Chapter 3: First Wish

1718 Words
"ANONG itatawag ko sa'yo kung ayaw mong sabihin ang pangalan mo?" Nakangusong pangungulit ni Kara sa guwapong lalaking kaharap. "Pangalan lang ayaw pang sabihin di ka naman siguro FBI agent, pa mysterious effects ka pa. Saka paano kung kidnappers ka pala. O kaya rapist." "Sa tingin mo ba kailangan kong maging rapist," amuse na tanong nito. He wasn't look offended. Infact ang sexy nang ngiti nito. "Well, fine. Mr. Kapitbahay na lang." "Bahala ka." "Corny mo." Natigil lang ang pag-uusap nila nang lumapit sa kanila ang waiter dala ang order nilang pagkain. Naroon sila sa dating kinapupuwestuhan nito kagabi. She was about to say something ng matigilan siya dala nang tila emosyong nasa mata nang lalaking kaharap. Para bang masaya na malungot ito na di niya maipaliwanag. "May dumi ba ako sa mukha Mr. Stranger." "Wala Sorry," umiling ito. " I just thought you look like someone I knew," seryosong saad nito sa ito tumikhim na tila nagbabara ang lalamaunan.. "Talaga, impossible! Nag-iisa lang ang mukha kong ito no." She snapped, feeling niya nagpapalusot lang nito, sa totoo lang hindi naman siya sanay na basta na lang makikipagkaibigan sa isang taong di niya kilala at lalo nang ayaw nitong magpakilala. But there was something in this man na gusto niyang tuklasin. At hindi naman ito mukhang masamang tao. Kasi guwapo! Tudyo nang makulit niyang brain cells. "Impossible nga," makahulugang saad nito sabay iling, pero pansin niya ang lungkot na gumuhit sa mga mata nito. "Kumain ka na lang d'yan." "Ang wierd mo, buti na lang guwapo ka!" "Ang daldal mo, mas weird 'yong babaing nagsasalita habang panay ang nguya." Baliwalang saad nito pero hindi niya pinasin 'yon. Dahil abala ang kamay niya sa pagbabalat nang malaking hipon. Mostly seafoods ang order nila kasi malamang malapit sila sa dagat. Tahimik silang kumain pero hindi rin siya nakatiis na nang napansin niyang panay pa rin ang sulyap nito sa kanya. "Alam mo Mr., kung hindi mo titigilan ang patitig mo sa mukha ko iisipin ko type mo ako?" Nakangusong saway niya dito, naiilang kasi siya sa ginagawa nitong patitig at pagsulyap sa mukha niya. Hindi naman 'yon tinging many*k o ano man, in fact he look amuse every time their eyes meet. Kaya kinikiliti ang perlas niya sa titig nito. "Natutuwa lang akong makita ka," mahinang ngunit may emosyong saad nito subalit tila biglang natigilan. "I mean nakakatuwa kang kumain," pagtatama nito sabay iwas nang tingin. Noon siya napatingin sa plato niya, saka alanganing ngumiti sa kaharap. Medyo malakas kasi talaga siyang kumain. Mabuti na lang mabilis ang metabolism niya kaya hindi siya tumataba. "Gusto mo pa ba? We can order more." Amuse na aluk nito na ikinailing niya. "Ayos na 'to. Besides dapat moderate lang ang expenses ko." "It's my treat." "No thanks, ngayon lang kita nakilala---ay mali hindi ko nga pala alam ang pangalan mo kaya hindi maganda magpalibre," aniya sa pagitan pa rin nang pagnguya, turo 'yon nang Tita niya. Huwag magpapalibre sa bagong kakilalang lalaki, baka raw kasi magtake advantage lang sa huli. "Kakaiba ka talaga," dinig niyang usal nito sabay iling but the amusement remain the same. Kung makatingin itong parang matagal na silang magkakilala. Naisip lang niya. Pero dahil wala na itong sinabi pa kaya tahimik na silang kumain. Matapos kumain ay nagkasundo rin silang mamasyal. Nakakatuwang isipin pero napakakomportable ni Kara sa lalaking hindi nga niya alam ang pangalan. Sabay na rin silang naglunch pagkatapos then they head back to their own cottage. Kaya naman kilig na kilig si Kara nang makapasok na siya sa cottage niya. She called Emi pero hindi ito sumagot sa tawag niya, kaya nanood na lang siya nang k-drama na download niya sa phone niya. Pero tumigil siya nang nakadama siya nang antok. Then she rest the rest of the day. Beauty rest para maganda paggising. Hapon na nang magising si Kara. Kaya lumabas siya sa munting balkon niya habang nag-iinat. Sumilay ang matamis sa labi nang dalaga nang mapatitig siya sa paligd. She was greeted with the beautiful crimson sky. She breathe the salty air saka siya napangiti. Ilang sandali rin siyang nakatitig sa namumulang kulay nang dagat habang mabining humahampas ang alon sa dalampasigan, pinapanatag nang bawat paghalik nang alon sa buhangin ang kanyang isipan. Iyon ang tinatawag nang peaceful moment. Naisip niya. Pinagsasawa niya ang mga mata sa magandang tanawin nang maramdaman ni Kara na may mga matang nakatitig sa kanya. Kaya't napalingon siya, at naroon nga ang guwapong kapitbahay niyang nakatitig sa kanya. His eyes was filled emotion na tila ba isa siyang napakagandang tanawin sa harap nito. At ang lintik niyang puso niya hindi niya mapigilang kiligin. Ang sarap nang ngiti nito. At mas maganda pala ang view sa side na 'yon. Nakashorts at sando lang ito. Kaya kita ang suwabing biceps and muscles nito. Parang sarap pisilin. "Ito ata ang love at first sight, masyado ka kasing pretty Kara baby." wala sa sariling usal niya. Habang nakatitig sa lalaking ilang hakbang lang ang pagitan sa kanya. She wave her hands at him na tila ikinagitla nito. "May sinasabi ka ba?" Tanong nito na ngumiti pa nang ubod tamis, laglag ang panga pati panty niya dahil doon. "Sabi ko mukha kang masarap---este ang bastos nang bunganga ko." Tarantang sagot niya dito. Pero nginitian lang siya nang kapit bahay niya. Saka ito naglakad palapit sa kaya. At sa bawat hakbang ay nagmistulang tambol ang puso niya dala nang antisipasyon nang paglapit nito. Marahas siyang napa-iling, ang lakas kaagad nang tama niya sa lalaking 'to eh hindi nga niya alam ang pangalan. "Nakatulog ka nang maayos Be---" kusa itong natigilan sabay iwas nang tingin na ikinangisi niya. "Alam ko Mr. Kapitbahay, alam kong masyado akong maganda pero huwag mo masyadong ipahalatang na love at first sight ka sa akin no. Huwag mo rin muna akong tawaging babe, di pa naman tayo." Tudyo niya dito. Mukha naman itong mabait kaya alam niyang puwede niya itong biruin. "Siguro nga." Seryosong sagot nito na ikinalaki nang mata niya. Gosh type nga rin siya nito. Kinikiliting saad nang utak niya. "Masyado ka palang straight forward." "Pasensya na masaya lang talaga akong makita ka. In fact I never been this happy the past years." Pansin niyang tila kislap sa gilid nang mga mata nito. Kumuyom ang kamao nito na tila may emosyong pilit pinaglalabanan sa loob nito. Habang nakatitig siya sa mga mata nito. Ang sarap ata magpaalipin sa tulad nito. Muli itong ngumiti nang ubod tamis. Na ikinahinto na ang tuloyan nang takbo nang utak niya. Kaunti pang pagpapacute nito pati puso niya tatakasan na rin siya. Ang lakas kasi nang pintig noon. "Gusto mong sabay rin tayong magdinner?" Alok nitong hindi inaalis ang titig sa mukha niya. "Sige," natitilihang sagot niya sabay tango. She was so excited and she too had never felt so happy before she meet Mr. Stranger. "Bahala na kung saan makarating 'to." Naisip niya upang tuluyang iwaksi ang alalahanin sa utak niya. Bigla tuloy niyang nahiling na sana ito na lang ang lalaking dapat niyang pakasalan. Muli silang bumalik sa restobar. Masarap kasi ang pagkain doon. At may live band pa at ang ganda ng boses ng singer. Pagkatapos kumain at umorder sila nang alak. Kara didn't care, kung malasing man siya kasama nang estrangherong lalaki. Dahil sigurado na siya dito niya iaalay ang badera nang silangan niya. Ang isiping 'yon nagpainit nang husto nang mukha niya. "Lasing ka na, namumula na ang mukha mo." May bahid pag-aalala ang tinig nito. Oh diba caring rin siya. Kaya siya ang perfect para sa future. "Five bottles ang capacity ko so I'm still fine." Ikinumpas pa niya ang kamay niya sa ere. Pero ang totoo medyo na hihilo na siya. "Tama na 'to, ayaw kong malasing nang husto," saad nito na gusto sana niyang kontrahin, pero nag-aya na itong umalis sila kaya napatango na lang siya. Baka isipin pa nito lasingera ang beauty niya. Naglakad lakad sila patungo sa dalampasigan. "Hoy Mr. Umayos ka nga naglakad." Sita niya dito pano nagsisigsag na ata ang hakbang nito, pero lumingon lang ito at ngumiti. Matamis na ngiting napagtalon nang puso niya. "Grabe tatlong bote lang ng beer na lasing ka na, mag-ingat ka baka marape kita." "Ang daladal mo," anito saka naupo sa buhangin. Nakigaya rin siya dito. Hindi naman sila ganun ka close kaya may isang ruler rin ang pagitan nila tant'ya lang naman niya 'yon. "Nahilo lang ako, pero hindi ako lasing okay, hindi kasi ako kasing lakas mong uminum.." "Ah, good boy ka pala." "Tsk! Good boy! Bata ba ang tingin mo sa akin hmm. Kaya ko na ngang gumawa nang bata." Natawa siya sa kadaldalan nito. Mukhang madaldal itong malasing. "Masaya lang ako." Maya maya sabi nito. "At least hindi ako mag-isa ngayon." Magsasalita sana siya nang may umagaw sa attention niya. "Oh may shooting star!" Excited na saad ni Kara sabay turo ng bagay na mabilis ring naglaho. She was about to clasp her hand nang tumawa ang lalaking katabi niya. "Huwag mo namang sabihing magwiwish ka pa, tsk! Hindi totoo tumutupad nang wish ang mga shooting star, mga bato lang sila sa kalawakan na naligaw sa earth." Ngising asong saad nito. "Kainis 'to. Panira! Basta magwiwish pa rin ako." Giit niya saka aktong pipikit. "Sa akin ka na lang humiling. I'll be your genie. I'll grant you one wish." "Isa lang? Kay bakit kay Aladin tatlo ang ibinigay na wish." "Hindi ka naman si Aladin eh. At wala akong lapara." Seryosong saad nito kaya di niya mawari kung tatawa o maasar sa paninira nito nang pangarap niya, hihilining pa naman sana niyang maging future niya ito. "Sabagay! Sige---hmmm." Saglit siyang nag-isip at napatitig dito. Nakatitig ito sa kalangitan habang nakangiti. At habang nakatitig siya sa mukha nito, ang puso niya ay patuloy sa malakas ang pagtibok. Tila mabagal ang lahat, gusto lang niyang manatiling ganun. "Nainlove ba ako sa lalaking hindi ko alam nang pangalan." Mahinang usal niya. "Hmm, may sinabi ka Miss?" Baling nito na ikinagitla pa niya sabay lunok nang sariling laway. "It's Kara. Puwede bang dalawang wish na lang?" wala sa sariling tanong niya dito. Saglit na nagtama ang kanilang mga mata. "Okay, dalawa lang!" "Kahit ano?" "Kahit ano." Napalunok na lang siya dahil doon. Bakit ba kinakabahan siya sa kalukuhang 'to? "Marry me Mr. Stranger!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD