Prologue
"LET'S get divorce, Kara" ang malamig na titig ni Zach ang paulit-ulit na naglalaro sa isipan ni Kara nitong nakaraang lingo. Nang sabihin nito ang mga salitang 'yon. Para bang sa bawat sandali naririnig at nakikita niya ang galit na mukha ng asawa.
Was it really my fault? Tanong niya sa sarili habang nakatitig siya sa matipunong likod nang lalaking nakatingin sa madilim na kalangitan. Her heart beats almost skip beating. Napalunok na lang siya upang huwag kumawala ang init sa gilid nang kanyang mga mata.
Wala man lang ba itong idea kung gaano kasakit para sa kanya ang desisyon nitong 'yon. Napahinto siya sa paglapit dito, sabay hugot nang malalim na paghinga. Mabigat ang bawat hakbang ni Kara habang palapit sa bulto ng katawan nang asawa...dahil palapit na ang pasko kaya mas malamig na ang hangin sa bagahing 'yon nang Tagaytay.
Pero higit na malamig ang kanyang puso sa sandaling 'yon. Napahigpit ang hawak sa papel na hindi niya inisip kung magugusot man 'yon.
Hinanda na niya ang sarili. Pero kinabahan at nasasaktan pa rin ang puso niya. Natatakot siya,pero ano pang magagawa nang pag-ibig para sa isang pagsasamang nagsimula lang dahil sa kalasingan at katangahan niya.
Kasalanan niya kaya umabot sila sa ganun. Kaya galit na galit sa kanya ni Zachary. Pero hindi niya sinadya 'yon. Dapat siya ang nagagalit pero bakit ganun? Bakit ito pa ang mas galit sa kanya. Siya itong ginamit at niluko, and yet siya pa ang lumalabas na may kasalanan.
His perfectly chiseled jawline moved as he gritted his teeth. Tumingala siya upang salubungin ang titig nito. Lalo tuloy siyang nanliliit sa sarili.
Silence...
"What do you want?" Pait ang nakaguhit sa madilim na mukha nito sa tanong na 'yon.
"I want your love Zach!" Pero sa sarili lang niya sinabi 'yon. She would never asked him that again. Never! Gusto niyang sabihing pumapayag na siyas a divorce pero iba nag lumabas sa traidor niyang bibig. "Nga--ngayon ko gustong kunin ang ikalawang wish ko?" Lumunok siya upang itulak ang pagbabara sa kanyang lalamunan. Muling napatitig si Zach sa kanya, ang itim nitong mga mata ay tila black hole na nais siyang higupin at itapon kung saan para hindi na siya nito makita. Napatitig ito sa papel na hawak niya.
"Ano?" hindi nito itinago ang disgusto sa mukha, his low deep voice was bringing shiver at her spine. Inulit niya ang sinabi niya kanina. "At nagagawa mo pa talagang---"
"It's your promised. Kahit ano diba?" Mahinang sabi niya sabay yuko. Gusto niyang magalit kay Zach pero hindi niya mahanap sa pagkatao niya ang galit na 'yon. Kung nakinig lang siya dito. Baka wala silang naging problema.
Siya itong talo sa kanila kaya siya dapat ang magalit. Siya ang ginamit, ang katawan niya pati ata kaluluwa niya gusto niyang ibigay dito dahil nagmahal lang naman siya.
He scoffed. Disgust in his eyes. Paano ba niya minahal ang taong ito? "Magkano pang gusto---"
"Hindi pera ang kailangan ko." Walang pag-aalinlangang sansala niya dito. "Sa loob nang tatlong araw. I want you to treat me as your wife. And I'll treat you as my husband as well."
"What?"
"Oo, tulad nang dati, isipin mong ako si...siya? Ako ang babaing mahal mo. You can even call me her name if you want." Sinapian na talaga siya nang katangahan at kabaliwan para sabihin 'yon. Pero iyon ang gusto niya. She wanted to be with him kahit saglit lang para sa alaala mula sa lalaking mahal niya. Para sa pagmamahal na inakala lang pala niya. Dahil ang lahat nang ginawa ni Zachary sa nakaraang buwan ay hindi para sa kanya. Kundi para sa babaing totoong mahal nito.
Kaya ito pumayag na pakasalan siya. Kaya pala. Pero kahit na for the last time. She wanted to feel that night. Ang unang gabi kung kailan nagtagpo ang landas ni Zach. Kung kailan naramdaman niya ang pagmamahal mula dito.
"Magkita tayo sa lugar na 'yon." Ibinigay niya dito ang hawak na divorce paper na nagawa na rin niyang pirmahan. Isang lingo na mula noong ibigay nito ang dokumento pero parang wala siyang lakas nang loob tapusin ang kanilang kasal. Gusto pa niyang ilaban baka puwede pa. Pero ang pagsuway niya sa utos nito ang tumapos nang lahat. Napakababaw na dahilan para sa kanya. Kaya hindi niya maunawaan ang matinding galit sa itim nitong mga mata. Kaya wala na siyang magagawa pa. Kundi ang tangapin ang lahat.
Matalim ang mga mata nitong tumitig sa kanya. "You always have your ways to get what you want, Kara," anang nito saka marahas na hinabot ang hawak na papel.
"Sana nga totoo 'yon." Mahinang sagot niya dito. Maraming luha na siyang niluha mula nang matuklasan niya ang katotohanan kung bakit pumayag itong magpaksal sa kanya. Kaya wala na siyang dahilan para umiyak pa sa harap nito.
Nagpasya siyang iwan ito. Kahit ang totoo gusto niyang yakapin ang asawa at humingi nang tawad. Baka sa pagitan noon---kahit awa man lang, magkaroon ito para sa kanya. Pero hindi na niya maaring gawin 'yon. He was mad at her. Dahil nagpilit siya. At kasalanan niya kaya sila maghihiwalay. Kung hindi na lang sana siya naki-alam. Kung nagawa na lang sana niyang magbulagbulagan.
Masakit mang isipin. Sa kabila na siya dapat ang magalit, siya pa ang tila may higit na kasalanan dito. Pero maghihintay pa rin siya bukas. Aasa.
She went to the room she's been using since few weeks ago. Siya ang nagpasyang lumipat na lang nang kuwarto dahil pinagtabuyan siya nang asawa niya. Naka-upo siya sa kama sinimulang ilagaw ang inayos niya mga gamit sa maleta, nang may pumasok sa silid niya na hindi niya pinagabalahang lingunin.
"Kara, hija," ang malungkot na tawag ni Nana Yolly sa kanya. Ito ang mayordoma at katiwala sa mansion na pag-aari nang asawa niya. "Intindihin mo na lang ang asawa mo," saad nito na napatingin pa sa maletang katatapos lang niyang isara.
"Oho, kaya nga ho aalis na lang ako. Kung sana nalaman ko agad," aniyang pinigil ang pagbara nang kanyang lalamunan. Aalis siya dahil hindi siya kayang mahalin ng asawa. At hindi kailan man mangyayari ang bagay na gusto niya. And he will never let her become part of his life. Para dito isa lang siyang babaing pinakasalan nito para sa isang kasunduan. Sakabila nang pait ay nagawa pa rin niyang makatulog. Nasanay na rin ang puso niyang masaktan.
Kinabukasan.
Hindi na niya hintay na magising pa si Zach na sigurado siyang nasa silid pa rin nito. Hinila niya ang di kalakihan niyang maleta palabas nang mansyon. Wala naman siyang ibang dala maliban sa mga personal niyang gamit. Mga gamit na dala rin niya pagpunta doon. Limang buwan na ang nakararaan nang magpakasal sila. Akala niya tadhana ang dahilan nang lahat. Dahil si Zach ang lalaking papangarapin nang kahit na sinong babae.
Sumakay siya sa taxing nag-aantay na sa kanya. Wala siyang sariling kotse para ipagdrive na lang ang sarili. Dahil bawal siyang magdrive because of the accident two years ago.
Sa hotel na pag-aari nang pamilya niya siya tumuloy. Wala namang nakaka-alam na anak siya nang may-ari nang hotel. Beside she will still be using Zach name.
Iniwan lang niya doon ang gamit saka umalis. Magwawala ang ama niya kapag nalaman nitong makikipaghiwalay siya sa asawa niya. In just barely five months of marriage. A marriage that was ruin because of her own greed, dahil naki-alam siya sa di niya dapat paki-alaman.
Nagbook siya nang taxi papuntang terminal nang bus. Papunta siya sa Baler, Aurora. Doon siya maghihintay sa loob nang tatlong araw. Kahit alam niyang imposible. Aasa pa rin siya. Sana. Lihim na dasal niya.