Chapter 12: PA

3038 Words
Sabado ng umaga sa condo ni Cristine, nag aalala ang dalaga pagkat may sakit ang kanyang PA. “Nandito na si Enan” sigaw ni Arlene. Lumabas ng kwarto si Cristine at sumugod sa may pinto. “Is she okay?” tanong ni Enan na may dalang mga prutas. Iika ikang lumabas ng kwarto si Jelly, nakabalot siya ng robe at namumutla. “Look he brought you fruits” sabi ni Arlene. “Enan, halika ibrief kita pano gagawin mo” sabi ng bading. “Brief ka diyan, hoy pumasok ka nga sa kwarto mo. Magprutas ka, ako na bahala sa kanya” sabi ni Enan. “I still need to explain, madaming dos and don’ts sa trabaho ko” sabi ni Jelly. “Ah shut up, balik ka sa kwarto mo. Magpagaling ka, artistahin ako kaya alam ko na pasikot sikot dito. Today I will be her PA, ahem..personal artistahin” sabi ni Enan. “Eto Enan yung schedule ni Cristine for today” sabi ni Arlene. “Hoy lalake, isaulo mo yan. Tapos pagsilbihan mo siya, dapat lahat ng kailangan niya naka ready ka” sabi ni Jelly. “Alam mo Jelly, hindi mo na kailangan ipaalala yan sa akin. Hindi na dapat tinuturo sa katulad ko yan. Kasi boyfriend ako so saka lang ako papalpak sa trabaho mo pag manhid ako. She will be fine, I will not let anything happen to her. Alam ko gano kaimportante tong trabaho niya” sabi ni Enan. Napayakap ang dalaga sa kanya sabay dinilatan si Jelly. “Bahala ka, basta kung may problema ka tawagan mo ako. Basta tawagan mo ako pag may hindi ka alam” sabi ng bading. Pagdating sa studio agad sila pumasok sa dressing room ni Cristine. Tinignan ni Enan yung phone niya, “Okay sabi dito may photo shoot ka lang tapos mamaya pa yung isa na dito din. So hmm..ah okay I got it you need food” sabi ni Enan. “Labs will you relax, I am not hungry yet. Are you hungry?” tanong ng dalaga. “No, ay oo dapat mainit so mamaya pa yon. Okay, now where do I find the beauticians?” tanong ni Enan kaya tumayo si Cristine at niyakap siya. “Calm down, take a deep breath, then relax” sabi ng dalaga. “All you need to do is be here” pacute ng dalaga. “Pero I am here and I don’t want to screw it up” sabi ng binata. “Ang trabaho ni Jelly e..if I need something she goes to get it or if I need something done she does it for me” sabi ng dalaga. “Oh so hindi na ako mag coordinate ng mga make up artists?” tanong ng binata. “No, they already know I am here. Bahala na yung ad manager” sabi ni Cristine. “Okay, pero sabihin mo sa akin kung may kailangan ka na hindi ko napapansin ha. Wag ka mahiya utusan ako” sabi ni Enan. “Hmmm habang wala pa mag aayos sa akin baka naman pwede mo massage shoulders ko” lambing ni Cristine. “Of course, sit down and let me show you my artistahin skills” sabi ni Enan. Sa hallway dumaan si Joanna at manager niya. “Ew, kadiri tignan mo naman o. His hands are on his shoulders. Pag pumangit na siya isa lang dahilan. Nahawa siya sa pangit na yan” bulong ni Joanna. “Hindi parin ako makapaniwala nalusutan nila yung kaso sa fastfood. Nagback fire, balita ko magkakaroon din sila ng commercial doon e” bulong ni Belinda. “Eeesh, malulugi sila pag yan ang ihaharap nilang mukha. Oh look she is even enjoying it. I would never let an ugly guy like that touch me” sabi ni Joanna. “Oh come on, hayaan mo na yan” sabi ni Belinda na nauna nang naglakad. Si Joanna nagpaiwan saglit pagkat tila nainggit siya sa ngiti ni Cristine. Lumipas ang isang oras, lumabas sa back door ng building si Joanna para magyosi. Napatigil ang dalaga nang makita si Enan nakaupo sa may hagdanan at may kausap sa phone. “Yup I got it, pero itong next shoot niya wala na siyang kailangan na dress no kasi sila magbibigay diba?” tanong ng binata. “Wala na, sila magbibigay ng food pero you go buy her bottled water sa grocery sa malapit” sabi ni Jelly. “Yup got it alam ko na ano brand yon” sabi ni Enan. “Hoy damuho alagaan mo siya ha” sabi ni Jelly. “You don’t have to remind me that. Sige na magpagaling ka na bakla. Malas mo ang daming macho papa dito kanina. Pero ang lalaki ng paa, goodluck sa iyo maghanap ng rubber shoes nila” biro ni Enan. “Humanda ka pag gumaling ako” sabi ni Jelly. “Tandaan mo madaming prutas sa fruit basket. Wag lang yung saging pinag iinteresan mo, baka kung ano ano ginagawa mo diyan” hirit ng binata. “Gago!” sigaw ni Jelly sa lalakeng boses. Nagtakip ng bibig si Joanna at natawa kaya dahan dahan napalingon si Enan. Agad humarap ang binata sabay tila nanliit kaya si Joanna nagtaas ng kilay sabay sinindihan na yosi niya. Di makakibo si Enan, gusto na niya bumalik sa loob pero nakaharang sa may pintuan ang artista. “Miss Joanna” bigkas ni Enan kaya napatingin sa kanya ang dalaga. “Sorry pala sa nangyari sa book store. It was just me fooling around with my friends. Alam ko galit ka pa kaya sorry talaga” sabi ng binata. Di kumibo si Joanna, bumuga lang ng usok sabay sumandal sa pintuan. Nagring phone ng binata kaya maingat niya itong sinagot. “Hoy lalake, siya nga pala ipaalala mo sa kanya ngayon pala yung spa treatment niya. Nakalimutan ko ilagay sa listahan. Naka set yung appointment niya ng six ng hapon” sabi ni Jelly. “Okay got it” sabi ni Enan. “Panay okay got it ka diyan! Imemorize mo dapat” sabi ni Jelly. “Excuse me bakla, pwede ako magtake down notes habang kausap kita gamit tong phone ko. Pwede ko pa nga pangulangot tong S-Pen e” sabi ni Enan kaya muling natawa si Joanna. “E di mabuti, tapos isaksak mo yang sinulat mo diyan sa phone mo sa baga mo” sagot ng bading. Natatawa ulit si Joanna pagkat naririnig niya boses ni Jelly. “Hoy Jelly, yung mga prutas na niregalo ko sa iyo kinakain yon ha. Baka kung ano ano gawin mo sa mga saging. Kainin mo lahat yan at sana mabulunan ka na para mawala na yang sakit mo” sabi ni Enan. “Tanga ka ba? Pag nabulunan ako mamatay ako” sabi ng bading. “Kaya nga at least wala ka nang problemahing sakit pa. Take the sickness with you as you pass over, wag ka mag aalala pray over kita” sabi ni Enan. Di nakatiis si Joanna at talagang natawa na kaya napalingon si Enan. Ang dalaga tumigil at tumingin sa malayo. “Sino yung tumatawa?” tanong ni Jelly. “Punta ka dito para malaman mo” sagot ni Enan. “Tse! Goodbye” sigaw ng bading sabay pinatay na yung tawag. Dahan dahan tumayo si Enan, nahihiya siya pero kailangan na niya bumalik sa loob. Pagharap niya sa artista tinaas ni Joanna isang kilay niya. Biglang napamura ang dalaga, ang pintuan nagbukas dahil sa dalawang crew na nagmamadaling lumabas. Nasalo ni Enan si Joanna, yung dalawang nagtatawanang crew napatigil saglit, hindi nakita sino yung babae at tanging si Enan lang nakita nila. “Haharang harang kasi alam naman daanan” sabi nung isa. Bubulyaw dapat si Joanna sa tindi ng galit pero yung lalake nadapa at tuluyang nahulog pababa ng hagdanan. “Uy pare!” sigaw ng kasama niya na humabol pero nakita ni Joanna na inusli ulit ni Enan paa niya at pati yung pangawalang lalake nagpagulong pababa. Tumayo yung dalawang lalae at ituturo sana si Enan at babalikan pero nakita nila si Joanna. “Ay miss Joanna ikaw pala..sorry po” sabi nung isa. “Uy sorry po miss Joanna” pahabol nung isa sabay nagmadali silang umalis. Nakahawak parin si Enan sa mga braso ng dalaga, tinignan siya ni Joanna kaya agad siya bumitaw. “Sige pwede ka na mandiri” bulong ng binata. Di kumibo ang dalaga, gusto niya ngumiti pero hindi niya din ito magawa habang tinitignan mukha ng binata. Tumabi lang yung dalaga kaya si Enan binuksan na yung pintuan at tuluyang umalis. Abala si Enan sa dressing room, hinahanda na yung dinalang packed meals para sa kanila. Biglang bumukas yung pintuan, “Tara na kain na..oh” bigkas niya pagkat si Joanna yung nakita niya. “Ah miss J, maling dressing room po” sabi ng binata. “I know..just dropped by to say..thanks for a while ago” sabi ng dalaga. “Ah wala yon, gago lang talaga sila” sabi ng binata. “Yeah, so thank you again” sabi ng artista. “You are welcome” sabi ni Enan. Joanna di parin kaya ngumiti, niyuko ang ulo sabay umalis na. Enan naman napakamot at napangiti, nagbukas ulit yung pintuan pero si Cristine na yung nakita niya. “Lunch is ready and I got your water” sabi ng binata. “Grabe pinag pawisan ako sa shoot, ang lakas nung ilaw tapos sira pa yung air con” sabi ni Cristine kaya lumapit ang binata at pinaypayan siya. “Sit down, pahinga ka muna then” lambing ni Enan sabay kinuhanan ng tubig ang dalaga. “Jelly can get bossy, ikaw malambing ka” pacute ni Cristine. “Because she is not your boyfriend…oo naman she na nga boyfriend pa” sabi ni Enan. “So ano ginawa mo habang wala ako?” tanong ni Cristine. “Sorted the things in your bag. Placed all money inside your purse kasi kalat kalat e. Don’t worry kumpleto pera mo doon. Then I updated your apps, don’t worry I didn’t read your messages” sabi ng binata. “Labs, its okay, you wont find anything there. Ikaw lang naman kausap ko lagi” lambing ni Cristine. “Uy hindi ko talaga pinakialaman yan. Inupdate ko lang mga apps. Alam ko naman pano rumespeto ng privacy” sabi ng binata. “Labs, its alright, here look. Inbox ko ikaw lang, si mama, meron dito si Toffee pero luma na ito. Si Arlene din at Jelly. Mga messaging apps naman usually some of my friends” sabi ng artista. “Naman, I was not snooping I swear” sabi ng binata. “I know but I just wanted to show you that you don’t have to worry about anything” sabi ni Cristine. “Would you like to see my phone too?” tanong ni Enan. “No need. Will you get mad at me if I tell you that..yung nilalaro natin na Candy Crush sa account mo palusot ko lang yon to check your phone?” lambing ng dalaga. “I am living up to the agreement” sabi ni Enan. “I know, I just wanted to know you more. Gusto ko malaman pano ka nakikipag usap sa friends mo like Violet” diin ni Cristine kaya natawa si Enan. “Nabasa mo naman na civil lang kami diba?” sabi ng binata. “Oo naman pero as your girlfriend..babae yon e. Gets mo?” landi ni Cristine kaya nakikiliti utak ni Enan. “Oh may bago palang dagdag, her name is Denise” sabi ng binata. “Youre kidding me, so ano magdadala ka din ng foods?” biro ng dalaga kaya nagtawanan sila. “No seryoso ako, I don’t know why ha but remember nung getting of grades day? She introduced herself to me. Then nung first day of classes e she got my number” kwento ni Enan. “Aw youre trying to get me jealous with your skit” pacute ni Cristine. Pinakita ni Enan yung phone niya at sagutan nila ni Denise. Napataas kilay ng dalaga sabay agad inagaw yung phone. “Why does she have a profile photo? Ano itsura nito?” tanong ni Cristine kaya nakiliti nanaman utak ng binata. “Kasi I just met her, di pa kami umabot ng add to f*******: as friends” sabi ni Enan. “Oh so balak mo pa talaga umabot don?” tanong ni Cristine. “Ah..hey..” bigkas ni Enan. “Ayan phone mo, goodluck to you with her” sabi ng dalaga pataray. “Uy Tiny, bakit ka nagkakaganyan?” tanong ng binata. “Text mo na siya, sabihin mo add mo na f*******:. Sige go, start as friends then later mabasa ko nalang hindi na ako yung nakatag na in a relationship with you” sabi ng dalaga. “Tiny your making me happy with you acting jealous like that. You are such a good actress” sabi ng binata. “Oh you think I am acting?” tanong ng dalaga kaya nagkatitigan sila. “Hindi ba?” tanong ni Enan. “What do you think?” tanong ng dalaga. “Tiny I know my limits with her. Hindi ko naman sisirain tong agreement natin e. Its just that..she is the first girl ever to come introduce herself to me” sabi ng binata. Nanalambot puso ni Cristine, hinaplos niya kamay ng binata sabay dahan dahan sumandal sa kanya. “Is she pretty?” tanong niya. “Hmmm..depende anong standard ng pretty. Pag ikaw yung basis, s**t ang pangit niya” biro ni Enan kaya napangiti ang dalaga. “She is pretty isn’t she?” tanong ni Cristine. “She is, but hanggang friend ko lang siya I promise” sabi ni Enan. “Do you know her full name, we can find her f*******: profile” sabi ni Cristine. “Wag na no, tignan mo nga nagtext siya kanina di ko nireplayan e” sabi ng binata. “Gusto ko lang makita yung pinagseselosan ko” sabi ng dalaga. “I don’t know if I will see her again in school, alangan naman na kunan ko siya photo” sabi ni Enan. “Bakit di mo siya nireplayan?” tanong ng dalaga. “Because I am with you. E pag sinagot ko pano kung napahaba pagtext namin e di nadistract na ako sa dapat kong gawin. Gusto ko panindigan pagiging PA mo for today so all my time is yours” sabi ni Enan. “Aw…pero pinagselos mo parin ako” sabi ng dalaga. “Okay I promise I wont text her anymore” sabi ni Enan. “I didn’t say that. Its okay, Enan would like to see me too with other guys?” tanong ni Cristine. “What do you mean?” tanong ng binata. “Wala ako time so sabihin na natin gusto mo din ba makita ako may kachat sa phone na ibang guy?” tanong ng dalaga. “Ah..ikaw bahala. Buhay mo naman yan e” sabi ni Enan. “So that is okay with you then? That your girlfriend is chatting with some other guys?” tanong ni Cristine. “Syempre naman hindi” bulong ni Enan. Nagkatitigan sila kaya si Enan napatingin sa kanyang phone. “I don’t know what to do now..nakilala ko na siya e. Wait baka mali pagkaintindi mo. I mean nakilala ko na so ang pangit naman na kung sabihin ko I cant be friends with her” bulong niya. “Its okay basta promise me hanggang doon nalang siya” sabi ng dalaga. “Para hindi masira tong acting natin?” tanong ng binata. “Para hindi pumunta si daddy dito” landi ng dalaga kaya natawa si Enan. “Tiny I was just flattered kasi Denise was the first ever girl who came over on her own to get to know me” bulong ng binata. Hinaplos ni Cristine pisngi ng binata sabay hinalikan sa pisngi. Napangiti si Enan sabay nagkatitigan sila. “I understand, so okay lang be friends with her” bulong ng dalaga sabay tumuka ulit sa pisngi pero mas mahina na. “Hindi ko na siya papansinin” sabi ni Enan kaya dumiin halik ni Cristine. “Delete ko na ata pangalan niya sa phonebook ko” hirit ng binata, mga labi ng dalaga palapit ng palapit sa kanyang mga labi. “Tiny, sana sinabi mo nalang diretso na layuan ko siya” sabi ng binata. Nagulat si Enan pagkat hinalikan siya sa labi ng dalaga. Yumakap si Cristine sa ulo ng binata at nagtagal pa ng ilang segundo halikan nila. “Stay away from her” bulong ni Cristine sabay sipsip sa labi ng binata. “Opo kamahalan” sagot ng binata kaya bungisngis silang dalawa. “Let’s eat lunch” sabi ni Enan. “Hungry” bulong ni Cristine na nagpa baby. Habang kumakain di maalis ni Enan ngiti sa mukha niya, “O bakit nagkakaganyan ka?” tanong ni Cristine. “Wala naman…makamandag halik mo” bulong ng binata kaya natawa si Cristine. “She might text you later” sabi ng dalaga. “I don’t care, kahit sabihin niya makapal mukha ko per may karapatan naman maging choosy ang katulad ko” sabi ni Enan. “Its okay, pwede mo naman replayan pag uwi mo then pag magkikita tayo delete mo nalang coversations niyo” sabi ni Cristine. “I will never text her again. Pangako ko sa iyo yan Tiny. I will never break that promise” sabi ni Enan. “I love you babe” bulong ng dalaga sabay humalik sa pisngi ng binta. “Love you too Tiny” sagot ni Enan sabay tuka sa noo ng dalaga. Pareho sila napatigil, parehong napalunok sabay nagtitigan. “Ah..i mean we should get used to saying that right?” palusot ng dalaga. “Oh of course para just in case makunan tayo in public..diba?” palusot din ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD