Chapter 17: Discovery

3096 Words
Sabado pumasyal si Enan sa condo ni Cristine, pagbukas ng pinto humaplos si Enan sa kanyang puso. “Pasok ka” sabi ng artista. “Hindi, nakita na kita. Kumpleto na araw ko. Kay thanks bye” sabi ni Enan kaya natawa si Cristine, hinila ang binata at niyakap ng mahigpit. “He is so sweet” sabi ni Joanna kaya nagulat ang binata. “What she is she doing here?” tanong ni Enan sabay napatitig nanaman sa legs ng magandang artista. “Tiny she is seducing me again o, I am doing my best not to look at her” banat ng binata kaya nagtawanan ang mga dalaga. “Narinig ko nanaman boses ng antipatiko” sabi ni Jelly na lumabas ng kwarto si Noemi. Pareho sila nakasuot ng sando at maisking shorts kaya napahawak si Enan sa bibig niya. “Lord ano ba kasalanan ko? Kina Tiny, pinakita mo sa akin sexy na katawan nila ni Clarisse na nakabikini tapos babawiin mo saya ko at papakita mo katawan ni Jelly na nakabikini” “Ngayon inaakit nanaman ako ni Joanna..ang iski ng shorts niya tapos..ipapakita mo yung dalawang yon naka pipi shorts din? Why?! What did I do to deserve this punishment?” sigaw ni Enan sabay lumuhod at tinaas ang dalawang kamay. Tinignan niya legs ni Joanna, dahan dahan niya tinignan legs nung dalawang bading. “Ayaw na tuloy mag save sa memory ko! May bahid na!” drama niya kaya lumapit si Jelly at pinagkukurot ang binata sa pisngi. “Dito muna sila makikitira habang di pa pwede yung kabilang unit” sabi ni Cristine. “Oh okay, pero okay ka lang ba sineseduce nila ako ng ganito Tiny?” sumbong ng binata. “If you keep looking at her legs then magkakaproblema tayo” sabi ng dalaga. “Hindi ko naman tinitignan e, sila ang tumatawag sa mga mata ko. Ganyan din naman ako sa legs mo e. Pero bakit kasi kailangan pa maiski isusuot mo? Kulang nalang panty na yang shorts mo e. Tignan mo ginagaya ka nung dalawa, hoy kayong dalawa umayos kayo” “Ang jewels natin kailangan din huminga. Sila wala sila jewels kaya pwede at bagay nila” sabi ni Enan. “Enough labs, anyway off namin today pero tinatamad kami lumabas” sabi ni Cristine. “Okay lang naman kahit dito nalang tayo, anything you need me to do?” tanong ni Enan. “Ate, sige na pilitin mo na siya” sabi ni Joanna. “Please pag tungkol sa video ito ayaw ko pa masira ang Cyberspace” sabi ni Enan. “Ate” sabi ni Joanna. “Sige sige, labs you take a video of us then gagawa kami ng vids” sabi ni Cristine. “For what?” tanong ni Enan. “Don’t you know pwede din pagkakitaan tong Youtube? If you get a lot of views you earn money too” sabi ni Joanna. “Ows? So kumikita ka talaga noon diyan?” tanong ng binata. “Uhuhmm..kaya nga ang daming tao pag nakakita ng magandang video they download it and upload sa account nila sa sila yung kikita e” “Pero pag established ka na at madami ka na followers then bihira nalang mangyari yon kasi sisitain sila nung followers mo and you can file a complaint. Sayang din yung kita no” sabi ni Joanna. Ilang minuto lumipas inupload ni Joanna yung Gwiyomi video nila ni Cristine. “Now all I have to do is tweet this link…post ko din sa sss page ko and that’s it” sabi ni Joanna. Nagulat si Enan pagkat isang minuto palang lumipas nakarami na agad ng retweets yung post ni Joanna. “Wow..ganyan ang aristahin..ang bilis o” sabi ni Enan. “Pero di naman ako ganon kasikat tulad nung mga Hollywood stars no. Pag sila grabe siguro isang oras palang naka one million views na. Happy na ako pag naka ten thousand views” sabi ni Joanna. “Holy cow! Tignan mo to naka one hundred agad? Kapopost mo palang ng link ha” sabi ng binata. Isang oras lumipas tulala si Enan, “Grabe, nagtrending pa kayo o” sabi niya. “O ano, yang ang mga totoong artistahin” sabi ni Jelly. “So you want me to make a video then you will post the links? Then all your fans will attack and bash me?” tanong ni Enan. “Not if I will be on the video with you” sabi ni Joanna. “Oh so gusto mo din malait ganon? Sadista ka te?” biro ni Enan kaya nagtawanan sila. “Hey look, ate’s fans already accepted you. Oo meron iba na hindi pa. So sama na natin fans ko, the more people will accept you by then” sabi ni Joanna. “Why are you doing this?” tanong ni Enan. “Kasi ang bait bait niyo sa akin e. This is my way of returning the favor. We are friends now so friends help each other. Di na natin maiiwasan yung iba na lalaitin ka pero at least, crossing fingers, more will start to accept you” sabi ni Joanna. “You know that pwede din mag back fire ito right?” tanong ni Enan. “Alam ko, I am ready for that. So ano? Game?” tanong ni Joanna. “E ano namang video?” tanong ni Jelly. “Kanina pa nga ako nag iisip e, wala ako maisip” sabi ni Cristine. Lumapit si Noemi dala yung plastic cups, “Skit, ikaw kakanta ka tapos siya yung gagawa yung cup cup thingy pero disaster. O diba funny siya?” sabi ng bading. “Marunong ako” sabi ni Cristine. “O mas maganda, papalabasin natin epal talaga siya. So kayong pretty girls kunwari ang dapat gagawa lang non, while you two do it, Joanna sings of course tapos si Enan the epal susulpot sa likod…and whatever do something funny” sabi ni Jelly. “Yeah that could work” sabi ni Joanna. “Oo nga tapos pag singit niya mali mali ginagawa niya tapos magtatantrum ka, basta do anything funny. Youre good at that naman labas” lambing ni Cristine. “Girls, tignan niyo yung pinost niyong video kanina. Almost one hundred thousand views na. Tapos gusto niyo pa ako isama? Ako? Itong video natin na ito will hit a million views agad agad. Sinasabi ko sa inyo magkakaroon ng gera” “Huh, I have millions of fans, if they see me with you two wala na. Fine fine lets get it on before I change my mind” sabi ng binata. “O kupal lumayas ka muna. Kayong magaganda kneel down nalang kayo sa floor tapos diyan na kayo sa table” sabi ni Jelly sabay kinuha yung video camera at sinet up habang si Noemi nag ayos nung mga plastic cups. Ilang minuto lumipas sinimulan ni Jelly kumuha ng video, mga dalaga naghahanda palang pero biglang sumulpot si Enan sa likuran nila. “Bakit ka pumasok?” tanong ni Jelly. “E gusto ko makita ano ginagawa nila e” sabi ni Enan. “Gaga keep rolling, baka skit ito” bulong ni Noemi. “Its called the Cup Song, you know that?” tanong ni Joanna. “Of course I know it” sabi ni Enan. “Okay I will sing then you two do it” sabi ng artista kaya tumabi si Joanna at lumapit si Enan. “Hoy lalake alam mo ba talaga yan?” tanong ni Jelly. “Ganyan ba talaga camera niyo nagsasalita mag isa?” tanong ni Enan kaya nagbunisngisan ang mga dalaga. “Antipatiko, sige na game na” sabi ni Jelly. “Ano tawag diyan sa pinapatungan ng video cam?” tanong ni Enan. “Tripod” sabi ni Cristine. “Na ah, taraaay pod. Pag lalake camera man tripod, e di siya lalake e” hirit ni Enan kaya napahalakhak si Noemi. “Tse, sige na para madami ka matakot sa video na ito” sabi ni Jelly. “Ready?” pacute ni Cristine sabay nauna na siya pumalakpak. Si Enan naman humawak sa kanyang dibdib sabay pumiga kaya napahiyaw sa tawa si Joanna. “At ano naman ginagawa mo ha?” tanong ni Jelly. “Cup song, tanga. Oh can I say that sa video?” sagot ng binata. “I think so” sabi ni Joanna. “Cup song tanga! Ayan cup cup cup pero wala ako mapiga” sabi ng binata kaya nagtawanan ang mga dalaga. “Umayos ka!” sigaw ni Jelly. Umatras si Enan sabay tinignan mga boobs ng mga dalaga. Lalo nagtawanan sina Cristine at Joanna. “Damuho ka talaga” sabi ni Jelly. Nilapit ni Enan mga kamay niya sa video cam, “So ano gusto mo sa iyo? Ganon ba e lalake ka din” sabi ni Enan kaya hinila siya paatras ng mga dalaga. “Kami nalang muna” sabi ni Joanna kaya umatras si Enan. Nagsimula sina Cristine at Joanna, si Enan paindak indak ng ulo sabay pabulong na nag beat box. Nasira focus ng mga dalaga kaya nainis si Jelly. “Ulit nga, edit nalang mamaya” sabi ni Jelly. Nagsimula ulit yung mga dalaga, “So cup talaga ginagamit as in cup” sabi ni Enan kaya napatawa niya yung mga dalaga pagkat habang tinuturo niya yung mga baso e mga kata niya palipat lipat sa dibdib ng mga dalaga. “Wala talaga tayo matatapos nito” sabi ni Jelly. Lumapit si Enan sabay humawak sa mga baso. Nagulat ang mga dalaga at sabay napangiti nang sinimulan ng binata yung routine. Tumaas kilay ni Noemi at napakapit kay Jelly pagkat pati sa mga baso marunong pala ang binata. Sasali na dapat si Joanna pero tinuro niya si Cristine. Ang dalaga dapat sasali pero biglang kumanta si Enan. Lalo napangiti ang mga dalaga, yung dalawang bading nagtakip ng bibig pagkat namangha sila nang pumikit pa si Enan. Pagkatapos ng kanta nagtilian yung mag dalaga, sabay nila nayakap si Enan sabay nahalikan sa kanyang mga pisngi. Si Jelly pinatay yung video, agad ito kinuha ni Noemi at nilabas yung memory card sabay nilagay sa laptop. “Wag mo na edit, upload mo na agad” sabi ni Joanna. “Uy wag! Do not upload it” sabi ni Enan. “Labas you were great. Grabe, you can sing” lambing ni Cristine. “Duh, kinantahan kita sa inyo diba?” sabi ng binata. “Yeah but that was fast song, lumabas talaga boses mo sa slow song na to” sabi ng dalaga. “Uploading!” sigaw ni Noemi. “Uy grabe naman kayo, please wag niyo na upload yan” makaawa ng binata. “Hoy lalake, I was impressed” sabi ni Jelly. “Ako din papi, diyos ko magugustuhan ng marami itong video” sabi ni Noemi. “Yeah pero madami din manlalait” sabi ni Enan. “Hayaan mo na mga yon, basta we upload it” sabi ni Cristine. “Sana naman inedit niyo yung first past, lalabas na m******s ako e” sabi ng binata. “To be honest it was funny, bastos konti pero nakakatawa itsura mo. Para kang inosenteng m******s” sabi ni Jelly. “Please wag nalang” sabi ni Enan. “Will you relax, everything will be fine” sabi ni Cristine. Ilang minuto ang lumipas natapos na yung upload, “Okay here it goes” sabi ni Joanna at nagsimula na siyang magpakalat ng links. Kinuha din ni Cristine laptop niya, “Sis ano yung link?” tanong niya. “Ako din magpopost niyang sa wall ko” sabi ni Noemi. “Hoy ikaw, ipost mo din yung link sa wall mo” sabi ni Jelly. “Ako na” sabi ni Cristine. “Oh so you know his password?” tanong ni Joanna. “Yup, Enan does not hide things from me” sabi ni Cristine sabay ngiti. Ang binata naupo sa sofa, kinakabahan at hindi mapakali. “Sinasabi ko na sa inyo lalo nila ako lalaitin. Ngayon pati kayo madadamay” sabi niya. “Ayun may nagretreet” sabi ni Joanna. “Oo kasi akala nila maganda coming from you, di nila alam horror video siya” sabi ni Enan. “Will please stop being like that. Whatever happens..haharapin natin okay?” lambing ni Cristine. Ilang minuto lumipas, nagrefresh si Joanna ng laptop. Nilayo niya ito sa binata kaya si Enan nagsimangot. “See it old you” sabi niya. “Panay WTF” sabi ni Noemi. “Well at least from my followers they are saying nice things…here look labs” sabi ni Cristine. “Wow idol, marunong pala kumanta si bf mo and he is kinda good” basa ng dalaga kaya napangiti si Enan konti. “Eto pa isa, “Nakakatawa naman pala si Enan. Cristine you are so pretty” basa ng dalaga. “Dami ko tawa nung una siguro eighty pero wow ha” basa pa niya. “Oh here! Sabi sa iyo e” sabi ni Joanna sabay pinakita yung comment sa Youtube post. “Wow nakapikit pa ha. Marunong pala siya kumanta” basa niya. “Here here here!” sigaw ni Noemi. “Uy girl, diba yan yung fangers na boylet ni Cristine? May talent” basa niya. “Fangers means pangit diba?” tanong ni Enan. “Hindi na importante yon, basta napansin talent mo” sabi ni Noemi. “Kaya nga, hit refresh nga” sabi ni Jelly. Pagka refrsesh nagulat silang lahat pagkat sobrang dami nang nag comment. “Oh my God, trending pero…nevermind” sabi ni Joanna sabay nilayo laptop niya. “Patingin kasi” sabi ni Enan sabay tinignan Twitter page ng dalaga, sa ibaba nakita niya yung trending words. “Pangit” basa niya sabay naupo sa sofa at nagkibit balikat. “Told you” bulong niya. Naclick ni Joanna yung link, “Hey masama lang yung term na ginamit pero they are saying good things naman” sabi niya. “Oo nga no, labs basahin mo kasi” sabi ni Cristine. “Wait lang…” sabi ni Joanna sabay nagtype siya. “So what do you think of #ArtsitahingEnan ‘s voice?” post niya sa Twitter. “Wow naman artistahing Enan” bulong ng binata. “Oo kasi I want that to trend instead of the other word” sabi ni Joanna. “Wait..sasagot ako. Ako din” sabi ni Cristine. “My #ArtistahingEnan has a good voice don’t you think?” tweet din niya. “Uy tama naman na, pinapasaya niyo na ako masyado” sabi ni Enan. “Hay naku mamaya na yan. Ano order tayo makakain? O bibili si Enan?” tanong ni Jelly. “Bibili nalang ako, kailangan ko magpahangin” sabi ng binata. “Galit ka labs? Sorry na kung di mo pala gusto talaga ito” sabi ni Cristine. “Natatakot lang ako, oo meron mga matutuwa at mag aappreciate pero baka mas madami magsabi mafeeling ako, makapal ang mukha. Tapos kasama ko pa kayong dalawa sa video. I appreciate sobra what you all are trying to do pero hindi niyo alam ano yung feeling kung kayo yung nasa receiving end” sabi ng binata. “You coud at least be positive for a change” bulong ni Joanna. “Oo nga labs, panay negative iniisip mo. Lika nga dito, sit” sabi ni Cristine kaya naupo ang binata. “Oh my God” bigkas ni Jelly. “Naglalaban laban o dalawang hashtag. Mga bashers ayaw gamit yung dalawang hashtag, mga praisers yung isa lang” sabi ni Jelly. “Diba sabi ko naman sa inyo na magkakagera dahil sa akin. O yan na resulta” biro ni Enan. “Uy o pati si Mikan. Cristine! Basahin mo tinag ka!” sigaw ni Jelly kaya napatingin sa laptop si Crstine at Enan. “Cristine does boyfie really sing? Invite ko nga siya sa set. Ganda ng range ng boses niya. Blend siya sa new single ko” sabi sa tweet kaya natulala silang lahat. “Mikan Reyes as in yung singer yan diba?” tanong ni Enan. “Siya nga! Oh my God! Did she just invite Enan sa set niya?” tanong ni Noemi. “She did! Teka favorite ko tong tweet niya tapos retweet ko” sabi ni Joanna. Napalunok si Enan pagkat nagkakagulo ang kanyang mga kasama. “Replayan mo” sabi ni Jelly. “Ah..Enan you want to?” tanong ni Cristine. “Ha? Ano? Anong nangyayari ba?” sagot ng binata na natuliro na talaga sa tindi ng tuwa. “Enan! Mikan is inviting you to her set. Baka mag duet kayo” sabi ni Joanna. “He is in shock” sabi ni Jelly kaya natawa si Cristine at niyakap ang binata. “Water nga!” sigaw niya kaya kumuha ng tubig si Noemi. Uminom si Enan, si Cristine hinaplos puso niya habang si Joanna nakahawak sa isang kamay niya. “Say yes” lambing niya. “Umoo ka na, manonood kaming lahat” sabi ni Jelly. “Wait..please..isa lang pwede?” pakiusap ng binata. “Go ahead” sabi ni Cristine. “Holy s**t! Anong nangyayari?! Totoo ba lahat ito o nabagok ako kanina?!” sigaw ng binata kaya nagtawanan yung apat. Nagring phone ni Cristine, “Sagutin mo na” sabi niya kaya inispeaker phone ni Jelly ito. “Ahem! I know Enan is there. Iho, talent kita. Kung may approach sa iyo sabihin mo may manager ka na ha” biro ni Arlene kaya muli sila nagtawanan. “Did you watch the video?” tanong ni Cristine. “Diyos ko late na nga ako sa meeting ko e. Tinawag kasi nila ako at sabi panoorin ko daw. Nandito ako sa studio at mukhang lalabas ito sa news mamaya. Enan may kilala akong voice coach” sabi ni Arlene. “Are you kidding me?!” sigaw ni Enan sabay napahaplos sa kanyang mukha. Namatay yung tawag, pinagmasdan nilang lahat yung binata kaya si Enan tinakpan ang kanyang mga mukha para itago ang saya na nararamdaman niya. “Enan, ano irereply ko?” lambing ni Cristine. Dahan dahan binuklat ng binata ang mga kamay niya, “Kung okay lang sa kanya masapawan ng pagka artishahin ko then why not?” landi niya kaya nagtilian ang mga dalaga habang yung mga bading nauna pang kinalat yung balita sa pagpayag ni Enan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD