Hapon kinabukasan nakatambay si Enan sa pool area. Dumating sina Clarisse at Cristine, parehong nakabikini kaya napangiti ang binata. “Bakit swimsuit attire na ba? Bakit hindi ako na inform na ngayon pala ang Binibining Pilipinas pageant?” biro ng binata.
“Masakit parin ba ulo mo?” lambing ni Cristine na humaplos sa pisngi ng binata. Si Enan napangiti pero dahan dahan napatingin sa malayo kaya napangiti ang artista. “Tukso layuan mo ako” bulong niya kaya nagtawanan ang dalawang dalaga.
“Tara langoy tayo Enan” alok ni Clarisse. “Tara” sagot ng binata na tumayo pero biglang nakita si Jelly parating na naka bikini top at shorts ng lalake. “Lasing pa ba ako?” sabi niya kaya nagtawanan ang mga dalaga. “You are not” sabi ni Cristine. “Tang..ayawan na to! Whoooo! End of the world na bukas!” sigaw ni Enan kaya lalong natawanan sina Cristine at Clarisse.
“Ang kapal ng mukha mo siokoy!” sigaw ni Jelly. “Pare naman, sila may karapatan mag bikini, tignan mo naman sila o. Katawan sexy, kutis makinis, ang hirap nga alisin ng titig ko sa kanila e! I am telling the truth because I am a man! E ikaw..” sabi ni Enan sabay nag sign of the cross, lumuhod sabay tumingala sa langit. “Bakit ako? Sige bakit ako?” tanong ng bading.
Nagbulong ng dasal ang binata sabay dahan dahan lumingon, “Lord nandyan parin siya e” sabi niya kaya halos mamatay na sa tawa ang mga dalaga. “Hoy ano problema?” tanong ni Jelly. “Wala, sige diyan ka masaya e. Sisirain mo ang view! Cristine, sexy! Clarisse, sexy! Jelly, scary!” sigaw ni Enan kaya naghabulan yung dalawa palibot ng pool.
Sa tubig nagtawanan sina Cristine at Clarisse, “Ikaw hindi kita inaano ha, nagsisimula ka nanaman” sabi ni Jelly. “Release the Cracken!!” sigaw ni Enan sabay tulak sa bading. Napasigaw si Jelly, agad siya lumubog sa tubig. Hirap na huminga sina Clarisse at Cristine sa walang tigil na tawanan.
Pag ahon niya pinagtuturo niya ang binata, “Hindi pa ako ready! Di ko pa naalis shorts ko” hiyaw niya. “Diyan mo na alisin! Maawa ka naman sa akin baka di ako maka recover sa tindi ng trauma ng makikita ko! Baka pag inimagine ko si Cristine na nakabikini bigla ka sumulpot sa imagination ko, sira na! Sirang sira na at ayaw ko na pumikit!” sigaw ni Enan.
Halakhakan ang mag dalaga habang si Jelly biglang binato shorts niya kay Enan. “Join us labs” pacute ni Cristine. “Oo nga sige na Enan langoy ka din” sabi ni Clarisse. Tumayo ng tuwid si Enan sabay tinaas ang mga kamay niya.
“Eto ang patunay, dalawang nagsisigandahang mga dalaga tinatawag ako. Lord, what did I do to deserve this?” drama niya. “Dami mo arte” sabi ni Jelly kaya tinignan siya ni Enan ng masama. “Lord! Nagbibiro lang ako, bakit mo ako pinaparusahan? Delete mo na siya sa eksena, panira ng view e” hirit ng binata kaya lalong natawa ang dalawang dalaga.
“Hala magborles ka na at magtampisaw” sabi ni Jelly. “Excuse me, if you are already smitten by my handsome face, you will not be able to control yourself once you see me undress. Ayaw ko naman buwayahin ang lahat ng biyaya kaya eto nalang handsomeness ang pinapakita ko para sa lahat”
“Once I take my clothes off, I will redefine what sexy means” landi ni Enan. “Sige nga, patunayan mo nga sinasabi mo” hamon ni Jelly. “I am warning you! I will redefine the term sexy. Tama na yung Enan na gagamitin to replace the word gwapo. Sobra naman na ata pag gagamitin din yung Enan para sa word na sexy” hirit ng binata.
“Whooo all talk ka” sabi ni Clarisse. “Why di mo pa nakita katawan niya?” tanong ni Cristine. “Ha? Pano ko naman makikita katawan niya? Hala to, ikaw nga girlfriend niya e. Nakita mo na?” tanong ni Clarisse.
“Tignan mo na! I already sent shockwaves. Nagkaroon curiousity, kamandag ng artistahin” sabi ni Enan. Lumabas ng pool si Jelly at nagtanggal ng bikini top. “O pare sinong bakla ngayon sa atin?” tanong niya sa malalim na boses kaya halos mamatay sa tawa ang mga dalaga.
“Ikaw parin” pacute ni Enan sabay turo sa panty na suot ng bading. “Duwag! Whooo, ako kaya ko mag ganito. Ikaw ata bading pare e” sabi ni Jelly sabay pinagtutulak si Enan kaya naghingalo na ang mga dalaga sa tindi ng tawa.
“Isang kundisyon” sabi ni Enan. “Wow mafeeling to may kundisyon pa. Upakan na kita diyan tol e” sabi ni Jelly. “Sige ano yon?” tanong ni Cristine. “Walang sisigaw, walang titili, all you have to do admire…appreciate and take it all in. Ayos lang kung isave niyo sa memory ng utak niyo makikita niyo at tandaan niyo tatlo palang kayo ang magiging mapalad” landi ng binata.
Nagdive sa pool si Jelly sabay sinabuyan ng tubig ang binata. “My shirt is wet!” sigaw ng binata. “Take it off” pacute ni Cristine kaya huminga ng malalim si Enan sabay dahan dahan inalis ang basang shirt niya.
Sabay sabay nanlaki ang mga mata nina Jelly, Cristine at Clarisse nang makita ang mga abs ni Enan. Nang matanggal ng binata ang shirt niya sabay sabay pa silang napanganga.
“Oh my God” bulong ni Jelly kaya lumapit si Enan at pinunasan pa ang dibdib niya. “This aint no skit, this is as real as it gets” landi ni Enan sabay tinapon shirt niya palayo at biglang nag semi flex kaya sabay sabay nagtilian sina Cristine, Clarisse at Jelly.
“Please girls wag niyo akong tawaging Adonis, ako parin si Enan. Kung yung pagmumukha ko hindi niyo na maalis sa inyong mga panaginip, pano na ngayon? Baka ayaw niyo na magising”
Kagat labi sina Cristine at Clarisse habang si Jelly paspas na tumalon at humaplos sa abs ng binata. Tilian ulit sila kaya si Enan napangiti at natatawa narin. “Sabi naman behave diba?” sabi niya.
“Ikaw kasi e, kasalan mo ito” sabi ni Cristine. “Wala ako boyfriend diba?” biglang banat ni Clarisse kaya muli sila nagtawanan. “Did we set the date of the wedding already?” bawi ni Cristine kaya tawang tawa na si Enan.
“Uy salamat, you all are making me feel good” sabi ng binata. “Enan, I can make you feel good” biglang landi ni Jelly. Naghiyawan ang mga dalaga sabay nilublob ang bading sa ilalim ng tubig.
“Eto na yung ayaw ko mangyari, pinag aawayan niyo na ako. Can you imagine the millions of girls who will be doing the same? Ayaw ko naman mapagbintangan na magkaroon ng world war dahil lang sa akin”
“Pangit naman siguro maisulat sa history books na World War Three started because of one man from the Philippines. Baka naman mamaya angkinin na din ako ng China. Paalala niyo nga check ko birth certificate ko pag uwi at baka may tatak Chinese don. Delikado na at baka angkinin nila itong…handsome resources” banat ni Enan.
“Psst” pacute ni Cristine kaya naupo ang binata at dahan dahan pumasok sa tubig. Bungisngis ang dalawang dalaga na lumapit sa kanya, “Uy teka lang, hindi naman ako macho na tulad ng iba no” sabi ni Enan pero sabay humaplos ang dalawang dalaga sa kanyang dibdib.
“Wala akong kilalang Shan” bulong ni Clarisse kaya natawa ng malakas si Cristine. “Uso ang kabit ngayon Risse” bulong ni Cristine kaya lumapit si Jelly. “Patok din yung my Husband’s lover” landi niya sabay nakihaplos.
Nakiliti si Enan, tatlong mga kamay sa kanyang dibdib na walang tigil humahaplos at nagpipisil. “Ahem” bigkas ni Cristine kaya umatras yung dalawa. Natawa yung artista, tumalikod sabay sumandal sa katawan ng binata at nagpayakap.
“Ngayon naniniwala na ako na he works out” sabi ni Clarisse. “Grabe ka bestfriend kita hindi ka naniniwala sa akin?” tanong ni Enan. “I never did too pero sa beach, remember that? I kinda felt your chest pero nakalimutan ko tanungin kasi..may shoot ako e” sabi ni Cristine.
“Uy pero di ako pumapasok sa gym, wala kami pera para doon kasi. Sa bahay lang ako” sabi ni Enan. “Ngayon may pera kaya, ayaw mo ituloy?” pacute ni Jelly. “Wag na” sabay na bigkas nina Cristine at Clarisse kaya nagtawanan sila at nagtilian.
“Pangit na yung masyadong cut” sabi ni Cristine. “Kaya nga..kaya pala sabi ni tito athlete ka, nakapa niya din” sabi ni Clarisse. “And I think he liked it, konting push pa jejelly na yon” biro ni Enan kaya natawa ng malakas si Cristine.
“Lalangoy ba tayo o ano?” tanong ni Enan. “Lalangoy” sabi ni Clarisse. “Hoy gaga wag mo na bakuran yang boyfriend mo. Masyado kang madamot makikihaplos lang e” biro ni Jelly kaya natawa si Cristine at nakilangoy narin.
After dinner nadatnan ni Cristine si Enan sa pool area nakahiga sa recliner. Nakisiksik ang dalaga, humarap sa binata sabay pinaghahaplos dibdib nito. “Be honest, masakit parin ba ulo mo?” tanong ng dalaga. “Hindi na” sagot ng binata.
Haplos ng haplos si Cristine kaya tinignan siya ni Enan. “To naman o, di naman ganon kaganda katawan ko” sabi ni Enan. “Maganda nga e, for me it is. At mukhang pati kay Clarisse” pacute ng dalaga.
“Nakwento ko naman na sa iyo bakit diba? Kahit papano I need a part of me to look nice” sabi ng binata. “Hey don’t be like that” sabi ni Cristine. “You will never understand kasi ikaw maganda ka” sabi ni Enan.
“Macho” bulong ni Cristine kaya napangiti si Enan. “Alam mo ba tinanggihan ko yung upcoming movies na Hercules. Grabe panay email nila sa akin at inaalok sa akin yung mga movies na yon. Yung isa napunta kay the Rock e, nagpasalamat nga siya sa akin” banat ni Enan kaya tawang tawa si Cristine.
“At isa pa, isang factor ito sa pag offer sa aking ng Fifty Shades of Grey the movie. My God, madami na nga nabaliw sa libro, what more kung ako pa yung artista doon? Baka magkakaroon ng great flood sa buong mundo”
“Baka di na kailangan ng subtitle yung mga di marunong mag Ingles. Kaya lang karamihan sa girls ayaw manood sa sinehan kasi walang pause doon e” biro ni Enan kaya napahiyaw si Cristine at pinagkukurot ang binata.
“At sa tingin mo papayagan naman kaya kitang maging lead actor doon?” tanong ng dalaga. “Excuse me, inoffer yon nung di pa tayo. Kung ioffer man sa akin ulit yon e may valid excuse na ako, sasabihin ko lang I am sorry but my girlfriend does not allow me to strip naked and do bed scenes” landi niya.
“At if ever pumayag ako kokonti nalang manonood kasi alam nila taken ka na” sabi ni Cristine. “Excuse me, you are mistaken. Dati ang dami ko natatanggap na application forms, para maging girlfriend ko. Nung nalaman nila may girlfriend na ako meron parin nagpapadala pero alam mo ba?”
“Konti nalang sa girlfriend application pero sa concubine forms aysus ang dami. Pinarecycle ko na nga lang at pinagawang notebooks e” landi ni Enan kaya tawanan ulit yung dalawa.
“O bakit natahimik ka?” tanong ni Cristine. “Sa sandaling ito parang eksena sa panaginip lang e. Under the stars with a pretty girl that you like…ah este pretty girl like you” bulong ng binata. Napangiti si Cristine at kinilig, “Pretty girl that you like” bulong niya. “Yeah, ang sama naman na pag under the stars with Jelly” biglang biro ng binata kaya tawang tawa ulit yung artista.
“Tiny nakikita mo yang bitwin na yon? Yung malaki konti at makislap” sabi ng binata sabay turo. “Oo, bakit yon?” tanong ng dalaga. “Maniniwala ka ba sa akin kung sinabi ko na bitwin yan?” tanong ni Enan kaya natawa ang dalaga.
“Oo kasi alam ko naman bitwin yan e” sabi ni Cristine. “Sige eto challenge, hanapin mo nga diyan yung pinakamalaking bitwin na makikita mo” hamong ng binata. Napatingin ang dalaga sa langit, nagturo siya ng isang bitwin pero nagpalit siya ng sagot.
“Mali, kasi wala siya doon, katabi ko siya e” banat ni Enan kaya kinurot siya ng dalaga. “Korny” bulong ni Cristine kaya tawang tawa si Enan. “Sinubukan ko lang naman maging korny para damayan yung mga tunay na korny sa mundo. They must be feeling lonely” landi ng binata.
“Kaya pag alam nila kakampi nila ako mabubuhayan sila. You see Tiny, I also need to inspire a lot of people. Neglected ang mga korny pero pag nalaman nila na korny din yung artistahin, huh, they will become the in thing” sabi ng binata kaya bungisngis si Cristine at niyakap ang binata ng mahigpit. Nagkakatitigan sila, bumitaw bigla ang dalaga at dahan dahan napatingin sa langit.
“Shooting star” bigkas ni Cristine. “Oh baby baby baby, my baby baby..” biglang kanta ni Enan kaya napahiyaw ang dalaga at kinagat siya sa dibdib. “So sino ako si San Cai?” pacute ng dalaga. “Naman malayong maganda ka don e. Pero kung ikaw si San Cai, edi ako si Dao Ming Fans, screen name lang yon ha” sabi ni Enan kaya laugh trip ulit sila.
“Ano yung totoong name mo?” tanong ni Cristine. “Shayu” sagot ni Enan. “Imbento” pacute ng dalaga. “Shayu Lang, tunog Korean name parin ba?” sabi ng binata kaya natili si Cristine at napalo ang binata sa dibdib. “May pagka korny” sabi niya.
“Tiny, imbes na nagrerelax ka lang inaasikaso mo pa kami ni Risse. Bakasyon mo to dapat e” sabi ni Enan. “I am relaxed” sabi ng dalaga. “Di daw e, sabi ni Toffee pag umuuwi ka dito you sleep daw the whole day. Basta nagrerelax ka daw e” sabi ng binata.
“Totoo yon pero alam mo ba itong bakasyong kong ito pinakamasaya kong bakasyon” bulong ng dalaga. “Bakit mega warla kayo ng family tree?” banat ni Enan kaya napahalakhak ang dalaga. “You are starting to talk like Jelly” sabi niya.
“Sabi ko sa iyo nakakahawa yon e. Anyway bakit naman ito ang pinakamasayang bakasyon mo?” tanong ni Enan. “Ewan ko nga e, basta I feel happy. Being happy also makes me feel relaxed. Ikaw ba are you enjoying?” lambing ni Cristine.
“Honestly yes, siyempre yes kasi I had my first kiss” bulong ni Enan kaya napangiti ang dalaga sabay pinisil mga labi ng binata. “So yon lang kaya masaya ka na?” tanong ni Cristine. “Oo, to be honest may halong saya at lungkot”
“Saya kasi naeexperience ko tong mga naeexperience ni Shan sa family ni Clarisse or other guys that have girlfriends. Malungkot kasi yon nga baka mapapako nalang sa acting tong experience na to” bulong ng binata.
“I feel the same” bulong ni Cristine kaya nagulat ang binata. “Niloloko mo naman na ako e. Ikaw hindi magkaka boyfriend?” tanong ni Enan. “Hindi naman yon, di sa pagmamayabang I know I will but the question is will I be happy with them just like how I am happy now when I am with you?” bulong ni Cristine.
Nagkatitigan sila, “Good actress” bulong ni Enan. “I am not acting, masaya talaga ako. Pero siguro its my first time feeling this way with a guy. Dati tinanong mo pano kung hahanap hanapin mo after, so pati ako ganon din ako”
“Pano kung hahanap hanapin kita after? The acting will end eventually, pero ikaw na magiging batayan ko e” bulong ng dalaga. “What am I doing right?” tanong ni Enan. “Everything so far” sagot ng dalaga.
“Bakit ba tayo nagbubulungan e tayo lang naman dalawa lang nandito?” banat ni Enan kaya bigla siyang kinagat ng dalaga sa pisngi. “Sinisira mo yung mood e” sabi ni Cristine. “Anong mood?” tanong ng binata.
“Wala, nakakainis ka” sabi ng dalaga pero nagulat siya nang humaplos ang binata sa kanyang mukha. “Bakit?” bulong ng dalaga. “Wala naman” sagot ni Enan sabay tumigil. “Tell me what is on your mind” lambing ng dalaga.
Muling humaplos si Enan sa pisngi ng dalaga, ngumiti sabay tumigil at tinitigan lang ang magandang mukha ng artista. Si Cristine huminga ng malalim sabay dahan dahan nagdikit ang kanilang mga ilong.
“Bakit may sumisilip?” bulong ni Enan. “Oo si mama at papa” palusot ng dalaga. “O pero okay na ata sa papa mo, mission accomplished na” bulong ni Enan sabay nagkiskisan konti ang kanilang mga labi.
“I think so to, maybe we need one more push” bulong ng dalaga. “Tiny..” bulong ni Enan. “Ano yon?” tanong ng dalaga. “Nakakahiya pero you don’t have to…but if you have to..di ako tatanggi” bulong ng binata.
Nagngitian silang dalaga sabay nagsimula silang magsipsipan ng labi. “Pwede na ata ganito Tiny, maniniwala naman ata sila” sabi ni Enan. “Sure?” tanong ng dalaga. “Tiny sorry ha” bulong ng binata, nagulat si Cristine nang halikan siya ng binata. Enan napahiya pero nung ngumiti ang artista napangiti narin siya at nagtuloy ang kanilang pangalawang halik.