan ko”
“I am known world wide” landi ni Enan. “Siya nga pala labs, madami nagtatanong kailan daw tayo gagawa ulit ng video?” lambing ni Cristine. “Some are even requesting for songs” sabi ni Joanna.
“Kasama pa ba kayo o ako lang?” biro ni Enan kaya nagtawanan silang tatlo.