Sa tambayan sa campus tinutukso nina Greg, Tommy at Jason si Enan dahil sa kanyang suot. “Tol alam mong October diba?” sabi ni Greg. “Alam ko, e may hang over pa ako sa bakasyon e. Alam mo ang artistahin trend setter yan, itong suot kong Hawaiian polo at shorts? Tignan mo gagayahin ako pag pasukan na” sabi ni Enan.
Nagring phone ng binata kaya hinarap niya palad niya sa kanyang mga kaibigan. “Hello Tiny how are you today?” bati ng binata pagsagot sa phone. “You in school labs? I just woke up” sagot ni Cristine. “Oh yes I am in school getting of grades tapos enrollment narin” sagot ng binata.
“You coming over later? Lunch tayo dito o kaya sa labas” sabi ng artista. “O sige ba, punta ako diyan after ko mag enroll, don’t worry mabilis lang yon” sabi ni Enan. “Okay, see you later labs” sagot ni Cristine. “Looking forward to it” sabi ng binata sabay pinatay yung tawag.
“Wow you sound so civilized” biro ni Greg. “Of course meron kayo e. Iba pag uusap namin pag kami kami lang” sabi ni Enan sabay nagring ulit phone niya. Tinitigan niya lang yung phone kaya napasilip si Greg. “Violet? Reject call” sabi niya. “Gago, sagutin mo na baka may problema” sabi ni Tommy.
“Right, wait lang. Ahem..yes hello Vi” sagot ni Enan. “Hi Enan, nasa school ka?” tanong ng dalaga. “Yup, kumusta ka na? Long time no time ha” sabi ng binata. “Okay lang, kita ko photos ni Clarisse sa f*******: magkasama pala kayo nung bakasyon” sabi ng dalaga.
“Oh yes but actually sabit lang siya. Kami lang dapat ni Tiny magbabakasyon sa kanila pero alam mo na ang artistahin, sumasabit talaga mga taga hanga. Akailain mo nga sumama siya e imbes na sumama kay Shan. O di alam mo na sino mas gwapo sa amin ha” landi ni Enan.
“Ikaw talaga, uy up to what time ka diyan? I mi..tagal na kita di nakita” tanong ni Violet. “May lunch date kasi ako e so kunin ko grades ko tapos enroll na ako. Bakit ba?” tanong ni Enan. “Ah wala, sige next time nalang. Nice to hear your voice again” sabi ng dalaga. “Nice to hear yours too, take care” sabi ng binata.
Pagpatay ng tawag agad nagring ulit phone niya. “Wow pare in demand ka” sabi ni Jason. “s**t si Clarisse to” sabi ni Enan kaya agad sinagot yung tawag. “Clarisse, may sakit ka pa? Are you okay? Do you need me to come over to inspire your body to get well?” landi ng binata.
Umubo si Clarisse sabay natawa, “Hey Enan, I feel better now” sagot ng dalaga. “Of course, narinig mo boses ko e. May soothing sensation boses ko. Ano punta ako diyan? Painitin ko katawan mo para lumabas ang pawis mo? Nakakatulong daw yon, ano gusto mo?” tanong ni Enan.
“Sira, uy, samahan mo nga si Shan mamaya. Kunin niya grades ko tapos samahan mo nga siya enrolan ako” sabi ng dalaga. “Sure sure, text mo ako ano gusto mong schedule tapos ako na bahala sa subjects mo” sabi ng binata. “Hmmm..ikaw na bahala. Ipareho mo nalang siguro sa schedule mo” sabi ng dalaga.
“Oh I see, you want a lot of Enan time ha, sige sige, uy pagaling ka ha. Baka daan ako diyan mamaya dalhan kita ng Enan vibes” sabi ng binata kaya muling natawa ang dalaga at naubo. “Nan, nuggets” lambing ng dalaga. “Sus, ako pa. Automatic na yon, sige na you rest ha. Be there after lunch” sabi ni Enan sabay pinatay na yung tawag.
Lahat nakatitig sa cellphone ng ilang segundo, “Langya sunod sunod yon ha” sabi ni Greg. “Cristine, Violet tapos Clarisse, walanghiya ka pare ang gaganda nila. Swerte ng cellphone mo” banat ni Tommy.
“Ahem ahem..” bigkas ni Enan sabay bumirit. “Lord patawad! Pagkat akoy pinagnanasahan pagkat akoy artistahing nilalang. Loooooord patawaaaad, Loooord..” birit niya sa mala operang boses kaya bungisngisan at palakpakan ang kanyang mga kaibigan.
Napatigil si Enan pagkat may magandang Tsinita na nakatayo malapit sa kanila at nakangiti. “Nice voice” sabi ng dalaga kaya napangiti si Enan habang mga kaibigan niya nabighani sa ganda nung dalaga.
“You are Enan right?” tanong ng dalaga. “Of course you knew that already, ikaw naman o miss pretty” sagot ni Enan. Nag giggle ang dalaga sabay lumapit at inabot kamay niya. “I am Denise” sabi niya. Napatayo si Enan at nakipagkamayan, “Fernando, also known as Enan, sorry I am taken but you can call me yours in your dreams” biro ng binata.
Lalo nagbungisngis ang dalaga, biglang tumayo si Greg at inabot kamay niya pero tinitigan lang ito ni Denise sabay balik tingin kay Enan. “Nice to meet you Enan, I will be seeing you around” sabi ni Denise sabay nginitian ang binata.
“Of course, see you in your dreams” sabi ng binata kaya natawa na ang dalaga sabay umalis na. Pag upo ni Enan nagtawanan sina Tommy at Jason, “Wow pare basag ka don ha” sabi ni Tommy kay Greg. “Wag sasama ang loob mo, ngayon pinatunayan niya yung agwat natin pare”
“Sunod sunod ha pero sino yon? Kilala ko naman lahat ng magaganda dito sa school ha. Nasa listahan ko sila lahat ng mga nagnanasa sa akin” sabi ni Enan. “Parang pamilyar siya e pero di ako sure” sabi ni Jason.
Dumating si Shan at biglang tinuro si Enan, “May ganyan si Clarisse na polo ha” sabi niya. “Lahat kami pare, bumili kami lahat bago umuwi” sabi ni Enan. “Kumusta na siya? Is she okay?” tanong ni Greg. “May lagnat parin at ubo, inutusan nga ako kunin grades niya at enrolan siya e. Enan ikaw nga mamaya” sabi ng binata.
“Oo alam ko kasi tinawagan na niya ako kanina. Pano naman matigas ang ulo niya langoy ng langoy lalo na nung last day. Nagpaka serena sila ni Jelly” sabi ni Enan. “Di ka man lang nagyaya” sabi ni Greg.
“Ogag, dapat kami lang ni Tiny no. E biglang dumalaw sa bahay si Clarisse kasi bored daw. Nung hinatid na namin bigla siya niyaya ni Tiny kasi wala naman daw si Shan. Ayon sumama siya, kakatawa nga siya e. Nung first days hindi lumangoy, nung may nagyaya na sa kanya hala inaraw araw na” kwento ni Enan.
“So naka bikini sila?” tanong ni Jason pabiro. “Yup” sagot ni Enan. “Si Clarisse nagbikini? Are you kidding me? Bakit pag kami nasa beach hindi siya nagbibikini?” tanong ni Shan. “Aba malay ko sa iyo, at hindi beach yon, pool lang no. Pero don’t worry di ko maalala sexy body niya kasi sinira ni Jelly, pati siya naka bikini e” sabi ni Enan kaya laugh trip silang lahat.
Habang nagkwekwentuhan pa sila, sa malayo pinagmamasdan sila ni Earl at Denise. “Are you sure you can get his attention?” tanong ng binata. “Yup, kita ko naman sa mga mata niya he is into me” sagot ng dalaga.
“Good, sa pasukan na natin ituloy. First day of classes make sure you exchange numbers” sabi ni Earl. “That is easy, pero may I ask, bakit ba galit na galit ka sa kanya?” tanong ni Denise. “Basta, naiirita ako sa kanya” sagot ng binata.
“Okay, sige na nag aantay na girlfriend ko. Hoy yung usapan ha” sabi ni Denise. “Oo, basta mapahiya natin sya then tutupad ako sa usapan” sabi ni Earl. “Okay then, but I must tell you he is funny” sabi ni Denise. “s**t, umalis ka na nga” sabi ng binata.
Ilang oras lumipas, binabasa ni Shan yung schedule ni Clarisse. “Tol wag mo iwawala yan. Bayad nalang ang kulang, bukas pag di pa niya kaya sabihin mo…ako na nga akin na yan” sabi ni Enan. “Pero sure ka ito yung mga kailangan niyang subjects?” tanong ni Shan.
“Oo, para kang gago. Girlfriend mo di mo alam course subjects niya. Ako na magbibigay mamaya at dadalaw ako don” sabi ni Enan. “O sige, salamat ha. Sayang sama ka nalang sana sa amin, kulang kami ng isa. Dadayo kami basketball” sabi ni Shan.
“E kung puntahan mo nalang si Clarisse kaya?” sabat ni Enan. “She is getting better, at sabi niya wag muna ako pumunta don e” sagot ng bestfriend niya. “Gago ka talaga, kahit na sinabi niya wag pumunta ka parin” sabi ni Enan. “Wow ikaw bigla ang relationship expert? Sige na” sabi ni Shan.
Alas dose nakarating si Enan sa condo ni Cristine, si Arlene ang bumukas ng pinto pero ang dalaga napasugod at agad hinila si Enan papasok at hinalikan ito sa pisngi. Umatras si Arlene, napangiti nalang nang makita na nagholding hands agad yung dalawa.
“Di na tayo lalabas, tinamad ako bigla. Jelly went out to buy us food. Sit” lambing ng dalaga kaya naupo sila sa sofa. Dumistansya si Arlene, di na maalis ngiti sa mukha niya pagkat kitang kita niya yung lambingan nung dalawa.
“I fixed my schedule para medyo maaga ako matapos ng hapon” sabi ni Enan. “Para ano?” pacute ni Cristine. “Puntahan kita” sabi ng binata. “E erratic naman schedule ko e. Baka pag pumunta ka tulog ako. Most of the time gabi kasi shooting” sabi ni Cristine.
“E di okay lang, bantayan kita habang natutulog ka” sabi ni Enan. “You would do that?” tanong ni Cristine. “Wanted to do that sa inyo pero takot ako sa daddy mo” sabi ni Enan kaya nagtawanan sila.
“Hmmm curious ako, what did you say to my daddy?” tanong ni Cristine. “Ah, basta kami nalang makakaalam non” sabi ng binata. “Bakit ano nangyari? Hindi pa kayo nagkwekwento sa akin ha” sabi ni Arlene. “Kasi si daddy medyo ayaw kay Enan” sabi ni Cristine.
“O tapos?” tanong ni Arlene. “Nag inuman sila, then after that okay na si daddy sa kanya. Di naman sa ayaw, daddy was okay with him kasi I know my dad when he really does not like someone e dedma to the max. Pero after nila mag inuman e he was really okay with Enan” sabi ng dalaga.
“Enan what did you tell him?” tanong ni Arlene. “Naman, private na yon. Between me and tito Oscar” sabi ng binata. “Labs, tell me” lambing ni Cristine. “Tiny wag mo naman gamitin yang charms mo, basta okay na kami” sabi ni Enan. “Tell me” sabi ng dalaga kaya lumapit si Arlene.
“Enan, look at me” sabi niya kaya tinignan siya ng binata. “What did you tell him?” tanong ni Arlene. “Sinabi ko na artistahin ako, tapos okay na” sabi ni Enan sabay tumawa siya mag isa.
May tumunog sa kwarto ng dalaga, si Cristine agad tumayo, “Skype, si mama siguro” sabi niya sabay tumakbo. Naupo si Arlene sabay kinalabit si Enan. “What did you tell him?” tanong niya. “What he wanted to hear” sabi ng binata.
“What do you mean?” tanong ni Arlene. “I looked him in the eye then told him what he wanted to hear, please don’t ask me anymore what I told him. Basta okay na” sabi ni Enan. Napangiti si Arlene sabay nagtakip ng bibig. “You looked him in the eye?” tanong niya.
“Yes I did” sabi ng binata. “Hmmm..your eyes don’t lie” sabi ni Arlene kaya napakamot si Enan. “Ano?” tanong niya. “Oh nothing” sabi ni Arlene sabay nagbungisngis. “Parang alam mo naman sinabi ko sa kanya” sabi ng binata. “Alam ko, hindi nagsisinungaling mga mata mo Enan” sabi niya.
“Gwapo ako, o ano sabi ng mga mata ko?” tanong ng binata. “Basta, trust me your eyes don’t lie. Yang skit skit mo, kaya mo ideliver with confidence pero kita sa mga mata mo na skit lang yon” sabi ni Arlene.
“So expert ka sa mata?” tanong ng binata. “Enan when you tell the truth you don’t blink. Pansin ko lang pag nagkwekwento ka” sabi ni Arlene. “Sige nga kung alam mo sinabi ko ano yon?” tanong ng binata.
“You told her father that you love her” bulong ni Arlene kaya nanlaki ang mga mata ng binata. Bungisngis si Arlene kaya pinalo kamay ng binata, “You told him that diba?” tanong niya. “s**t, nakikita talaga sa mga mata ko?” tanong ng binata.
Tumawa ng malakas si Arlene, “Huli ka, binibiro lang kita sa mga mata mo pero at least ngayon alam ko na. Since when?” tanong ni Arlene kaya napakamot si Enan, natawa sabay inuga ang kanyang ulo.
“s**t, please don’t tell her” bulong niya. “I wont, pero since when?” tanong ni Arlene. “Sa totoo nalito ako, tignan mo naman siya sino naman hindi magkakagusto sa kanya diba? Pero tignan mo ako, ganito ako. Pero ang bait niya e, acting o hindi acting…sumindi e”
“In denial pa ako sa una pero di ko na naitago sa daddy niya. Please don’t tell her. I don’t know how she is going to react once she knows” sabi ni Enan. “I wont pero why don’t you tell her?” tanong ni Arlene.
“Clarisse told me something…basta yon. Nung una tuwang tuwa ako pero ginugulo ako ng isipan ko e. What if mabait lang talaga siya at sumakto lang sa moment. Like when we danced, tapos that time baka may nasabi lang ako maganda kaya nagkaganon”
“I like to believe what Clarisse said was true pero may nagpipigil sa isipan ko e” sabi ng binata. “Hindi ko naiintindihan, ano yung sinabi ni Clarisse?” tanong ni Arlene. “Ah wala yon, basta please don’t tell her” sabi ng binata.
“I wont, wag ka mag aalala” sabi ni Arlene. “Di ko pinanghahawakan ng madiin sinabi ni Clarisse pero aamin ako na kumakapit ako konti kasi masarap sa pakiramdam. This is the closest I can get to be living a fairy tale life, ayaw ko hawakan ng buo kasi natatakot ako mabulaga ng katotohanan sa huli”
“In the end she will be still Cristine, pero ako I will be hurt. So please don’t tell her. I can love her in the sidelines without her loving me back for real. Okay lang naman maging one sided, kahit ako nalang magmahal sa kanya basta maranasan koi to”
“Loving someone was just a dream for me, pero eto na ako I am living it and liking it even if she wont be loving me back. Uso naman ito so I am fine. Wag nalang sabihin sa kanya baka mawala pa. I promise I will not take advantage, whatever we have, whatever we do according to our script I will abide but let me give her more” bulong ng binata.
“Enan, wag ka ganyan iho. Everyone deserves to be loved. Eventually she will feel it, what you are doing for her, she will feel it” sabi ni Arlene. “Okay lang nasa receiving end siya, okay lang na taga bato lang ako at wala ako nasasalo. Basta maranasan ko magmahal, kahit baluktot basta masasabi ko nagmahal ako” sabi ng binata.
“Pero Enan mas masarap kung minamahal ka din” sabi ni Arlene. “Opo alam ko, siguro one day mararanasan ko din yon. Please wag niyo na sabihin sa kanya” sabi ng binata. “She will feel it, she will know” sagot ni Arlene.
“Then she can just smile at me once she does” sabi ng binata. “Iho, mas maganda pag sinabi mo mismo. Hindi sapat yung naramdaman niya lang” sabi ni Arlene. “That will complicate things, what if she reacts negatively? Masisira itong plano natin to save her career”
“Let it just happen this way. It maybe complicated but loving her is easy. Ang mahirap lang yung pagpipigil. Takot ako e, masakit sobra pag nag react siya ng pangit. Mahal ko na siya kasi kaya alam ko pag nagreact siya ng pangit talagang ikababagsak ko” sabi ni Enan.
“Hay naku iho, what if she likes you too?” tanong ni Arlene. “I wish, pero she is a good actress. How will I know if she does like me too?” tanong ni Enan. “You will feel it” sabi ni Arlene.
“Please ganito nalang muna. Pag pangit reaksyon niya ang sakit ng paghihiwalay namin. Pero pag nagtuloy lang ito, balang araw alam ko hindi niyo na ako kailangan. Nakahanda ako sa panahon na yon at makakaya ko yon kumpara sa nalaman niya at pangit ang reaksyon niya” sabi ni Enan.
“Tell her Enan” bulong ni Arlene. “Tell me what?” tanong ni Cristine na nagdive sa sofa sabay yumakap sa binata. “Wala” sagot ni Enan. “Sabihin mo na. Hmmm para kang buhay na stuff toy” sabi ng artista na nanggigil sa yakap kaya napatingin si Enan kay Arlene.
“Okay na ako sa stuff toy, kesa naman na chaka doll” banat niya kaya natawa si Cristine habang si Arlene napabuntong hininga. “Enan..manhid ka” bulong niya. “Ay labs kunin daw ni mama Skype ID mo, para matawagan ka daw niya” sabi ni Cristine. “It is so easy to memorize, kagagawa ko lang ng bago” sabi ng binata.
“Let me guess, Artistahin?” tanong ni Cristine. “Nope, ah..its..teka ano Sykpe mo miss Arlene tawagan kita para malaman Skype ID ko para sure yung spelling” sabi ng binata.
Ilang segundo nagring phone ni Arlene, nagtungo siya sa dining table at napangiti nang makita yung ID nung tumatawag. “Ano ID niya?” tanong ni Cristine.
“EnanlabsTiny” sigaw ni Arlene. Napangiti si Cristine at lalong niyakap ng mahigpit ang binata. “Totoo ba yon?” tanong niya. “Totoo” sagot ni Enan. “I mean para true diba? Para pag may magtanong e o dagdag ebidensya pa diba?” pahabol ng binata kaya napahaplos si Arlene sa noo niya. “Hay Enan” bigkas niya pabulong.