Chapter 15: Reward

3125 Words
Kinabukasan sa loob ng dressing room magkatabi sina Arlene at Enan sa sofa. “Enan ikaw na ata ang lucky charm ko. Mula nung makilala ka namin sunod sunod ang blessings” sabi ni Arlene. Ngumiti lang si Enan sabay nakisilip sa pinipirmahang papeles ni Arlene. “Aba, malaki pala kinikita mo sa kanila” sabi ni Enan. “Hindi naman ako katulad nung ibang managers, sapat lang naman kinukuha kong percentage para din naman sa pagod ko” sabi ni Arlene. “Mahirap ba maging manager?” tanong ni Enan. “Of course, hindi lang kami umuupo tapos nag aantay nalang ng commission. We sell our talents, kailangan alisto din kami. Dapat alam din namin pano ibuild up talents namin. Alam din dapat namin ano mga pipiliing projects” sabi ni Arlene. “Swerte mo siguro pag ako talent mo ano? Masisiraan ka siguro ng bait kasi ang daming gusto kumuha sa akin, alam mo na artistahin” landi ni Enan kaya nagtawanan sila. “Anyway ano gusto mo? Name it” sabi ni Arlene. “Wag na po, just take care of them” sabi ni Enan. “Sige na, sabihin mo lang sa akin pag may kailangan ka. Cristine’s career is back on track, si Joanna rising star tapos nakuha ko pa thanks to you. Sige na Enan, madami na akong utang sa iyo” sabi ni Arlene. “I am fine, happy ako sa nangyari kasi nadagdagan ako ng kaibigan. She used to be a hater but now, she sees me differently now. Siguro acting lang kasi may kailangan siya pero okay narin yon. Tapos medyo war sila ni Tiny diba? Pero now they will become friends so I am fine with that” sabi ng binata. “Enan, I am not kidding. Just tell me what you need” sabi ni Arlene. “Ang kaibigan hindi nabibili, I gained a friend. Hindi nabibili kasiyahan pero naibigay ko sa iyo. Happy na ako, di naman lahat tungkol sa pera sa mundo” sabi ng binata. “Hoy lalake, bakit nakaupo ka lang diyan? Sana tinulungan mo ako magdala ng meryenda doon” sabi ni Jelly na pinagpapawisang pumasok. “Busy ako” sagot ni Enan. “Anong busy? Parang nakatanga ka lang diyan sa sofa e” sagot ng bading. “Excuse me, hindi madali maghimlay ng mga itlog. They need daily heal to keep them healthy, duh” sagot ni Enan. Nakarinig sila ng tawanan sa may pintuan, pumasok na sina Cristine at Joanna na nagtatawanan kaya napakamot si Enan. “Ganyan talaga yang dalawang yan masanay ka na” sabi ni Cristine. “Huh, things will change” bigkas ni Jelly sabay may tinawag mula sa labas. May pumasok na isang pang bading na may katabaan. “Ay oo pala, tita Arlene, Enan, ito pala yung PA kong si Noemi” pakilala ni Joanna. “Norman Michael?” tanong ni Enan kaya napataas kilay ng bading. “Noemi” diin niya. “Noel Michael?” hirit ng binata. “Noemi na nga lang e” sabi ni Jelly. “Sa gabi yon, ano yung sa umaga?” tanong ni Enan kaya nagtawanan na yung mga babae. “Wag mo siya pansinin Noemi, ganyan talaga yang antipatikong yan” sabi ni Jelly. “Nice to meet you pare” sabi ni Enan sabay inabot kamay niya. “Same to you pare” sagot ni Noemi. “Fernando pala” sabi ni Enan. “Normal Michael nga” sagot ni Noemi sabay nagkamayan yung dalawa. “Kamampi dapat kita!” sigaw ni Jelly. “Its all about charms my dear. You will never understand the power of true handsomeness. I pity you” landi ni Enan kaya nagtawanan ulit yung mga babae pero ngayon kasama na si Noemi. “Funny siya” bulong ni Joanna. “I told you matatawa ka sa skit niya. Anyway, Arlene alam mo ba saan pala siya nakatira? My God nagrerent lang siya sa apartments ni Belinda. Can you imagine that” sabi ni Cristine. “What? You should have your own unit by now. Ano nangyari sa mga kinikita mo?” tanong ni Arlene. “Ah I don’t know. May pinapakita naman siyang mga resibo, mga binabayaran niya daw. Tapos okay naman place na nakuha niya for me. I mean yung pinaparent niya sa akin na apartment” sabi ni Joanna. Nagkwento pa ang dalaga kaya natulala si Arlene. “Oh my God iha! Dapat nakatira ka na sa condo man lang. E yung kotse na gamit mo sa iyo ba yon?” tanong ni Arlene. “Yeah we bought it pero di pa daw ako pwede mag own ng car so sa pangalan niya daw muna” sabi ni Joanna. “Forty percent na nga kinikita niya sa iyo tapos ganyan pa? Do you have the papers? Bank books? Give them all to me at kunin natin lahat ng dapat sa iyo. Don’t worry madami ako kilala” sabi ni Arlene. Tila nanliit si Joanna at natauhan, “Hey its okay, Arlene will try to take back what is rightfully yours. She knows a lot of people” sabi ni Joanna. “Kaya siguro palit ng palit ng PA…my old PA was trying to tell me something before..pati yung last pero hindi ako nakinig” bulong ni Joanna. “Hush dear makukuha natin lahat yan. Its best if you keep quiet for now so that she wont see it coming. Ipapakuha ko sa kaibigan ko mga kopya ng mga nakuha mong projects tapos cross match nalang natin sa accounts mo at pag aari” sabi ni Arlene. “I suddenly don’t feel well” bulong ni Joanna kaya pinaupo nila siya sa sofa. “Hoy babae, focus, alam ko masama loob mo sa sarili mo pagkat hinayaan mo maloko ka ng pinagkakatiwalaan mo. Walang magandang maidudulot pag pumasok ka sa emote stage na yan. Here let me help you, focus on my face…come on don’t be shy and focus on my face” sabi ni Enan. Tinignan siya ni Joanna, “there you go, wag ka na mahiya porke nandito si Cristine…sige lang focus on my oozing handsomeness. It helps you relax diba?” landi ng binata kaya nagtakip na ng bibig sina Jelly at Cristine habang si Joanna nanginginig na ang mga labi at natatawa na. “Let my handsomeness take away your negative energy” sabi ni Enan. “Lalo siya nadedepress” bulong ni Jelly kaya bungisngis na sila ni Noemi. “Yang narinig mong boses kanina…utot lang yon na may human translation kaya akala ko may nagsasalita pero utot lang yon…focus ka lang sa aking mukha” “Magbabago na tingin mo sa mga kinikilala mong mga gwapo dati. Ngayon nasilayan mo na ang tunay na gwapo hayaan mo alam ko naguguluhan pa isipan mo. Ganyan talaga miss, mahirap talaga mag sink in ang katotohanan” bigkas ni Enan sa mala hypnotismong boses. Natatawa na si Joanna, “Ayan na..nararamdaman mo na ba? Oo alam ko madami kang katanungan, Richard, Piolo, Sam, John Loyd..madami pang iba..pinagsama sama ang lahat ng gwapo para mabuo ang ultimo gwapito…you are one of the blessed few to have your eyes gaze upon the ultimate crush ng solar system…” banat ni Enan at tuluyan nang natawa ng husto si Joanna. “Gago, lalo mo siya nilugmok sa depresyon, ngayon lampas depresyon na siya at naloka na ata” sabi ni Jelly kaya lalong natawa si Joanna. “Well at least hindi na siya badtrip” sabi ni Enan kaya napangiti si Cristine at kumandong sa binata. Nagtakip na ng mukha si Joanna pagkat hindi na siya makapigil sa katatawa. “Hindi ka na siguro nalulungkot ano ate?” tanong ni Joanna. “Ever since I met this wonderful guy, hindi na e” lambing ni Cristine sabay halik sa pisngi ni Enan. “In fairness funny siya mamu” sabi ni Noemi. “Fine, I admit mabait naman talaga yan e” sabi ni Jelly. “Iha wag ka mag aalala, ako bahala sa iyo. You are in good hands now. Wait, edi saan ka nagstay kagabi?” tanong ni Joanna. “Hotel..kasi nahihiya ako umuwi sa apartment” sabi ni Joanna. “Tsk..pano kaya to?” tanong ni Arlene. “Ako bahala, saan ba yon?” tanong ni Enan. “Samahan mo ako?” tanong ni Joanna. “Wait, I will call my troops” sabi ni Enan sabay tumayo at nilabas phone niya. “Labs, baka delikado, pasama nalang tayo sa pulis” sabi ni Cristine. “No need, trust me papayag yon sa takot” sabi ng binata. Isang oras lumipas lumabas na ng kotse si Enan at Joanna kasama si Noemi. “Ayon sila” sabi ng binata sabay turo kina Greg, Tommy at Jason sa malayo. Tulala ang mga binata nang makita si Joanna, lahat sila napangiti at nabighani sa ganda nung dalaga. “Guys, this is Joanna and her PA Noemi. These are my friends, Greg, Jason and Tommy. Guys sensya na ha, konting tulong lang maglilipat ng gamit” sabi ni Enan. “Sabi mo may trouble” sabi ni Greg. “Hindi siguro, tara pare mauna tayo” sabi ni Enan. Pinindot nila yung buzzer sa may gate, “Gago, minsan mo lang pindutin” sabi ni Greg. “Tanga morse code ito, marunong ako mag morse code. Trust me bibilis pagbukas ng gate” sabi ni Enan sabay walang tigil pinagpipindot yung buzzer. Nakarinig na sila ng sigaw, si Belinda nagmumura at nagsisigaw sa inis. “See told you it works” sabi ni Enan kaya nakahawak si Joanna sa likod ng binata sabay natawa kasama si Noemi. Pagbukas ng gate natulala si Belinda nang makita sina Greg at Enan. “Magandang hapon po, kukunin lang namin yung gamit ni Joanna. Lilipat na siya. Pakituro nalang saan yung apartment unit niya” sabi ni Enan. Umatras si Belinda, napalunok sabay napaturo nalang. Sa hiya at takot nagtago si Joanna sa likuran nina Greg at Enan. “Pare..hinahawakan ako ng artista” bulong ni Greg. “Gago wala naman nakapaskil sa iyo na bawal ipet yung monkey e” sagot ni Enan kaya napahalakhak si Joanna kaya nanlisik sa inis mga mata ni Belinda pagkat akala niya siya yung pinagtatawanan. Nang makapasok sila sa loob ng apartment nagsimula nang maghakot ang mag boys. Nakailang balik sila kaya hiyang hiya na si Joanna nang makita pinagpapawisan ng husto ang mga binata. Nang wala nang natira sa apartment bumaba na sila, “Enan…she still has two of my passbooks” bulong ng dalaga. “Sige go to the car, ako na bahala” sabi ng binata. Sasama dapat si Greg pero sinensyasan siya ng binata na bantayan nalang sila. Nilapitan ni Enan si Belinda, “Madam kunin ko din daw po yung mga passbook ni Joanna” sabi ng binata. “tell her if she wants them siya mismo kumuha sa akin” sagot ng matanda. “Ah ganon po ba? So ayaw niyo po ba ibigay?” tanong ni Enan. “Ayaw ko” sabi ni Belinda kaya tinapat ng binata phone niya sa kanyang tenga. “O yan attorney narinig niyo siguro yon ha. Malinaw ayaw niya ibigay” drama ni Enan. “Teka lang, wala ako sinabing ayaw ko. Sabi ko kung gusto niya kunin siya mismo pumunta dito at kumuha ng mga yon” nilinaw ni Belinda. “Ayaw talaga attorney e…o sige po. So alis na po kami tapos kayo na bahala magdala dito nung court order bukas? Ah considered as theft po ba? O sige po try ko ulit…ano madam ayaw niyo po ba talaga ibigay?” tanong ni Enan. Napailing sa takot si Belinda, “Punyeta ka, antayin mo ako dito” sabi ng matanda. “Madam pati narin yung susi ng kotse at registration. Kasama na yung ibang mga papeles. Pero kung ayaw niyo po okay lang bukas nalang po pag nasummon kayo” sabi ni Enan. Ilang minuto lumipas lumabas si Belinda at hinagis yung mga folder at passbook sa mukha ni Enan. Pagyuko ng binata tinapon pa ng matanda yung susi at tinamaan si Enan sa ulo. “Kunin niyo na. Layas! Punyeta ka Joanna wala kang utang na loob! Mabulok sana career mo! Leche kang babae ka!” sigaw ni Belinda. Tumayo si Enan sabay napahaplos sa noo niya, “At ikaw pangit, tandaan mo sisirain ko career ng girlfriend mo. Tandaan mo yan. Umalis ka na sa harapan ko, hindi ko na matiis yang pagmumukha mo. Tao ka pa ba? Ha? Nalaglag ka ba paglabas mo sa ina mo at mukha mo una tumama sa sahig?” sigaw ni Belinda. “Siguro po, pero kayo magandang bata kayo nung lumabas. Nahulog din kayo e…wala man nangyari sa panlabas niyong anyo pero panloob niyo nabugok” bulong ni Enan kaya bigla siya sinipa ni Belinda at pinaghahampas sa mukha. “Hoy!” sigaw ni Greg na napasugod kaya napaatras si Belinda sa takot. “Greg enough, eto pakibigay nalang kay Joanna at ako na magmamaneho ng kotse niya. Convoy nalang tayo papunta sa condo ni Cristine. Sundan niyo nalang yung SUV na itim” sabi ni Enan. Pilit sumakay si Joanna sa kotse niya. Hiyang hiya siya kaya habang nagmamaneho si Enan ay pinagmamasdan niya ito. “I am so sorry..are you okay?” tanong ng dalaga. “I am fine, normal na araw ko lang yon no..medyo brutal nga lang at pisikal” sabi ni Enan. “Hala sorry talaga” sabi ng artista. “Okay lang no, you wanted to feel what was it like to be me, ayan first hand experience” sabi ng binata. “I didn’t want it that way, di ko alam sasabihin ko. Hiyang hiya talaga ako sa iyo” sabi ni Joanna. “Wala yon no, sabi ko nga sa iyo normal day lang ito. At least nakuha na mga gamit mo tapos itong kotse mo. Sayang din naman mga pinaghirapan mo e” sabi ng binata. “I am so embarrassed, may attorney ka pang tinawagan” sabi ng dalaga kaya natawa ang binata. “Wala no, acting lang yon” sabi ni Enan. “For real?” tanong ni Joanna. “Yup, buti nga kumagat e at napaniwala na may kausap talaga ako” sabi ni Enan. “Oh my God, pati kami akala namin totoo yon. Your friends even said baka daw yung dad ni Clarisse tinawagan mo” sabi ng dalaga. “Hindi no, sugal yung ginawa ko. Obviously naman she did something wrong, umasa ako na matatakot siya. It worked” sabi ni Enan. “Grabe, you fooled us all. Pwede ka mag artista” sabi ni Joanna. “My dear Joanna, you don’t have to tell me that. Inborn na yon sa akin. I chose not to because..if I did enter showbiz pano na yung mga kinikilala niyong gwapo? Pinagbibigyan ko lang sila, at mahirap narin kasi once pumasok ako sa showbiz for sure Hollywood babagsakan ko o kaya sa Zudo” sabi ni Enan. “Zudo? Saan yon?” tanong ng dalaga. “Zudo, oh you don’t know that? Sorry, yung ang parang Hollywood ng galaxy. Nandon na yung mga artistahing aliens. Halo halo na sa totoo e. I love my country, ayaw ko mawalay sa bansa ko” “At pag once nag artista ako e wala na ako time sa sarili ko. People and aliens will not be able to get enough of my handsomeness” sabi ni Enan kaya tawang tawa ang dalaga. “Enan sorry ha” sabi ni Joanna bigla. “Sorry for what?” tanong ng binata. “Well..i got my fans..” bulong ng dalaga. “To bash us? Forget it, di na namin pinapansin mga yon” sabi ng binata. “I said some harsh tweets about you. Di ko nilagay pangalan mo pero…don’t worry delete ko na sila. Makikiusap ako sa fans ko na tigil na nila panlalait sa iyo” sabi ng dalaga. “Wag na, baka mamaya pati ikaw ibash narin nila. Just let it be, pag makita ka na kasama namin ni Tiny then if they ask just tell them” “Start there nalang para mas maganda. Wag yung bibiglain mo sila. Alam ko pano takbo ng showbiz kasi nga artistahin ako diba? So let it be for now, then pag nakita ka with us, they will ask…all you have to do is answer” sabi ni Enan. “May galos ka” bulong ni Joanna sabay naglabas ng panyo sabay pinunasan noo ng binata. “Palusot dot com, alam mo miss J, kung gusto mo lang magtsansing sabihin mo lang. Alam ko irresistible ako kaya sabihin mo lang” biro ni Enan kaya natawa ang dalaga. “Alam mo bagay mo yung military cut” sabi ni Joanna. “Miss J tuli na po ako” sabi ni Enan kaya napahiyaw ang dalaga at tawang tawa. “Hair cut, military hair cut” nilinaw ng dalaga. “Ah, forgive me. Do you really think so?” tanong ng binata. “You want me to hook you up with my stylist?” tanong ng dalaga. “Is she a man?” biro ni Enan kaya natawa si Joanna. “Yes but she is good” sabi ng dalaga. “Baka naman isang oras siya mabibighani sa aking handsomeness, baka ilang oras abutin bago niya ako magupitan” sabi ni Enan. “Magpapaalam muna ako kay Tiny” sabi ni Enan. “Its better if you don’t, para surprise mo nalang siya with your new look” sabi ni Joanna. “Sabagay pero sa tingin mo bagay ko ba talaga?” tanong ni Enan. “Oo, trust me” sabi ni Joanna. “Makikinig nalang ako sa maganda tutal sanay na kayo sa mga ganito” sabi ni Enan. “Akala ko ba artistahin ka?” pacute ng dalaga. “I am trust me, sinabi ko lang yon para naman maging humble. Nakabili ako sa SM, sale sila ng humility” sabi ni Enan. “Ang dami mo alam” sabi ni Joanna. “Mas maganda nang ganon kasi walang nabibiling gamot sa katangahan. Kaya prevention is better that the cure ika nga nila” hirit ni Enan kaya laugh trip yung dalawa sa kotse. “Hey Enan, you’re okay” sabi ni Joanna. “You too miss J” sagot ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD