“Denise may usapan tayo ha” sabi ni Earl. “Oo alam ko pero hindi niya ako pinapansin nga e. Ano magagawa ko?” sagot ni Denise. “Akala ko ba okay na? Akala ko you had everything under control?” sabat ng binata. “I thought I did, ano magagawa ko kung di siya sumasagot sa mga text ko? Pag dumadaan ako sa tambayan nila lagi siya busy”
“Ano gusto mo maging aggressive ako? Di mabubuking na. Mag isip isip ka nga” sabi ng dalaga. “Malapit na yung pageant. Dement, you said you can handle this” sabi ni Earl. “I thought I did, I got his attention but things changed” sabi ni Denise.
“Try harder, seduce him. Pangit yon tandaan mo, imposible naman na hindi siya kakagat. Pretty girls do not come falling into his lap, he chases them away” sabi ni Earl. “Yeah right, and he has a celebrity girlfriend, how about you?” sagot ni Denise.
“This is not about me, naka chamba lang yung gago na yon. Denise may usapan tayo, do it. Gusto ko siya ipahiya dito sa school at the same time ruin whatever relationship he has” sabi ng binata.
“Gago ka may dagdag bayad ito” sabi ni Denise. “Oo na just get it done” sabi ni Earl. “Speaking of the devil” bulong ng dalaga kaya nagtago si Earl. “Do it now” sabi niya kaya binuksan ni Denise yung botones ng polo niya sabay naglakas loob na lapitan si Enan.
Busy nagtetext ang binata kaya si Denise sinugardo na magtatagpo sila. Napangiti si Enan sa nabasa niyang text, pagreply niya bumangga dulo ng phone niya sa dibdib ni Denise. “Ay sorry” bigkas ni Enan, pagtingin niya si Denise pala yon at ang dalaga umaakting na malungkot at pagod.
“My fault, I was not looking” sabi ng dalaga. “Ah..sorry..kasalanan ko..nagtetext kasi ako” sabi ni Enan kaya natatawa na si Denise pagkat huling huli niya mga mata ng binata nakatitig sa kanyang dibdib. “Wala yon, hey Enan how you doing?” pacute ni Denise.
“I am fine but my phone is happy” biro niya kaya natawa ang dalaga at napalo siya sa kamay. “Denise isara mo naman yang polo mo, nasisilipan ka na” sabi ni Enan. “Ay sorry, kasi ang init kanina tapos ang dami naming ginagawa” sabi ng dalaga sabay sadyang lumapit at dahan dahan sinara polo niya.
Enan napalunok, iniwas niya tingin niya. Denise todo acting na pagod kaya pagkasara tinigil pagsara ng polo niya sabay biglang hiniga ulo niya sa dibdib ng binata. Tinaas ni Enan mga kamay niya, “Uy Denise, baka sugurin ka ng mga tagahanga ko” biro ng binata.
“Oh sorry..just tired” bulong ng dalaga na bumitaw sabay umakting na mala zombie na naglalakad sabay humihihikab. “Hey are you okay? Saan ka ba pupunta?” sabi ni Enan na humaplos sa likod ng dalaga. “I am fine, sige na nice to see you again Enan” sagot ng dalaga.
“Tsk, teka Denise saan ka punta? Uwi ka na? Hatid na kita paradahan niyo. You don’t look well..i mean you look good but don’t look well..gets mo?” sabi ni Enan. Napangiti ang dalaga, napahaplos sa dibdib ng binata sabay todo acting na nanghihina. “I am fine Enan, sige na at makikipagkita pa ako sa friend ko sa labas” sabi niya.
“Samahan kita” sabi ng binata kaya tinodo na ni Denise acting niya at sumandal sa binata. Pagkalabas nila ng side entrance e tinignan ng dalaga ang binata. “Sige na I will be okay here, diyan ko naman siya aantayin sa kainan” sabi ni Denise. “E alam mo ba nagugutom ako, tara samahan kita hanggang dumating yung friend mo” alok ng binata.
Pumasok sila sa fastfood, “Sige lang mauna na ako mauupo ha” sabi ng dalaga. “Hey wait, di ka oorder? Denise, alam mo swerte ka e, bihira itong chance na ganito nakakasama mo ang isang tulad ko. E super lucky ka pa today at balak mo manlibre pa”
“O diba? Pag uwi mo makwekwento mo, nakasama ko ang tunay na artistahin…pwede na ako mamatay. Kumpleto na buhay ko…nilibre pa niya ako” drama ni Enan kaya natawa ang dalaga. “Sige na nga” bulong niya sabay sandal ulit sa binata. “Denise..layo ka konti kasi kung kanina swerte ng phone ko e..ngayon braso ko naman ang sinuswerte” bulong ng binata kaya umatras si Denise, nagbungisngis at pinagmasdan ang binata.
Nang makaupo sila nagkunwari na nanghihina si Denise at ginulo gulo buhok niya habang hindi nakatingin ang binata. “Denise naman, sabihin mo lang kung kinakahiya mo akong kasama. Lipat nalang ako lamesa” sabi ni Enan. “Ha? Wala ako sinabing ganon” sabi ng dalaga.
“No I understand, you don’t have to hide your face. Nakakaintindi naman ako at hindi ako manhid” sabi ni Enan. “No, hala, I was just feeling dizzy. I didn’t mean to do this” sabi ni Denise. “Oh okay, let me help you” sabi ng binata sabay tinulak niya paatras buhok ng dalaga, si Denise napangiti nalang at tinignan ang tray ng pagkain.
“There, sorry ha, akala ko kinakahiya mo akong kasama. Ayan kitang kita na magandang mukha mo” sabi ni Enan. Ngumiti si Denise sabay pumulot ng French fries sabay kinain ito. “Sige kain ka lang, grabe you look tired. Pero sure ka wala ka nararamdaman na sakit?” tanong ng binata.
“Wala. Pagod lang ako. Hey Enan kung may lakad ka sige lang I will be fine” sabi ni Denise. “Para ano sa iyo din itong inorder ko? Ikaw ha, pwede mo naman sabihin na matakaw ka e” landi ng binata kaya natawa si Denise at napalo siya sa kamay.
“Hey Enan I hope you don’t mind if I eat” sabi ni Denise. “Sure go ahead” sabi ng binata. Isang minuto lumipas, “Di mo naman na ako sinasagot sa text” sabi ni Denise. “Ah sorry about that, namaga kasi thumbs ko. Alam mo na ang dami kong tagahanga at panay ang text nila sa akin” palusot ng binata.
“You don’t have to lie to me. Pwede mo naman sabihin na ayaw ko ako katext” sabi ng dalaga. “Hindi sa ayaw, basta wala lang siguro ako time. Kasi busy din ako lagi” sabi ng binata. “Okay if you say so” sabi ni Denise. “At wag mo sasayangin oras sa katulad ko ano” sabi ng binata.
“Why do you say that? I find you really nice. Just like now” sabi ng dalaga. “Really? You find me nice? Nagpipigil ka ba ng adjective? Alam ko naman gusto mo sabihin saksakan ako ng kagwapuhan” landi ni Enan.
“Hmmm not really” sabi ni Denise kaya nakaramdam ng kirot ang binata. “Don’t take offense sana but the reason why I wanted to get to know you…some of my friends cracked your jokes. So I got intruiged, sabi ko sino ba tong lalake na ito kaya ayon. But I am not like the rest who judge people why how they look” sabi ng dalaga.
“Sino naman at ano mga jokes yon?” tanong ni Enan. “Di na importante yon. Di naman sa nag eemo ako, pero hearing them telling your jokes or telling stories about you makes me laugh. I kinda needed that kasi lately medyo down ako and laughter helps” sabi ng dalaga.
“Oh so people talk about me? Expected na yon kasi nga artistahin ako e” sabi ni Enan. “I also know why you don’t want to text me. Kasi may girlfriend ka at siguro pinagbawalan ka niya. Pero all I ever wanted was to be friends with you. Para naman first hand ko maririnig jokes mo. Di ko na aantayin mga friends ko magsabi ng joke” sabi ni Denise.
“Ows? As in wala kang pagnanasa sa akin? Totoo ba yan? Nareresist mo ba talaga ang charms ko? Oh come on, kahit konti?” biro ng binata kaya tawang tawa si Denise. Di umimik ang dalaga, tawa lang siya ng tawa kaya natatawa narin si Enan.
“My eyes don’t tantalize you much?” landi niya sabay nag beautiful eyes siya, slow motion sa una hanggang sa bumilis ito ng bumilis kaya napahalakhak si Denise at napahawak sa kanyang kamay.
“Yan na, halata na nagsisinungaling ka. Buti nalang kamay ko lang naabot mo kundi baka niyapos mo na ako. I know I am truly irresistible..” hirit ni Enan kaya namula na mukha ni Denise at dalawang kamay na siyang nakahawak sa kamay ni Enan.
“Dalawang kamay na yan Denise, saksakan ka na ng kasinungalingan. Di ko pa inaapply sa iyo yung aking charming killer moves” banat ni Enan sabay napahiyaw ang dalaga at natili ng malakas nang gumalaw isang kilay ng binata.
Bumitaw si Denise sabay nagtakip ng mukha, “Kumain ka na nga, at least nabago ko na mood mo. Di tulad kanina na latang lata ka, parang inimagine mo ako maghapon e” hirit ng binata kaya halos maiyak na ang dalaga sa tindi ng tawa.
“Alam mo Denise, tulad ng pinapayo ko sa mga humahanga sa akin, set aside mo lang isang oras sa buong araw. Kailangan mo na ata magparehab e. Baka withdrawal lang yan kasi nga katext mo yung artistahin tapos biglang natigil. Kaya siguro withdrawal symptoms lang yan”
“Teka bigyan kita ng number, meron kasi tintawag na AA group” sabi ni Enan. “Alcoholic anonymous?” tanong ng dalaga. “Artistahin Anonymous, mga fans na sumobra paghanga sa akin. You should join that group, alam mo may apps silang binibigay pa nga e. Parang alarm, bibigyan ka ng five minutes of Enan time, tapos may wallpaper ako na lalabas sa phone mo para solid pag imagine mo sa akin”
“Madami pa freebies, kung mild symptoms, tabo lang ibibigay sa iyo para sa laway mo. Pag major symptoms e bibigyan ka ng drum. Pero pag extreme ka na e dadalhin ka na sa tuyong lawa tapos doon ka mag iimagine” sabi ni Enan kaya umariba sa tawa si Denise na naluluha na.
“May live wallpapers pa, mukha ko with me giving my killer charm brow” sabi ni Enan sabay inulit pag galaw ng isang kilay niya. Natili si Denise at napahawak ulit sa kamay ng binata. “Stop it, don’t do that again” sabi ng dalaga. “Bakit ba? Ano ba epekto sa inyo when I do that?” tanong ni Enan.
“Para kang nang aano e” sabi ni Denise. “Ha? Idol ko si the Rock e. Diba tinataas niya kilay niya. Pano ako nang aano?” tanong ng binata. “Parang nag susuggest ka ng..basta..” sabi ng dalaga. “Ganon ba? Excuse me innocent pag gawa ko non, nasa nag iinterpret nalang kaya kayo ang naghahalo ng malisya”
“Pero ngayon ko lang nalaman na pwede pala din akong s*x symbol. No no no I need to stay humble, being handsome is enough. Sexy is too much already” sabi ni Enan. “Hay naku, ang dami mong alam grabe ka. Kaya lang sayang bawal mo na pala ako pansinin” sabi ng dalaga.
“Pwede na, naintindihan ko naman rason mo. If I could help you get out of your lonely state then why not diba?” sagot ng binata. Tumunog phone ng binata kaya agad siya napatayo, “Oh no, hala I have to go. Nandon na yung apprentice ko. Tuturuan ko siya umakting” sabi ng binata.
Tumawa si Denise sabay kinurot kamay ng binata. “This time I am serious, di ako nagpapalusot meron talaga ako tinuturuan” sabi ni Enan. “Really?” tanong ni Denise. “Of course, Artistahin nga e, uy Denise okay lang ba iwanan kita dito? Are you okay already?” tanong ng binata. “Oo okay na ako, napasaya mo na ako e” sabi ng dalaga. “
“Catch you some other time ha, sorry talaga I really have to go” sabi ni Enan. “Salamat pala, oh by the way, I still saw your name sa pageant list. Sasali ka ba talaga?” tanong ng dalaga. “Nandon ulit? Napaalis ko na ah. Hayaan mo na, siguro yung mga fans ko lang nangungulit sa akin. Kausapin ko ulit dean namin” sabi ng binata.
Sa dressing room pumasok si Enan na hingal na hingal. Lumapit si Joanna at agad pinunasan pawis ng binata. Lumayo si Enan, tinitigan ang magandang artista na nakasuot ng manipis na sando at napaka iksing shorts. “Miss J are you trying to seduce me?” biro niya kaya natawa ang dalaga.
“Hindi no, ganito lang talaga ako manamit pag nag aantay ng next shoot” sagot ni Joanna. “Miss J, nadidistract ako masyado e” sabi ni Enan. “Youre so honest, its okay, tara na kwentuhan mo na ako” sabi ng dalaga.
Naupo sila sa sofa, kumuha ng unan si Enan sabay nilagay sa ibabaw ng mga hita ng dalaga. “Miss J pangit ako pero lalake parin ako na naakit sa mga ganyan” sabi niya kaya tumawa si Joanna. “Okay sorry, so how was your day?” lambing ng dalaga.
“Normal naman, kaya lang medyo badtrip ako kasi binalik nanaman nila pangalan ko sa peageant” sabi ni Enan. “Nagsisimula ka nanaman” sabi ni Joanna. “No, seryoso ako. Pinapasali nila ako sa mister Commerce. Malaking insulto naman na masyado yon” sabi ng binata.
“Oh sorry, akala ko nagbibiro ka lang at part ng skit mo” sabi ng dalaga. “Its true, pinagtatawanan nga ako at sinasabi nila makapal mukha ko e. Nakiusap na ako ilang beses, my friends are even helping me out pero ewan ko ba” sabi ni Enan.
“Does Cristine know about this?” tanong ni Joanna. “Yeah I told her, sabi niya nga sumali daw ako e. Para matigil na sila. I can do that naman para makisama sa trip nila pero masakit yon aaminin ko”
“We all know mga sumasali lang don e yung may itsura. Yeah meron mga mafeeling na sumasali pero at least may itsura sila kahit papano. E pano na ako na walang wala diba? Naiiamagine ko na yung sakit pag naririnig ko tawanan ng lahat at kantyaw” sabi ng binata.
“Maybe Cristine is right, look madami naman sumasali sa beauty pageants din na…brain lang puhunan” banat ni Joanna kaya nagtawanan sila. “Uy nagbago na siya o, nagpigil ka pa” sabi ni Enan. “True naman diba? Kasi sanay na tayo lahat pag sinabi pageant automatic alam natin magaganda sumasali then pag nanood ka na e…bakit sumali yan? Lets be honest, even you I am sure you ask that” sabi ni Joanna.
“Oo aminin ko pati ako mapanlait kahit na kapwa ko sila. Pero ako more on trying to understand why sumali pa sila knowing that the more they will get bashed and laughed upon” sabi ni Enan.
“Para bang, hey kapwa pangit, bakit ka pa sumali. Kasi alam ko na ano ilalait sa kanya, alam ko na mararamdaman niya after or during the competition” sabi ni Enan. “But maybe they use that event to show that they have more in them. Oo kulang man sila sa panlabas na anyo pero what they are trying to showcase is what they have inside” sabi ni Joanna.
Napatigil si Enan sabay napatingin sa dalaga, “So you think Tiny was trying to tell me that? She wanted me to join para din maipakita ko ano ako sa loob?” tanong ng binata. “Yeah, if they learn who you are inside then maybe maiintindihan narin nila bakit ka sinagot ni Cristine” sabi ni Joanna.
“Oo nga no, pero miss J she will get hurt. Baka di niya makayanan yung mga panlalait sa akin” sabi ni Enan. “Maybe because she is expecting that you will win their hearts” sabi ni Joanna.
“You think so? What if I fail?” tanong ni Enan. “It’s a good stage for you to show that sige lang bato niyo lahat ng kaya niyo. I am here, let it all out. Parang ganon” sabi ni Joanna. “You are kinda inspiring me pero you don’t understand how painful it can really get” sabi ng binata.
“Enan, nalait narin ako once or twice about itsura ko” sabi ni Joanna kaya natawa ang binata. “Oo mga karibal mo siguro, kapwa babae right?” tanong ng binata. “Yeah, di pa pareho yon? May truth naman lait nila like how my right eye is smaller a bit, then like how my nose is not that matangos” sabi ng dalaga.
“Maganda ka parin naman, yang mga mata mo makes you cute, para ka lang yung nagpapacute na pangit na kinikindat mata nila kunwari tapos flash ng v****a sign…I have a vagina..na na na na” banat ng binata.
Napatawa ng malakas si Joanna at nakurot ang binata sa pisngi, “Victory sign yon” sabi niya. “Ah ganon ba? Sorry naman, victory sign pala yung V. Kala ko v****a. Kala ko tuloy pag bading gumawa e, I want a v****a too” hirit ng binata at lalo sila nagtawanan.
“You want to know how I started sa showbiz?” tanong ni Joanna. “Oo nga how did you start?” tanong ni Enan. “Hmmm..i admit vain ako..i started making videos and posted them sa Youtube” sabi ng dalaga. “Malamang dami views kasi maganda ka” sabi ni Enan.
“Hmmm..maniniwala ka ba if I say wala ako tiwala sa sarili ko dati?” sabi ni Joanna. “Imposible naman, so sa Youtube you sang ba?” tanong ng binata. “No, parang video blog lang. I talk about stuff, then doon nagstart tiwala ko sa sarili ko. Panay nice comments saying I was pretty…hanggang sa may nag alok na sa akin na maging model then hanggang sa naging artista ako” sabi ng dalaga.
“Wow, ngayon di na halata mahiyain ka” biro ni Enan. “Yeah I know lumaki na ulo ko. Pero this is not about me, I can help you” sabi ng dalaga bigla. “How?” tanong ng binata. “You make videos, gawin mo yang skit mo or whatever para magka exposure ka” sabi ni Joanna.
“Are you crazy? Lalo ako malalait” sabi ng binata. “Hey do you know this chubby gay guy, naglakas loob siya gumawa ng videos. Yeah people make lait but a lot find him funny” sabi ni Joanna.
“Parang nakapanood na ako non, pero ang layo naman ng level ng itsura ko sa kanya no. Would you like me to have a billion views in an hour? Baka magsara Youtube bigla dahil sa dami ng manonood ng video ko”
“Gosh, artistahin me plus Youtube? Diyos mio would you like me to get blamed for causing cyberspace traffic?” biro ni Enan. “O yan may confidence ka, tara gawa tayo video mo” sabi ni Joanna. “Uy wag na, ayaw ko na magbasa ng bad comments. Sapat na yung araw araw na nararamdaman ko” sabi ng binata.
“Tara gawa tayo video mo, gawa lang tayo pag ready ka na upload ko” sabi ng dalaga. “Ano namang video? Uy Miss J ha, I know irresistible ako, baka pain mo lang to tapos ibang video gagawin natin mamaya ha” biro ni Enan kaya napahiyaw ang dalaga at napingot tenga niya.