Sabado ng umaga napuno ng tao sa bahay nina Enan. Ang binata nakabihis na ng casual attire at kasama si Cristine sa loob ng kanyang kwarto. “Hey I will be fine” lambing ni Enan pagkat napansin niya ang malungkot na mukha ng dalaga. “I know you will” sagot ni Cristine. “O bakit ka malungkot?” tanong ni Enan. “Wala naman, siguro metally tired dahil sa shooting” sabi ng dalaga. “I have nothing to lose, but if you are that worried then hindi na ako magtutuloy” sabi ni Enan. “Hindi, its not that” sabi ng dalaga kinuha yung suklay at inayos buhok ni Enan. “Then what? Tell me whats wrong?” tanong ng binata. “Wala, hayaan mo na” sabi ni Cristine. “Tiny, kahit ano mangyari ngayon gusto ko sana magpasalamat sa iyo. Ang dami mo naitulong, sobra sobra na nga e” sabi ng binata. “Wala yon no, this is

