SLAP!
Malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Kara nang makarating sila sa mansyon nang bahay nila. Parang tumabingi ata ang panga niya kaya tuluyang nawala nang kalasinagan niya.
"It's not my fault Papa," naiiyak na usal niya. Ang lakas kasi nang sampal nito.
"Muntik ka nang makalabuso, dahil sa mga kalukuhan mo Kara. Ilang ulit ko na bang sinabi sa'yo na tigilan mo na ang pagbabar. Just look at yourself...." bakas ang disgusto sa mata nito nang pasadahan siya nang ama nang tingin. She's wearing high waisted faux leather skirt na mahigit dalawang dangakal ang ata ang haba. Red spaghetti crop to na pinatunangan lang niya nang faux leather jacket.
"Uso nama---"
"You dare talk back to me, Kara." Gigil na asik nito na ikinahalukipkip niya. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yong bata ka. Ang mga kapatid mo parehong professional at kilala sa lipunan--- but you, my only daughter. Bakit ikaw ang naging pasayaw." Pabagsak na naupo ito sa couch hindi maitago ang dis-appointment sa mata nito. Nagkamot siya nang ulo dahil doon. "Bente anyos ka na. Mabuti pang mag-asawa ka na lang."
Muntik nang malaglag ang panga niya dahil doon.
"Papa! Wala nga akong boyfriend," reklamo niya. Kahit mayroon, wala pa siyang planong mag-asawa. At sa lahat nang maririnig niya sa ama. Pag-aasawa na agad. "Saka di pa nga ako nakakagraduate."
"At paano ka makakagraduate kung hindi ka nag-aaral ha," muling singhal nito. Hindi naman sa bobo siya kaya hindi siya nag-aaral. Gusto kasi nitong magbusiness course rin siya samantalang hindi naman 'yon ang gusto niya. Nabobored lang siya kaya nagdrop out na lang siya.
Kasalanan naman nito kaya siguro siya lumaking pasaway at spoiled dahil rin dito. Masyado itong overprotected sa kanya. Siguro dahil lumaki siyang walang kinikilalang ina. Namatay ang ina niya nang ipanganak siya nito dahil sa heart failure.
Nang madiagnose kasi na may bara sa puso ang ina niya noong five years old ang Kuya Gab niya. Pinagbawalan na ito nag doctor na magbuntis. But after five years nabuntis ang ina niya.
So sympre hindi niya kasalanan 'yon. At hindi rin ito napilit na ipalaglag siya noon. Kaya ayon ending wala siyang ina nang lumabas siya sa mundo. Siguro kasi hindi naman niya nakilala ang ina kaya kahit paano, okay lang na napag-uusapan ito. Pero paminsan-minsan nalulungot rin siya. Lalo na sa family picture na kasama ang ina nila ay wala siya. Maliban sa family picture na buntis ang kanyang ina sa kanya.
At dahil nga lumaki siyang walang ina ang kapatid nang kanyang ama, si Tita Aurora ang itinuring niyang ina. Wala naman itong sariling pamilya, kaya parang ito na ang tumayong ina nilang magkakapatid.
Tatlo silang magkakapatid, ang Kuya Ian niya isang doctor at si Kuya Gabriel JR na siyang nagmana sa ama niyang negosyante. Parehong may mga -asawa pero wala pang mga anak.
"Bukas darating dito ang mapapangasawa mo."
"Seryoso ka talaga, Papa. Ipakulong mo na lang kaya ako," walang gatol na sabi niya.
"Abay, sira ulo---"
"Gabriel!" Sigaw ng Tita Aurora nang babatuhin siya nang ama nang hawak nitong sapatos. Kaya napatakbo siya sa tabi nito. Saka siya nagtago sa likod ng tiyahin.
"Huwag kang maki-alam ngayon ate, talagang napupuno na ako sa kalukuhan nang batang 'yan. Hindi mo ba naisip ang nangayari noon dahil sa katigasan nang ulo mo?" Baling nito sa kanya.
"Tumigil ka nga, bakit ipapaalala mo pa ang nangyari noon, hindi niya kasalanan 'yon." Giit ni Tita Aurora. Sukat doon ay napasimangot siya sa ama. "Sige na hija, umakyat ka na kuwarto mo," taboy sa kanya ng tiyahin, kaya lihim siyang napangiti. Saka mahinang nagsabi nang I love you dito na ikinangiti rin nang ginang.
"Kaya tumitigas ang ulo nang batang 'yan ate, lagi mong kinukunsente." Dinig pa niyang sabi nang ama.
"Matuto rin siya, Gabriel."
"Kailan pa, kapag napahamak na siya nang tuluyan sa mga kauluhan niya."
Nang makarating sa kuwarto niya ay hindi siya nag-abalang magbihis. Inaantok na rin naman siya dala nang pagod at anong oras na rin.
Sigurado naman siyang magbabago ang isip nang kanyang ama kinabukasan tungkol sa plano nito. Kaya nakatulog siyang may masayang ngiti sa labi. Dahil sigurado naman siyang ipagtatangol siya nang Tita niya.
Pero ang inaasahan niyang pagbabago nang isip nito ay hindi nangyari kinabukasan. Dahil habang nag-aalmusal sila ay nagbilin itong agahan niyang umuwi kung maggagala siya dahil darating ang magiging asawa niya kinagabihan.
"Papa, twenty first century na, hindi na uso ang arrange marriage, my gad! Hindi ako magpapakasal sa lalaking 'yon. For sure pangit 'yon. At walang backbone." Walang pakundangang turan niya.
"What?"
"Oh diba, kasi kung hunk 'yon malamang di rin papayag 'yon. It's a no!" May diing sabi niya. "Magpapakaold maid na rin lang ako tulad ni Tita."
"Hindi ako nakikipagbiruan sa' yo Kara. Huwag ka na lang lalabas nang bahay ngayon. Pumirmi ka dito at mag-antay nang oras." Pinal na utos nitong may kasamang palo sa mesa na ikinagulat niya.
Kapag ganun alam na niyang seryoso ito. Kaya nanahimik na lang siya. Baka maulit ang sampal sa kanya kagabi. First time kaya 'yon. Pero alam naman niyang kasalanan niya kaya wala siyang karapatang mag-iiyak. Marunong naman siyang tumangap nang mali niya minsan.
Kung bakit kasi sumama siya sa mga dating kaklase niya. Malay naman niyang nagdudrugs si Alvin.
Kung wala sigurong kilala ang ama niya sa presensto sigurado talagang kalabuso rin siya kagabi. Kahit naman brat siya, never naman niyang naisip na magdrug. She love trill and excitement. Umuiinum pero hindi naman siya naninigarilyo lalo na ang drug. She hates drugs kaya.
But it's still a no! Siya dapat ang magpasya para sa taong magiging asawa niya.
"Ate siguruhin mong hindi aalis ang batang 'yan dito sa bahay." Bilin nang kanyang ama, bago tumayo at naglakad palabas. Nagpapasaklolong napating siya sa tiyahin.
"Makinig ka na lang sa kanya ngayon. Sinubukan kong kumbinsihin kagabi pero nagalit lang." Ang sumusukong turan nito.
Sympre ito lang ang puweding sumuko. Dahil siya. Never say die ang motto niya kapag may gusto siyang makuha.
"Tita, papayag ka bang ipakasal ako ni Papa sa isang lalaking backbone?" Kuryos na tanong niya dito. Dahilan upang matawa ito.
"Hija, hindi naman dahil pumayag 'yong lalaki eh wala nang backbone. I'm sure he had his reason too. Pero sympre ayaw ko pang mag-asawa ka."
"Mismo!" She even snap her finger. "Kaya love kita tita eh," aniya sabay akbay dito.
"Sus nambola ka pa," naiiling na saad nito. "Sundin mo na lang ang papa mo, at ipagdasal mong magbabago ang isip niya," bilin nito saka siya iniwan at nagtungo sa kusina.
"I can't get married sa lalaking di ko kilala. I won't!" Determinadong turan niya. Kaya't pagkatapos mag-almusal ay nagtungo siya sa silid. Para kunwari sumunod sa paki-usap nito. But as soon as she enter her room she locked her door. Tinagawan niya si Emi ang kanyang bff.
"Emi I need help!" Bungad niya dito nang sagutin nito ang tawag, pero nagmura lang ito, kasunod nang ungol na tila nasasarapan sa kung ano. Kaya natakpan niya ang bibig. Realizing what her friend was doing. Ang aga-aga namang kahalayan nito.
"f**k," anang nang lalaki sa kabilang linya.
"Girl, uhmm...ahhhh call you later...uhnmm I'm in the middle of---" kasunod noon ay ang malakas na ungol ni Emi at ang mga halinhingan ng dalawang nasa kabilang linya. Kaya pinatay na lang niya ang tawag. Nakaka-eskandalo ang maagang almusal nang kaibigan niya. Kaya't hindi niya maiwasang pag-initan ng mukha.
Hindi naman niya ito masisi, sadyang liberated lang talaga si Emi. Wala itong boyfriend dahil ayaw raw nito nang problema. Pero madalas itong makipagdate. Kung baga tikimtikim lang raw ito.
Minsan ay hindi niya maiwasang maingit ito. Well hindi naman siya ipokrita para sabihing ayaw pa niyang maexperience ang s*x, kaso nga lang. Ayaw naman niyang basta na lang ibibigay sa isang lalaki ang iningantan niyang virginity for twenty years.
Gusto niyang ang first niya ay doon sa lalaking magpaparamdam sa kanya na, this is it na talaga. Sa mga nanliligaw kasi sa kanya, wala ni isa ang ganun. Walang spark kung baga.
Minsan nga gusto na niyang isiping abnormal siya. Dahil wala man lang siyang mafeel na kuryente sa mga lalaki. Pero sure naman siyang hindi siya tomboy. Wala naman siyang gender issue. Open minded naman siyang tao at hindi niya hinusghan ang mga taong iba ang preference.
Waiting lang talaga siya sa right one. Sana nga lang mayroon.
Nag-antay siya nang isang oras bago nagring ang phone niya. Napangisi siya nang malamang si Emi ang tumatawag.
"Grabe ang aga nang kalibugan mo," bungad niya dito.
"Correction, mag-umaga ang kalibugan ko, friend." Proud na sabi nito sabay hagikgik. Kaya pala hindi siya nito sinipot kagabi. May iba palang kadate. Kaya napasama tuloy siya sa grupo ni Alvin. "So anong help..."
"Kailangan kong tumakas," simula niya. Dinig pa niya ang 'oh' mula dito. Kaya niya isinalaysay dito ang mga naging kaganapan kagabi. Mukhang naguilty naman ito bigla. Kaya nag-apologies ito. Saka niya sinabi dito ang boung plano niya.
"Okay. I'll lend you my car," anang nito. "Meet me outside your house in two hours." Iyon lang at tinapos na nila ang usapan. Siniguro niyang nakalock ang kanyang silid. Bago kinuha ang backpack niya. Nagsilid siya nang ilang gamit doon, dinala rin niya ang cash sa mini vault niya. Baka kasi nafreeze na naman ang mga atm account niya. Madalas gawin 'yon nang ama niya kapag may kasalanan siyang malaki. And what happened last night was huge. Kaya dapat maging handa siya. Nang matapos mag-ayos nang gamit at nag-antay lang siya at nakatanaw sa may bintana.
In less than two hours ay nakita na niya ang pulang kotse ni Emi. Binuksan pa nito ang bintana. Dumungaw siya sa verandah at sinigurong walang tao. May lumang sofa sa ibaba, kung saan niya hinilog ang backpack niya. She felt excited nang eksakto ang pagbagsak ang backpack niya sa sofa. Kaya't hindi 'yon lumikha nang ingay. Nagiging expert na talaga siya sa pagtakas. She laugh quietly.
Saka mabilis siyang lumabas sa kanyang silid. Kapag ganung oras abala ang dalawang katulog at si Tita Aurora niya sa kusina.
Nang makalabas ay huminga siya nang maluwag. Saka umikot kung saan hinulog ang kanyang back pack.
Pero bago pa man siya nakalabas ang gate ay narinig na niya ang pagtawag nang kanyang Tita Aurora.
"I'm sorry Tita." Usal niya sa hangin saka mabilis na tinakbo ang gate. Kaya hinihingal siya nang makasakay siya sa kotse ni Emi.
Then they both laugh at each other. "Lagot ako kay Tita. Tinakasan ko siya." Bigla tuloy siyang nakonsensya para sa tiyahin. Pero ngumisi lang si Emi.
"Puwede ka pang magbago nang isip friend, pakasal ka na lang."
"No way! Hindi ako magpapakasal sa lalaking walang backbone." Deklara niya. Kaya pinaandar na si Emi ang kotse.
"Baka naman judgemental ka lang friend. May trill din kaya ang arrange marriage, ang parents ko arrange marriage din sila pero happy naman sila. Sa sobrang happy nila na-e-enjoy ako sa freedom diba." Nakangising turan pa nito.
"Eh kung gusto mo ikaw na lang, gusto mo ikaw magpaksal doon sa lalaki?" Excited na saad niya saka tumagilid pa upang harapin ito.
"Ayaw ko nga, wala pa akong planong mag-asawa. Masarap maging single."
"Alam mo pala eh makapagsuggest ka pa d'yan." Inirapan pa niya ito kaya hinila lang nito ang dulo nang buhok niya.
"Aray naman!"
"Baka kapag guwapo 'yong guy magkandarapa ka."
"Malabo 'yon. Dahil kung guwapo 'yon hindi papayag 'yon. Naiimagine ko palang hitsura nang magiging asawa ko parang gusto ko nang mag-evaporate."
"Sabi mo eh."
Pagdating nila sa tapat nang building nang condo nito ay bumaba na si Emi. Saka ito ibinigay ang address nang resort na pag-aari nang pamilya nito.
"Safe ka doon, at mag-eenjoy ka. Tawagan mo ako pagdating mo," bilin pa nito. "At ingat sa pagdidrive okay." Bilin pa nang muling humarap sa kanya. Nagpahabol lang siya nang thank you dito. Saka niya pinaadar ang kotse.
Her heart was filled with excitement as she maneuver the car. Siguro naman kapag ginawa niya 'yon hindi na siya pipilitin ang ama na mag-asawa kaagad. Mas masarap ang freedom. Besides kung mag-aasawa siya doon sa tamang tao. Hindi kung kani-kanino lang.
At sigurado siya hindi niya deserve ang lalaking pumapayag sa arrange marriage. Ipupusta pa niya ang trust fund niya.