“Are you ready?!” sigaw ng male host kaya nagsigawan na ang lahat. “Wow, so without further adieou, here are the candidates in their summer attire” sigaw ng female host. Tumugtog na ang musika, napaindak ang lahat sa mala Reggae beat. Isa isa nang pumasok ang mga kandidato, lahat nakasuot ng Hawaiin polo shirts na maluwag, shorts at shades. Luminya sila pero natatawa ang lahat pagkat tanging si Enan ang may dala ng sako. Sabay sabay sila nagpaikot, isa isa umabante ang mga kandidato para rumampa. Habang naglalakad si Andrew e lahat nakatingin kay Enan kung saan palandi niyang binubuksan ang kanyang polo. Hindi niya tinuloy pagbukas, sakto lamang pagbukas at pinasikat konti ang kanyang dibdib. Natatawa na nanay at tatay niya pagkat sina Violet, Cristine, Joanna, Clarisse, Denise, nobya n

