Unang araw ng pasukan nadatnan nina Clarisse at Shan si Enan sa kanilang tambayan. “Bakit ang aga mo pumasok?” tanong ng dalaga. “Para hindi niyo na ako daanan, nakakahiya na kasi” sabi ni Enan.
“Nonsense, bestfriend kita pare” sabi ni Shan. “I was thinking na since may kinita naman ako lately, bili kaya ako second hand car?” tanong ni Enan kaya nagulat ang mga kaibigan niya. “Enan di naman kailangan may kotse ka e” sabi ni Clarisse.
“Yeah some couples are okay commuting, pare lucky lang ako kasi meron ako” sabi ni Shan. “Grabe pala pag..ahem..may ka relasyon ka, ang dami mo masyado iniisip” sabi ni Enan. “Oh my God, ano nanaman drama ito? Why all of a sudden ganyan iniisip mo e last sem okay naman kayo ni Tiny ha” sabi ni Clarisse.
“Pare, sige sabihin natin second hand car, mahal ang gas. Ubos pera mo sa gas” sabi ni Shan. “Oo nga e, iniisip ko nga din yon e, baka hanggang joy ride nalang kami tapos bihira ko na siya ma treat sa labas” sabi ni Enan. “You don’t need the car Enan” sabi ng dalaga.
“Okay, mas mura motorsiklo pero I will be placing her at risk” sabi ni Enan. Bigla siya binatukan ni Clarisse sabay tinitigan ng masama, “Di lang siya, pati ikaw. Itigil mo nga yan, she liked you for who you are. Kung ano ka tanggap ka niya, sinagot ka e” sabi ni Clarisse.
“Yeah pero at least naman sana mag improve ako. Show effort naman kahit papano” sabi ni Enan. “Then show it some other way” sabi ng dalaga. “Ganito nalang my friend, if you plan to take her out sa big date then just tell me at pahiram ko kotse ko sa iyo” sabi ni Shan.
“Nakakahiya, dibale na okay na siguro ganito” sabi ng binata. “Hi Enan” narinig nilang bati ng isang boses ng babae. Paglingon nila nakita nila ang isang magandang tsinita. “Hi Denise” sagot ni Enan.
“Sige napandaan lang” pacute ni Denise kaya nagtaas ng kilay si Clarisse at tinitigan talaga yung dalaga. “Oh Denise, eto pala si Shan, he is my bestfriend. Then this is Clarisse, the girlfriend of Shan who is also my bestfriend. Pero sa totoo karibal ko siya kasi alam na” landi ni Enan sabay kinurot pisngi ni Shan.
Natawa si Shan, si Denise naman biglang nagsimangot, “Aw, suddenly I felt sad knowing that about you” sabi niya. “He is just kidding, we are not like that” sabi ni Shan. “How dare you deny me! Pano na yung nakaraan natin habang nakatalikod si Clarisse? Pinaglaruan mo lang puso ko pare?” drama ni Enan.
Tumawa si Denise, nairita si Clarisse pagkat naartehan siya sa mala batang tawa nito. “Sige Enan, see you later” pacute ni Denise sabay umalis na. Naupo si Enan, “Sige Enan, see you later…sus arte arte. Tanda tanda nagpapacute pa” bulong ni Clarisse.
“Who was that?” tanong ni Shan. “Malay ko, nung getting of grades e dumaan dito bigla e” sabi ni Enan. “She seems to like you” sabi ni Shan. “Like ka diyan, isa lang na ignorante yon na gusto ako makilala siguro kasi naiintriga. I am all over cyberspace lately, high profile nobya ko kaya siguro naintriga siya sa akin” sabi ni Enan.
“Gago ka ba o manhid? Pag naintriga lang she will not bother to get to know you. Titignan ka lang, ah yon pala siya, ganon lang yon. Pero iba siya e, sabi mo dumaan dito nung getting of grades, tapos kanina sabi niya napadaan ulit. O pare, she likes you” sabi ni Shan.
“Really? You think so? Pare di nga?” tanong ni Enan. “Hoy may girlfriend ka na. Bawal ka na mag entertain ng ganon, ikaw naman Shan sulsol ka pa e. Alam mo nang may girlfriend siya pinapakain mo pa utak niya ng kung ano ano” reklamo ni Clarisse.
“I just told him that she likes him, wala naman ako sinabing patulan niya” sagot ni Shan. “Do you really think she likes me?” tanong ni Enan. “Eesh di ko alam sa iyo. Bahala ka sa buhay mo” sabi ni Clarisse.
“Bago ka maghusga ng patapos intindihan mo din ako kasi. Kayong dalawa normal na sa inyo ang ganyan. A lot of girls like Shan, a lot of guys like you. How about me? Rare chance na may ganyan, tinatanong ko lang si Shan kung totoo naiisip niya. Ikakatuwa ko lang naman knowing that may ganon na nagkakagusto sa akin”
“Kung kayo sanay na, sorry naman kasi ako walang ganyan ganyan. So I am so sorry if you misunderstood me. Konting saya lang sana di mo pa mapagbigyan” sabi ni Enan sabay nag walk out. “Enan wait” sabi ni Clarisse pero di na siya kinibo ng binata.
“You did it again” sabi ni Shan. Nagsimangot si Clarisse kaya agad niya nilabas phone niya. “Nag aaway nanaman ang love birds” sabi ni Greg na kararating lang kasama nina Tommy at Jason.
“She pissed Enan off again dahil sa Denise na yon” sabi ni Shan. “Nandito nanaman yung Denise kanina?” tanong ni Tommy. “Oo nakilala niyo na ba?” tanong ni Shan. “Oo nung getting of grades, mukhang type niya si Enan e” sabi ni Greg.
“So what did Enan say when she left?” tanong ni Clarisse. “Wala naman. The usual Enan na artistahin” sabi ni Jason. “See that Clarisse, ikaw naman kasi negative agad inisip mo e” sabi ni Shan. “Oo na oo na, eto na nga nagsosorry na ako sa kanya sa text o” sabi ng dalaga. “Hindi sasagot yan” sabi ni Shan. “I know pero at least nagsorry ako. Mamaya kakausapin ko” sabi ni Clarisse.
Samantala sa entrance ng building ni Enan, nagulat ang binata nang makita niya si Denise doon. “Dito ka din ba?” tanong ni Enan. “Hindi, nursing ako” sagot ni Denise. “Aray…sumasakit balikat ko” drama ni Enan. “Ang kailangan mo PT” pacute ng dalaga.
“s**t palpak na drama?” tanong ni Enan sabay kamot sa ulo. “Uhuhmm..” sagot ng dalaga kaya natawa si Enan. “Sino ba inaantay mo dito? Ang layo ng building niyo dito” sabi ng binata.
“A friend” sagot ni Denise. “Kunwari ka pa, pwede mo namang sabihin ako e” landi ni Enan kaya natawa si Denise. “Sige na nga, e di ikaw” sabi ng dalaga. “Biro lang, sige pasok na ako at kailangan mainspire na mga classmates ko for this second semester. Alam mo na artistahin” banat ni Enan.
“Hey maybe we can exchange..uhmm” sabi ng dalaga na tila nahihiya. “Body fluids? Hala ang aga naman masyado” banat ng binata kaya napahiyaw sa tawa ang dalaga at napalo siya sa braso. “Digits” sabi ni Denise. “Ah digits, whew, sorry ha. Kasi usually pag tagahanga ko body fluids agad ang gusto” sabi ni Enan.
“Give me your number then I will text you later so will you know my number” sabi ni Denise. “Are you really asking for my number?” tanong ni Enan. “Well yeah but if ayaw mo kahit Twitter handle or e-mail would be fine” sabi ni Denise.
Binigay ni Enan number niya at pinanood pa yung dalaga na ilagay ito sa kanyang phone. “E-N” bigkas ng dalaga habang nagtype ng pangalan. “Nahiya ka pa, pwede naman crush” landi ni Enan. Tinignan siya ni Denise, ngumiti ang dalaga tapos nilagay talaga na pangalan ng binata ay crush.
“Hala, binibiro lang kita” sabi ni Enan. “Hmmm may be true” pacute ni Denise kaya napakamot si Enan at napatingin sa malayo. “Youre blushing? Youre so cute” sabi ng dalaga. “Ah sige pasok na ako bago pa ako sumabog dito sa tuwa” sabi ni Enan.
Pagkalayo ng binata sakto dumating si Earl. “I got his number” sabi ni Denise. “Bilis ah” sabi ng binata. “Sisiw, he is so easy to mess around with” sagot ng dalaga. “Nakahalata ba?” tanong ni Earl. “Of course not, will you relax. Kaya ko to paikutin” sabi ng dalaga.
“Good, mess him up really good. Tapos ipapahiya natin talaga yang gago na yan” sabi ni Earl. “He seems okay, funny siya so I don’t understand why galit na galit ka sa kanya” sabi ni Denise. “Basta, wag ka na matanong just do it” sabi ni Earl. “You should be nice to me, ikaw may kailangan” sabi ng dalaga.
Samatantala sa loob ng classroom hindi mapakali si Enan at panay tingin niya sa kanyang phone. “Uy classmate, totoo ba sasali ka sa pageant?” tanong ng isang lalake. “Hindi no” sagot ni Enan. Lahat ng kaklase niya napatingin sa kanya, “E nandon na pangalan mo e” sabi ng isang babae.
“Pinagtripan lang nila ako, badtrip nga e. Kakausapin ko yung dean this week at papatanggal ko name ko” sabi ni Enan. “Tol ilakad mo, gago mga yon. Sabihan mo lang kami tol pag kailangan mo kami” sabi nung katabi niyang lalake. “Salamat pre pero ako na bahala sa mga yon” sabi ng binata.
Ilang minuto lumipas biglang nagvibrate phone ni Enan. Agad niya ito tinignan at sunod sunod na messages galing kay Clarisse. Di niya ito pinansin pero muling nagvibrate phone niya. “Sorry na kasi” sabi ni Clarisse.
“Okay na, don’t worry about it” sagot ng binata. “I was wrong. Dapat ako yung umintindi” sabi ng dalaga. “Wala yon Risse, don’t worry about it” sabi ng binata. “Sorry parin, lunch later?” tanong ng dalaga. “Yup, sunduin kita sa classroom mo” sagot ng binata.
Pagsapit ng lunch break sinundo ni Enan si Clarisse. “Kapal ng mukha ko, dapat si Shan pala nagsusundo sa iyo. Sorry medyo off utak ko today” sabi ni Enan. “Okay lang ano, puntahan nalang natin si Shan” sabi ng dalaga.
Habang naglalakad nilabas ni Enan phone niya sabay napangiti. “Cristine?” tanong ni Clarisse. “Si Denise” sagot ng binata. “Wow, so textmates na kayo agad?” tanong ng dalaga. Tinago ni Enan phone niya sabay nagsimangot. “Hayaan mo na nga” sabi ng binata.
“Ano nanaman? I was just asking” sabi ng dalaga. “Oh sorry naman kasi di naman araw araw na meron babae na hinihingi number ko kasi gusto ako makilala. Bakit ba hindi mo maintindihan? Diba kaibigan kita?” sagot ni Enan.
Natauhan si Clarisse kaya hindi siya nakaimik. “Out of nowhere she came to get to know me. Then she asked for my number, kung kayo sanay na kayo ni Shan sa ganyan, ako rare moments ang mga ito. Wala naman ako ginagawang masama e” sabi ng binata.
“Tama na Enan, sorry na” bulong ng dalaga. “Don’t I derserve something that is real for a change?” bulong ni Enan. “Nan, sorry na” lambing ng dalaga. “Tara na sunduin natin si Shan pero you know what nawalan na ako gana kumain bigla e” sabi ng binata.
“Enan please don’t be like that. I said I am sorry” sabi ni Clarisse. “Risse, basta galing sa iyo masakit talaga e. Yeah I know meron si Cristine, pero itong si Denise out of nowhere. Pangkaraniwang tao lang na sumulpot. Fairy tale kay Cristine, alam ko naman mga responsibilidad ko bilang boyfriend”
“But being me…gusto ko din naman maranasan ang mga nararasan niyo e. Ilan beses mo na ba ako kasama na may naghingi ng number mo. Oo tinatanggihan mo kasi may Shan ka na pero flattering yon diba? Ilang lalake na pinaringgan ko pag kinikilala ka nila?”
“But still flattered ka diba? E pano kung gusto ko din maranasan yon kahit minsan lang. Eto nga yung minsan tapos may guardian angel pa ako nagpapaalala sa akin. Can my guarding angel take a break for a moment and understand me?”
“Risse you know that I appreciate you and I am very thankful that you are watching over me. Pero pagbigyan mo naman ako this time. Its not like I would be cheating on Cristine, I just want to feel and experience this” sabi ni Enan.
Niyakap ni Clarisse braso ng binata sabay sumandal sa kanya. “Sorry” bulong niya kaya humarap ang binata at hinaplos pisngi ng dalaga. “Risse I am sorry too nataasan kita ng boses” lambing ng binata. Napangiti si Clarisse nang halikan siya ni Enan sa noo.
“Sige na itext mo na siya baka sabihin playing hard to get ka pa” pacute ng dalaga. “Hard to get talaga kasi meron na ako. Don’t worry I know how to handle this. Sanay na ako sa ganito sa dami kong taga hanga. I know she is going to get hurt pero ginusto niya ito e” landi ng binata kaya nagtawanan sila.
Tumambay muna sila sa gilid ng building, sumandal ang dalaga at nakibasa sa pagtext ng binata. “Who is this? If you are one of my millions of fans please indicate your fan base serial number so I can identify you” sagot ni Enan kaya tawang tawa si Clarisse.
“Serial number, so ano naman serial number ko?” tanong ni Clarisse. “Two syempre” sagot ng binata. “Oh so next to Cristine” sagot ng dalaga. “Of course not, number one mama ko syempre tapos ikaw yung next” sabi ni Enan. Tumunog yung phone kaya nagbasa yung dalawa. “Youre so funny. Lunch?” sagot ni Denise. “Oh sorry, maybe some other time because I have plans with my bestfriends” sabi ni Enan.
“Oh okay, text you later I still have a class” sabi ni Denise. “Okay” sagot ni Enan. “See that? Ganon lang mag handle ng fans. What were you thinking of ba kasi?” tanong ng binata. “Sorry na wag mo na ungakitin yung issue” lambing ng dalaga.
“Sabihin mo lang kung nagseselos ka Risse ha” landi ng binata. “Oo medyo nagselos ako kasi she is pretty” sabi ni Enan. “She is pretty. Maganda siya aaminin ko pero di ko masyado type ang mga tsinita. I prefer the morena girls and yung mga katulad niyo ni Cristine” sabi ni Enan.
“Halata nga, Violet, Cristine..hmm sige sama na ako sa listahan” pacute ni Clarisse. “Sama mo na si papa Shan, ahahay tisoy” landi ni Enan kaya nagtawanan sila.
Kinagabihan sa kwarto ng binata, pumasok si Rosa at nadatnan anak niya nakatanga sa may bintana. “Enan are you okay?” tanong ng matanda. “Yes ma, di ko nakwento nung getting of grades po may nagpakilala sa akin na magandang babae” kwento ng binata.
“Really?” tanong ni Rosa. “Yes ma, her name is Denise then kanina she asked for my number. Ma, alam ko po sasabihin niyo pero ma..” sabi ng binata. “I trust you anak, kaya pala kanina nakangiti ka pag uwi. Madami na siguro naniniwala sa akin na gwapo ka” biro ni Rosa.
“Ma naman, para mo namang sinabi na mali ka” biro ni Enan kaya nagtawanan yung mag ina. “Ma maganda si Denise pero sa totoo ma hanggang don nalang dapat kasi mas type ko yung mga tisay at morena e. Pero bakit kaya ma e naglilikot utak ko?” tanong ni Enan.
“Anak hindi maganda yan” sabi ni Rosa. “I know ma, siguro yung desperation in me is kicking in lang” sabi ng binata. “You have a very wonderful girlfriend, anak sana kayo magkatuluyan talaga ni Cristine” sabi ni Rosa.
“Sana nga ma e, pero alam ko masama itong nararamdaman ko. Nandyan si Denise e, para bang yung takot ko na mawala si Tiny sa akin e..dati parang naiimagine ko na disaster pero since I met Denise parang…ah okay lang kasi meron si Denise”
“I know its wrong thinking that way but being me ma parang naka auto mode na yung ganon kasi I never know when I will be able to find someone like Cristine again. Kaya siguro bumigay ako kay Denise that easy. Still I know my responsibilities as a boyfriend” sabi ng binata.
“Anak, nalulungkot ako pag nagkakaganyan ka. Don’t be like that anak. People may never see who you truly are. I am so proud of you” sabi ni Rosa. “My number one fan, pero mommy natutuwa ba kayo na meron tulad ni Denise na kinilala ako?” tanong ng binata.
“Syempre naman anak, pasalamat ka kay Cristine at nagka exposure ang artistahin kong anak. Eto na yung kinakatukan natin diba? Denise is only the start iho. Madami pang magkakagusto sa iyo” biro ni Rosa.
“Yan ang gusto ko sa iyo my number one fan. Ang tagal din natin nagtiis, ang tagal din natin tinago ang itsura ko sa buong mundo. Eto si Denise ang prweba na uuso na ang aking exotic charms” landi ni Enan.
“Go to sleep anak” sabi ni Rosa. “Mamaya pa po ma, pinagbibigyan ko pa po yung mga engkanto dito sa paligid natin. Namiss daw nila ako e. Alam mo naman na handsomeness ko pang all around mapa tao man, hayop o engkanto” sabi ni Enan. Tumawa si Rosa, hinalikan ang anak sa pisngi, “Whatever happens anak wag ka magbabago” bulong niya sabay umalis.
Nang maiwan si Enan napadungaw siya sa bintana at tinitigan ang mga bitwin. “Pero mahirap din matali sa pagpapanggap ngayon na merong dumating katulad niya na maaring totoo…malas talaga” bulong niya sabay napabuntong hininga.
“I guess I will never know…” hirit niya sabay pumikit.