Chapter 2: Mr. Stranger

2114 Words
"EXCUSE me, saan ang manager n'yo. May reservation ho ako," anang ni Kara sa babaing naroon sa bungad nang nang di kalakihang bahay. "Kayo ho ba ang kaibigan ni Ma'am Emi?" Inosenting tanong nito na napatingin pa sa phone nito. Mukhang bata pa ang babaing may kulot na buhok. Tumango naman siya at nagpakilala dito. May tinawag itong ang isang binatilyo. Then the woman gave her the key. "Si Rambo na ho ang maghahatid sa n'yo sa cottage Ma'am," pag-iiporma nito saka ngumiti ng matamis. Napasunod naman siya sa binatilyo. May mga cottage siyang nadaanan na may ilang ilang bakasyunista kahit hindi pa naman summer. Pagkatapos nang halos sampung minuto ring paglalakad ay narating nila ang bahay na kubo sa dulong bahagi. May dalawang pinto doon. Ayon kay Rambo ang cottage sa kaliwa ang sa kanya. Binigyan niya itong nang tip. At tuwang tuwa naman ito. Pagpasok pa lang niya ay nasurpresa siya sa kaayusan nang munti niyang silid. Simpling bahay kubo ang labas but inside was like a average hotel room. May division ang maliit na living room at silid. May isang pinto na hula niya ay banyo. At dahil pagod sa ilang oras na biyahe ay pabagsak na humilata siya sa kama. Hindi ganun kalambot ang kama but not bad at all naman. Timamad na siya kaya nagchat na lang siya kay Emi na naroon na siya. Binuksan niya ang electricfan saka siya naidlip. Gabi na nang magising si Kara dahil sa pagkalam ng sikmura. Binuksan niya ang ilaw nang silid. Hindi na siya nag-abalang magbihis. Saka siya lumabas upang humanap nang makakain. May nadaanan siyang restaurant kanina nang magpark siya nang kotse. At hindi nga siya nagkamali. Isa palang restobar 'yon. May singer pang kumakanta sa di kalakihang stage. Naghanap siya nang mapupuwestuhan nang napatingin siya sa bakanting mesang nasa dulo. Kaya pinili niyang maupo doon matapos siyang mag-order nang pagkain. She was busy playing offline games. Hindi kasi siya puweding mag-online dahil siguradong kinokontack siya nang ama niya. Nagchat lang siya kanina sa Tita Aurora niya para huwag itong mag-alaala. Abala siya sa paglalaro nang maramdaman niyang tila may matang nakatitig sa kanya. Kaya napa-angat siya nang tingin. Upang salubungin ang maitim na mga matang tila black hole na gustong higupin ang boung pagkatao niya. Sheyt ang guwapo niya! Muntik nang umawang ang bibig niya nang magsalubong ang titig nila nang lalaking, umiinum nang beer sa kapatat niyang mesa. The guy own a charismatic aura, he had deep seated icy eyes, proud nose and luscious sexy lips that complimented with the lights. He had a swooning s*x appeal that can't be denied. Kaya't hindi niya magawang alisin ang titig dito. Attractive rin ang jawline nito and he looks really handsone. Base sa pagkaka-upo nito alam niyang matangakad rin ang lalaki na may di kalakihang katawan, but his biceps was trace on his white shirt. At nakikipagtitigan rin sa kanya ang lalaki. Natigil lang ang pag-iinspeksyon niya sa lalaking kaharap sa kanya nang dumating ang order niyang pagkain. Pero nang muli siyang tumingin sa direksyon nito, wala na doon ang lalaki. Kaya hindi niya maiwasang makadama nang paghihinayang. Sana pala nag-ayos man lang siya. "Kung ganun siguro kaguwapo ang magiging asawa ko, carry na kahit force marriage pa." Natatawang kausap niya sa sarili. Saka nagsimulang kumain. Nang mabusog ay nag-order rin siya nang beer. Ang isang bote niya ay nasundan pa nang isa. Bago siya nagpasyang umalis nang restobar. At in fairness masarap ang pagkain nila. Dahil bilog ang buwan ay nagpasya siyang maglakad lakad muna sa dalampasigan. Para magpatunaw nang kinain niya. Ang tunog nang alun at nakakagrelax sa isip niya. Nagkikislap rin ang tubig sa dagat dahil sa liwanang nang buwan. "This is perfect," usal niya. Saka nag-inat pa siya, sabay sigaw. "I'm free!" "Pag-aari mo ba 'tong lugar Ms," muntik ng mapatalon si Kara dahil sa baritonong tinig nang isang lalaki sa likod niya. Nasapo pa niya ang dibdib nang harapin 'to. Handa na siyang singhalan ito dahil sa panggugulat nito sa nerves cells niya, subalit nabitin sa ere ang bibig niya nang makita ang lalaki na nakita niya sa resto bar kanina. Nakatayo ito habang nakapamulsa, ilang hakbang ang layo sa kanya. Sapat na ang liwanag nang buwan upang lalo niyang mapagtanto na ito ang tipo nang lalaking magagawang mong pangaraping at pagnasaan. With his height and looks, puwedeng-puwde itong rumanpa nang nakaboxer o baka puweding naked. Literal na natampal niya ang bibig niya dahil sa naiisip. Nahawaan ata siya ni Emi nang kahalayan sa katawan. Nag-init tuloy ang mukha niya. "Pasensya na!" Alangning turan niya dito. "Ayos lang," anang nitong nanatiling nakatigtig sa kanya. Tila may amusement sa mga mata nito na hindi niya mawari. Sa totoo lang alam niyang hindi dapat siya nakikipag-usap sa isang estranghero, kahit gaano pa ito kaguwapo. Lalo't naroon sila sa isang lugar na walang tao. "Pero hindi magandang magpagabi ka sa labas." May himig na concern ang tinig nito. "Grabe thoughtful rin siya!" lihim na usal niya. Kaya kahit labag sa loob niya ay naglakad siya palayo ito. Pero nagawa pa niyang lingunin ito. "Thanks," tipid niyang sabi, but the man remain standing habang nakatitig ito sa kalangitan. Mukhang hindi nga nito narinig ang sinabi niya. Pabalik na siya nang cottage nang dumilim ang paligid. Kaya napatingala siya dahil sa ulap na tumakip sa maliwanag na buwan. Muli niyang ipinagpatuloy ang paglalakad ng maramdaman niyang tila may sumusunod sa kanya. Kaya napalingon siya. Pero wala naman siyang nakitang tao sa paligid. Bigla tuloy syang kinabahan. Then she start walking again. Pero lalo lang naramdaman ang takot. Kaya parang tangang kumaripas siya nang takbo, but she accidentally tripped sa isang malaking bato. Napatili siya nang mawalan siya nang balanse, when a strong arms suddenly catched her bago pa siya matumba, at parang magic na nagliwanag ang buwan. Saka siya kinabig nang may-ari nang brasong yumakap sa bawyang niya, kasunod ay ang pagbanga nang likod niya sa mainit na katawan sa likod niya. Dala nang pagkagulat marahas niyang tinabig ang nang brasong 'yon. Inataki siya nang takot at pagkataramta saka mabilis siyang lumayo sa taong nasa likod niya. Pero mukhang dinapuan siya nang kamalasan, dahil pag-atras niya parang nanlambot ang tuhod niya kaya pabagsak na napaupo siya sa buhanginan. Malakas na napamura si Kara dala ng sakit pagtama nang puwet niya sa bato. "Are you alright?" The same voice she heard few minutes ago. At ganun na lang ang gulat niya nang patingala niya ng makita ang lalaking 'yon. Kasunod nang malakas na tambol nang kanyang dibdib. Inilahad nito ang palad upang tulungan siyang makatayo. Pero nangibabaw ang panic niya. Kahit masakit ang puwet niya ay nagmadali siyang tumayo at mabilis na naglakad. But the man keep walking towards her direction. Kaya napahinto siya. Mukhang nagulat rin ito kaya napahinto rin ito. "Hoy! Mr. Kahit masyado kang guwapo hindi tamang sundan mo ako no, idedemanda kita." "For what?" kalamadong tanong nito. "For stalking, alam kong maganda ako but I don't talk to stranger okay." "Papunta ako sa cottage ko Ms. Kaya hindi kita sinusundan," balewalang turan nito saka siya nilapasan but he was smiling kaya lihim siyang kinikilig, paano kasi ang guwapo nito. At ganun na lang ang gulat niya nang magtungo ito sa katabing cottage niya... Napapahiyang nagkamot siya nang noo nang lingunin siya nito wala itong sinabi pero sa ekpresyon nito parang sinabi nitong , 'see may magkapitbahay tayo.' Natauhan lang siya nang tuluyang itong mawala sa paningin niya. "Ang judgemetal mo talaga nakakahiya ka," sermon niya sa sarili saka patakbong nagtungo sa cottage niya. Nagbihis na lang siya matapos maghilamos. But somehow hindi mawala sa isip niya ang hitsura nang lalaking 'yon. "Ang guwapo talaga niya." komento niya saka nahiga sa kama. Dahil hindi pa siya inaantok ay tinawagan niya si Emi, para ikuwento ang nangyari. "Baka isipin pa niya baliw ka!" Pang-aasar nito. "Oo nga eh, umiral na naman kasi ang pagkapraning ko pero ang guwap niya. Iyon ang totoong yummy na sinasabi mo..." Lintaya niya dito. "But anyway, mahirap magpantasya baka taken na 'yon, sa hitsura ba namang 'yon," aniyang hindi maitago ang panghihinayang. Kaya lalo lang siyang inasar ni Emi. "Eh di tanungin mo. Anong malay mo diba?" udyok nito. "Hindi ba ang landi kong tinganan noon." "Gaga, sa panahon ngayon wala nang masamang maglandi, basta single, puwede. Kahit nga pretending single puwede. Basta mukha at amoy yummy," napa-iling na lang siya nang humagikgik ito. Pero hindi rin naman niya magawang iwaglit sa isip niya ang mukha nang lalaki kanina. She can still clearly smell his scent na dumikit ata sa damit niya. "Anong malay mo magkatikim pa kayo d'yan. Eh di maisusuko mo ang perlas nang silangan mo." "Ang bastos mo, saka di ko nga kilala 'yong tao." Kunway saway niya dito, pero ang totoo bigla siyang kinilig sa ideyang 'yon. "Naku friend kapag nakatikim ka na, ewan ko na lang kung di ka mabaliw. Lalo kapag dakota pa." Patuloy na sulsol nito. Kaya naman kung anu-ano tuloy ang naglalaro sa kukote niya. "Ay ewan bahala na nga," wala sa sariling usal saka tinapos ang tawag ni Emi. Baka bigla pa nitong i-suggest na pasukin niya sa cottage ang kapitbahay niya. Kinabukasan ay maaga siyang gumising para makapagswimming, at sympre umasa siyang masilayan ang guwapong neigbor niya. Pero halos kalahating oras na siyang naglalangoy sa dagat ay hindi niya nakitang nagbukas ang pinto nang kabitbahay niya. Nang mainit na ang sikat nang araw ay saka siya nang pasyang umahon. Isunot niya ang see thru cover up niya upang hindi masyadong expose ang swimsuit niya. At kung kailan palapit na siya sa cottage ay saka naman lumabas ang guwapong kapitbahay niya, nakashorts lang ito at may hawak na tasa sa isang kamay. Biglang sumikdo ang dibdib niya nang makita kung gaano kaganda ang katawan nito sa maliwanag. Kaya sigurado siyang mas perfect pa up-close. Nginitian niya ito nang mapatingin ito sa direksyon niya. Hindi nakaligtas sa mata niyang tila saglit itong natigilan nang mapatitig sa kanya. Kaya lihim siyang napangiti. Buti na lang talaga nang dala siya nang swimsuit niya nakakapagrampa tuloy niya. She had no reason to be ashamed of, maganda naman ang katawan niya, in perfect shape. Hindi lang siya nabiyayaan nang pangmodel na height, pero tama lang ang tangakad niya niya na five three. Binati niya ito---bilang kabitbahay. But he just ignore her. Kaya napasimangot siya. But she decided to talk to him. Hindi kasi siya matatahimik kapag wala siyang sinabi dito. "Ahm--- pasensya na pala kagabi. Akala ko lang kasi...I'm Kara by the way." Naisingit pa talaga niyang mapakilala dito. Malay mo naman magresponse. "Forget it!" Baliwalang sagot nito. "Okay deadma. Pasalamat ka guwapo ka." "Tama lang na maging maingat sa nga taong makikilala mo," dagdag pa nito. Mukhang may trust issue ang guwapong lalaki. "Mag-isa ka lang?" "Yeah?"Tipid na sagot nito "Ikaw?" Lihim siyang napangisi. "Oo, naglayas ako sa amin dahil ayaw ko pang mag-asawa. Pero kung single ka puwede kang maging asawa ko." She keep the rest with herself. "Gusto mong kumain, let's grab breakfast., Aluk nito na medyo ikinagualat niya ng slight. Saglit siyang nag-isip, pero bibihira ang species na tulad nito kaya maluwag siyang ngumiti. "Bet, I hate eating alone so, tara na." "Magbihis ka muna Miss," anang nito sabay iling. She pout her lips and awkwardly walk toward her cottage. Saka siya nagmadaling nagbanlaw at nagbihis. Sympre she can't take down the opportunity. Grab lang nang grab ika nga ni Emi. Pero napasimangot siya paglabas niyang wala doon ang neighbor niya? Ano nga bang pangalan nang guwapong kapitcottage niya? Pababa na sana siya nang bumukas ang pinto nang cottage nito. Nagbihins rin pala ito. Simpling puting t-shirt at light brown na shorts ang sout nito pero mukha pa rin itong rarampa nang outfit nito. Napasunod siya nang magpatinuan itong maglakad. "Matagal ka na rito?" usisa niya. "About a week," tipid na sagot nito. "Ikaw kahapon ka lang dumating, bakit mag-isa kang nagpunta dito?" "Ah wala lang. Gusto ko lang magalit ang Papa ko. Para magbago ang isip niya," walang prenong saad niya dito. "Akala ko broken hearted ka kaya ka napunta dito." Ewan niya kung nagbibiro ito o ano, ang serysoso kasi nang mukha nito. But his eyes was sparkling, at mukha yong nakangiti sa paningin niya. "Bakit para sa mga broken hearted lang ba ang lugar na 'to? Broken hearted ka?" Bulalas niya realizing what he was saying. "Ang daldal mo, bilisan mo na," reklamo nito saka binilisan ang hakbang. "Kung brokenhearted siya, eh di single siya. Puweding landiin ang ganun," lihim na napangisi si Karea. "Hoy Mr. sandali lang naman," abol na sigaw niya dito. "Ano nga ba ulit pangalan mo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD