Chapter 9: Push

2922 Words
Kinabukasan ng madaling araw nagising si Clarisse pagkat may naririnig siyang tumatawag sa kanyang pangalan. “Risse, gising ka na ba?” narinig niya kaya napatingin siya sa may pintuan at nakita si Enan na kumakaway. “What are you doing up so early?” bulong ng dalaga. Pumasok ang binata at agad tumabi sa kama. “Risse hindi ako nakatulog, I mean nakatulog ako pero paputol putol. Risse para akong dinamita na sasabog na hindi na sasabog na hindi” bulong ni Enan kaya napaupo ang dalaga at hinaplos ang kanyang mukha. “Ang gulo mo, ano?” tanong ng dalaga. Nahila siya at napahiga, nagulat siya nang yakapin siya ni Enan pagigil. “Risse, tulungan mo ako, hindi ko alam ano gagawin ko” sabi ni Enan. Nagtakip ng bibig ang dalaga sabay hindi maintidihan ang nararamdaman habang yakap siya ng mahigpit ng binata. “Risse, I am so confused. Hindi ko na talaga alam e. Push ba o ano? Risse para bang nasa ulap ako na hindi. Para akong nanaginip na gising na nakatayo na ewan ko. Risse tulungan mo naman ako” sabi ni Enan. “Teka nga, what is this all about? Tulungan kita saan?” tanong ng dalaga na dahan dahan nagpaikot para harapin ang binata. “Calm down and talk slower para maintidihan kita” sabi ng dalaga kaya huminga ng malalim si Enan sabay pumikit. “Now tell me” bulong ni Clarisse. Pagmulat ni Enan bigla siyang nautal at nakatitig lang sa magandang mukha ng kanyang kaibigan. “Bakit kayo ganyan? Kayo ni Cristine, kahit bagong gising maganda kayo parin. Wala ba kayong time of the day na pumapangit saglit?” bulong ng binata. “Baliw” bulong ni Clarisse pero bigla siya nanigas nang haplusin ni Enan pisngi niya. Dahan dahan tinulak ni Enan buhok ng dalaga palikod sabay ngumiti. “Yan, artistahin ako kaya dapat gandahin din kakausapin ko” sabi niya kaya napatapik nalang si Clarisse sa dibdib ng binata sabay nagpigil ng ngiti. “Ano yung gusto mo itanong?” tanong ng dalaga. “Note to self, pag may importanteng iniisip wag humarap sa magandang babae kundi mawawala ang iniisip” biro ni Enan kaya napangiti na talaga si Clarisse at nakurot ang binata. “Sige na game na, saan kita tutulungan?” tanong ng dalaga. “Wag na, I can make that decision on my own” sabi ni Enan. “O ano nangyari? Kanina para kang bulate na di mapakali” sabi ni Clarisse. “Uy Risse, sorry ha” sabi ni Enan. “Sorry saan?” tanong ng dalaga. “Na di kita masyado nakakasama” sabi ni Enan. “Hello, okay lang ano, sabit nga lang ako kaya” sabi ni Clarisse. “Hindi rin, sorry talaga kung out of place ka minsan” sabi ni Enan. “Enan, I don’t feel that. Nag eenjoy nga ako sa totoo e. Imagine mo nalang ano kaya ginagawa ko sa bahay this past few days?” “At least dito ang ganda ng view, presko yung hangin from time to time. I so love the pool tapos ang dami ko napasyal kaya kasama si Jelly” sabi ng dalaga. “Yeah but you are with me so dapat lagi kita nababantayan” sabi ni Enan. “Hay naku, bonding time niyo din ito ni Cristine ano. Sa Manila bihira kayo magsama. You have school and she has her acting duties to attend to. Its okay Enan kasi I am having fun too” sabi ng dalaga. “Sure ka? Baka sinasabi mo lang yan” sabi ni Enan. Napahaplos ang dalaga sa mukha ng kanyang kaibigan. Ang dalaga titigil sana pero tinuloy niya ito sabay kinurot si Enan sa pisngi. “Oo, this is me being honest” sabi ni Clarisse. “O yan usapang honest ha, Risse, kung nakikita mo kami ni Tiny magkasama…please be very honest ha…ano un among naiisip?” tanong ng binata. “Selos” bulong ni Clarisse, nanlaki ang mga mata ni Enan sabay nagbungisngis siya. “To naman sabi ko seryosong usapan. Itabi mo na muna pagka artistahin ko to naman” sabi ng binata kaya ngumiti lang si Clarisse, niyuko ang ulo sabay hinaplos kamay ng kaibigan niya. “Selos nga” pacute ni Cristine kaya nagtakip ng bibig ang binata sabay natawa. “Oh stop it, its so flattering. Sige na kasi, tell me” sabi ni Enan. “Selos nga, kasi di kami ganyan ni Shan” sabi ng dalaga. “E iba naman kasi sa inyo e, di naman lahat ng couples, naks couples o..anyway di naman lahat ng couples…oh there it is again, si Enan kasama sa couple couple o” landi ng binata kaya nagbungisngisan sila. “You and Shan, para kayong power couple. Just like Brad and Angelina, gwapo at maganda. Kami ni Tiny e parang fairy tale couple..” sabi ni Enan. “Ang dami mong alam, so sige nga pano kung kayo ni Jelly?” tanong ni Clarisse. “The imagination cannot be reached, no network found” sagot ni Enan sa mala robot na boses kaya bungisngis ang dalaga. “How about me and Cristine?” tanong ni Clarisse kaya biglang nanlaki mga mata ng binata. “Oh imagination overload, network busy” sabi ng binata kaya bungisngis naman yung dalawa. “E pag tayo?” tanong ng dalaga. “Ikaw at ako? Risse naman, I don’t want to think like that because you and Shan are my bestfriends” sabi ng binata. “Katuwaan lang naman, killjoy ka na ha” sabi ni Clarisse. “Kung ikaw at ako…next question please” landi ni Enan. “Bakit hindi mo masagot?” tanong ng dalaga. “Fine pero itong sagot ko wag ikakasira ng pagiging bestfriend natin ha” sabi ni Enan. “Okay, game” sagot ng dalaga. “Di ko alam ano term o pwede itawag e. Nung di pa tayo close…lagi ko naiisip yung what if nga wala si Shan tapos nagkataon na magkagusto ka din sa akin. Syempre crush nga kita diba? So ayon, if ever maging tayo e di parang dream come true” “Unlike kay Cristine oo crush ko din siya pero parang ang layo ba. Mas maniniwala ako na may chance pa yung dream ko na tayo. So sa kanya fairy tale, tapos sa atin dream come true” sabi ni Enan. “So what happened to that dream?” tanong ni Clarisse na nagpipigil ng kilig. “Natauhan of course. Girlfriend ka ng bestfriend ko, respeto naman. Tapos naging close tayo at naging bestfriend so ayon, is in a bestfriend relationsip nalang” sabi ng binata. “Di mo ba nawish na iba yung mga pangyayari? Didn’t you ever with that things were different?” tanong ni Clarisse. “Many times pero alam mo things would not end up the same. Sabihin natin what if gwapo ako, then I would not have met Shan. Then I would not have met you, Violet, or baka pati si Cristine” bulong ni Enan. “Sabagay, but you might be happy” sabi ni Clarisse. “Ewan ko lang, alam mo right now I am happy. Naiimagine ko what if gwapo nga ako pero I don’t have a bestfriend like you or I don’t have a girlfriend like Cristine. Baka malungkot pa nga ako e. Pangit ako, oo madaming sad phases sa buhay ko pero right now I am happy” sabi ni Enan. “You are fine the way you are Enan” lambing ni Clarisse. “Ikaw naman o” sabi ng binata at aksidenteng nagdikit ang kanilang mga mukha. Talagang naduling yung dalawa, dahan dahan sila naglihis ng tingin, si Enan nagpaikot pero nagkiskisan ang labi nila. Nahiga si Enan sa likod niya sabay napatingin sa kisame. “You do have soft lips” bulong niya. “So do you” sagot ng dalaga. “Sorry about that” bulong ng binata. “Bakit?” tanong ng dalaga. “Nauna ko pa napuna soft lips mo bago ako nagsorry. Pero Risse sorry” sabi ng binata. “It was an accident. Arte mo talaga, nagtouch lang, di naman tayo nag ano or what” sabi ng dalaga. Di nakaimik si Enan, nakangiti lang siya at hinahaplos labi niya. Si Clarisse humaplos din sa labi niya sabay kinurot ang binata. “OA mo ha” sabi niya. Natawa si Enan sabay tinignan ang dalaga, “Risse, say for example may magkaibigan, is it normal for them to be kissing and making out?” tanong ng binata. Napalunok si Clarisse, t***k ng puso niya biglang bumilis. “Enan I said it was an accident” bulong niya. “Ha? Hindi tayo” sagot ng binata. “Ah, o bakit yung magkaibigan?” tanong ng dalaga. “Magkaibigan sila, tapos sabihin na natin na nagkaroon ng moments moments, tapos they ended up kissing. Normal ba na after that parang wala lang?” tanong ni Enan. “Not normal” sagot ng dalaga. “Tsk, para bang nagkaroon sila ng bonding moment, parang nadala sila ng emosyon nila. Sabihin na natin yung isa, si babae e wala naman gusto kay lalake pero sa sandaling yon e di napigilan emosyon niya at naghalikan sila. Is that possible?” tanong ni Enan. “No” sagot ni Clarisse kaya biglang nalungkot si Enan. “As in hindi talaga pwede mangyari in real life?” tanong niya. Ang dalaga napalunok ulit at t***k ng puso lalong bumibilis. “Enan why are you asking that?” tanong niya. “Curious lang naman, so di pala pwede mangyari ang ganon” bulong ng binata. “Baka hindi mo naintindihan so ganito, may boy at may girl, magkaibigan sila. Then ayun nga sila lang tapos nagkaroon ng happy moment siguro or something like that. Nadala sila ng emosyon nila so ayon they end up kissing” sabi ng binata. Muling napalunok ang dalaga, “Maybe it is but there has something more into it” sabi ng dalaga. “What do you mean?” tanong ni Enan. “Sample lang ha, tayo, or siguro iba nalang” sabi ni Clarisse. “Sige tayo, o game kunwari di tayo magbestfriend” sabi ng binata. “Okay. Yung sinasabi mo na nagkaroon tayo ng moment, siguro happy tayo or nagshare tayo ng kwento na pareho tayo nadala. Pwede mangyari yon if there is already something” bulong ng dalaga sa nanginginig na boses. “What something?” tanong ni Enan. “Feelings, oo magkaibigan pero kung may hidden feelings para sa isa’t isa siguro yon na yung magic na mangyayari to make them kiss. Its not like, hey friend wanna kiss? Sure since wala naman tayo ginagawa e, hanggang five lang ha” drama ng dalaga kaya natawa si Enan. “Really? So in order for us to kiss, there must be feelings?” tanong ng binata. “Us?” sagot ng dalaga. “Oo, sabi mo tayo yung example e. So yung magkaibigan na yon, they kissed kasi nga dahil sa situation at dahil narin sa hidden feelings nila?” tanong ng binata. Napangiti ng malaki si Enan at nakiliti ang kalooban niya. Clarisse naman akala para sa kanya yung ngiti dahan dahan tumiklop at napahawak sa kamay ng binata. Enan hindi mapakali, “So si boy may feelings kay girl, tapos si girl may feelings din kay boy…as in mega feelings or kahit slight slight lang?” tanong niya. “Kahit slight lang, yung moment na yon na magpapagrabe..the moment is the trigger” bulong ni Clarisse kaya di maintindihan ni Enan nararamdaman niya pagkat inalala niya ulit yung nangyari sa kanila ni Cristine kagabi. Sa tuwa nangigil si Enan at biglang niyakap si Clarisse ng mahigpit. Ang dalaga pumikit at yumakap din sa binata, “You know what Risse, you are so right…di ako sure sa other side pero sa isang side sure ako. Pero sabi mo…ah basta” sabi ng binata sa tuwa. Mga kamay ng binata aksidenteng nagtakip sa mga tenga ng dalaga nang hawakan niya ito sa mukha. Walang narinig si Clarisse pero bigla siyang namulat nang maramdaman niya mga labi ng binata sa kanyang mga labi. Enan sa tuwa naismack sa labi ng dalaga sabay paspas na umalis. Nayanig ang isipan ni Clarisse, naiwan siya sa kama na hindi makagalaw ng ilang segundo. Napangiti si Clarisse at nahaplos mga labi niya. Agad siya tumayo para buksan ang bintana para magpahangin. Nakita niya si Enan sa hardin nagtatalon sa tuwa sabay nagtanggal ng shirt at nagdive sa pool. Lalo napangiti ang dalaga, inuga niya ulo niya pero habang tinitignan si Enan ay muli niya hinaplos ang kanyang mga labi. Natuliro ang dalaga habang ang binata naman lumangoy ng lumangoy para ibuhos ang tuwa niya. Sumisid ang binata, pag ahon niya nakita niya si Clarisse na nakatayo malapit sa pool. Lumabas ng pool ang binata sabay napakamot. “Towel no?” pacute ni Clarisse kaya na nilabas yung dala niyang towel mula likod niya. Muling nanigas ang dalaga, humawak si Enan sa kanyang mukha sabay naghahalik halik sa kanyang labi. Unang dalawang halik napangiti lang si Clarisse, inantay niya yung pangatlo, humalik din siya pero sa tuwa hindi napansin ni Enan yon. “Thank you Risse, teka lang bihis ako” sabi ng binata na tumakbo papasok ng bahay. Clarisse naglakad lakad sa hardin, ilang beses inuga ang kanyang utak kaya tumayo siya ng tuwid sabay hinaplos ang kanyang puso. Limang minuto lumipas nagulat ang dalaga nang may humawak sa kamay niya. Paglingon niya nakita niya si Enan. “Risse favor naman o, samahan mo ako magluto, gusto ko ako magluluto pero guide mo ako. Tatanga tanga ako sa pagluluto e” sabi ng binata. Ngumiti ang dalaga at nag nod, sabay sila pumasok sa bahay, ang dalaga panay ang tingin sa magkaholding hands nilang kamay kaya pigil kilig siya. “Risse, luto tayo tuyo at sangag. Ikaw magprepare at bubuksan ko mga bintana kasi maamoy” sabi ng binata. Pagbalik ni Enan panay ang titig ng dalaga sa kanya. Habang hinahanda nila yung isasangag sumandal ang dalaga, “Ako na” sabi niya, muli siya nanigas nang akbayan siya ni Enan. “Uy salamat talaga Risse ha, I owe you big time” sabi ni Enan. “Sure no problem, buti ka pa naiisip mo ang ganito habang si Shan hindi” bulong ng dalaga. “Ano?” tanong ng binata. “Wala, sabi ko she will like this” sagot ng dalaga. “Oo favorite niya tuyo e. Di kapani paniwala ano?” sabi ng binata. “How about me Enan, do you know my favorite food?” tanong ni Clarisse. “Syempre, paborito mo e yung chicken nuggets pag fastfood. Pag niluluto naman paborito mo yung sinigang na isda. Your favorite color is orange, tapos ano pa ba?” sabi ng binata kaya napangiti ng husto ang dalaga at sumandal sa kanya. Nagslide ang binata, mula likuran niyakap ang dalaga kaya pumikit si Clarisse at napangiti ulit. “Ah tapos favorite show mo yung How I Met Your Mother dati pero tumigil ka dahil napunta si Robyn kay Barney” sabi ni Enan. “Oh my God, akala ko no one ever listened to me” sabi ng dalaga. “I do, tapos ano pa ba? Basta madami ako alam sa iyo e” sabi ng binata. “Daig mo pa nga boyfriend ko e” sabi ni Clarisse. “Bakit mo pa kasi sinagot yon? Sana niligawan mo nalang ako” biro ni Enan kaya nagtawanan sila. “Kung niligawan ba kita sasagutin mo ako?” pacute ni Clarisse. “Hmmm pangit ko na mag playing hard to get pa ako?” banat ni Enan kaya lalo sila nagtawanan. “Akala ko ba artistahin ka?” tanong ni Clarisse. “Pwede naman maging humble from time to time” sagot ni Enan kaya natawa ang dalaga, tinignan niya yung binata sabay basta nalang hinalikan ito sa pisngi. “So Risse, pano mo naman ako liligawan kung sakali?” tanong ni Enan. “Madami din naman ako alam sa iyo e, gagamitin ko mga yon” sabi ng dalaga. “Di na kailangan if ever, baka nga ngitian mo lang ako sasagutin na kita e” sagot ni Enan. “Nakukuha ka pala sa ngiti” sabi ng dalaga. “Depende kanino, ngiti mo kasi tunay e. Ngiti ng iba pakitang tao lang siguro pero yung sa iyo totoo. Dati nga lang di mo ako nginingitian” sabi ng binata. “I didn’t like you before…started smiling at you when I started to like you” sagot ng dalaga. “Wow, like is a big word coming you. Wag mo naman ako masyado pinapasaya” landi ng binata. “Totoo naman, I like you” sabi ni Clarisse. “As a friend I know” sabi ng binata. “Well yeah, since nandito na tayo e. But if ever we are not, sinabi ko naman na sa iyo noon diba? Ulyanin ka na ata but ulitin ko lang..” “If ever..we didn’t know each other…I will like you still” sabi ng dalaga. “Risse..lagi mo ako pinapasaya lately” bulong ng binata sabay niyakap ang dalaga ng mahigpit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD