MALAKAS na tumawa si Kara. Saka lihim na kinurot ang sarili. Baliw ba siya para magpropose nang kasal sa lalaking di nga niya kilala. Malay ba niya kung may-asawa o girlfriend na ito.
"Gusto mo ba?" Seryosong tanong nito na muntik ng ikalaglag nang panga niya at ikinahinto nang pagtawa.
"Puwede ba?" Lihim na usal niya. "Joke lang, para namang maniniwala akong bibigyan mo ako ng wish." Nasabi niya sabay kumpas ng kamay niya upang mawala ang atensyon niya sa napakaseryosong mukha nang lalaking kaharap.
"Paano kong kaya kong ibigay ang unang wish mo. Isa pa hindi mo na maaring baguhin ang kahilingan mo." Bigla siyang kinabahan sa mga sinabi nito. He look so dead serious and looks eager to grant her stupid wish. Napakurap pa siya sabay lunok.
"Seryoso ba talaga 'to?" Lihim na tanong nang utak niya. Eh kung puwede palang magwish na lang para makahanap nang lalaking kasing guwapo nito at maging asawa dapat matagal na niyang ginawa. Hindi na sana niya kailangang mag-antay.
"Hiniling mo pero parang ayaw mo naman?" Kunoot noong baling nito sa kanya, natahimik kasi siya bigla.
"Mukhang lasing ka na nga Mr. Stranger." Nag-iwas pa siya ng tingin dala nang matinding kabang nanalakay sa pagkatao niya. Kabang nagdudulot nang kasiyahan at pag-asam. Gusto niya ang suhesyon nitong 'yon. His granting her wish. Pero parang mali naman atang bigla na lang itong papayag sa kalukuhan niya.
"Hindi ako lasing, naka-inum lang. " Seryoso pa ring saad nito. "Pero bakit 'yon ang wish mo? Kapag nagpakasal tayo. Handa ka bang ibigay ang sarili mo sa isang tulad ko. Ang katawan mo kapalit nang kahilingan mo." anitong matamang nakatitig sa mga mata niya.
Akala ba nito hindi niya alam ang tungkol sa bagay na 'yon. Dahil sa lahat naman nang kahilingan may kapalit 'yon. Either good or bad wish, there is always something in return. "I need you to warm my bed."
Nanlaki pa ang mata ni Kara kasabay ng pag-init ng mukha niya sa paraang nang titig nito. Nakakatunaw, at nakakapanlambot ng tuhod niya. "A--alam ko sympre, kung magpapakasal naman ako okay lang naman 'yon." Lakas loob niyang sagot sabay yuko. Nahiya rin naman kasi siya. Hindi naman siya tulad ni Emi na liberated masyado. Kahit walang commitment basta may init nang katawan puwede.
"Kung ganun magpakasal tayo bukas."
Nalaglag ata nang tuluyan panga niya pati ang katinuan niya dala nang pagkabigla. Pero sino ba siya para magdalawang isip pa atleast type niya ito. Kaysa naman sa lalaking walang backbone na papayag sa isang arrage marriage. Sa panahon ngayon dapat may sariling disisyon ang isang lalaki.
This means this man is a total badass. At cool 'yon sa paningin ni Kara.
"Pero sabihin mo bakit gusto mong magpakasal?" Napasimangot siya sa tanong nito.
"Kasi ayaw kong matali sa lalaking gusto ni Dad para sa akin. Kaya nga ako napadpad dito. Para di matuloy ang kasal eh." Pag-amin niya. She just meet him yesterday pero heto siya nagkukuwento nang problema niya sa isang estranghero. "Ayaw kong magpakasal sa lalaking di ko mahal. Pero kalimutan mo nang sinabi ko, nababaliw na ata ako." Napapayuko niyang sabi.
"Seryoso ako sa sinabi ko." May kombiksyong giit nito. "Pareho tayo, ayaw ko ring mapakasal sa taong hindi ko mahal," dagdag pa nito. Nilipad ata ng huling sinabi nito ang hiyang naramdaman niya, few seconds ago.
She smiled mischievously. "So ako, mahal mo na? Kaya papayag ka sa kalukuhan ko. Ang weird mo talaga." Natatawang usal niya sabay iling.
"Kasal lang naman ang hiling mo diba? Pero kung kailangan mong mahalin kita, puwede kitang mahalin sa paraang alam ko." Mahina subalit may diin ang bawat salita nito. Nakakalito at nakakatempt isipin. At parang gusto na niyang sumagot nang I do. Ang seryoso kasi nito kahit gusto niyang tumawa. Kaya napalunok na ulit siya. Wala pa isang oras silang naka-upo sa buhanginan pero ilang ulit na siyang napapalunok. Kulang na lang pati dila niya malunok niya.
"Grabe totoo ka ba? Kinikilig ako sa hirit mo." Nais sana niyang idagdag pa, pero sinarili na lang ni Kara. Sanay naman siyang may mga lalaking nagpapansin sa kanya, pero iba ang dating ng Mr. Stranger na 'to. Dahil magkasabay ang kaba at excitement na umaataki sa boung pagkatao niya.
"Akin nang ID mo," anito sabay lahad nang palad. Napakurap naman siyang nagtataka.
"Bakit?"
"Just give it to me." Giit nito kaya kinuha niya ang wallet niya. Saka inabot ang student driver license. Walang salitang kinuha nito 'yon saka iniscan sa phone nito bago ibinalik sa kanya. Napatanga na lang siya sa ginagawa nito. Then sent her photo on email to someone.
"Para saan 'yon?" Pero hindi ito sumagot ngumiti lang ito saka ito humiga sa buhanginan.
"Salamat at bumalik ka." Dinig niyang usal nito kaya na palingon siya sa nakahigang lalaki. Nakapikit na ito at panatag ang paghinga. "Lasing ka lang kaya kung anu-anong pinagsasabi mo. Pero infairness....," Wala sa sariling usal niya saka tahimik na pinagmasdan ang lalaki. "Kahit tulog guwapo ka pa rin."
Kinabukasan.
Nagising si Kara sa mahinang katok mula sa labas nang pinto. Napatingin siya sa oras sa phone niya, alas nuwebe na pala. Aktong babangon siya ng napangiwi siya dala nang sakit nang braso niya. Paano kasi nahirapan siyang alalayan ang kapitbahay niyang madala sa cottage nito.
Akalain ba naman niyang tulog mantika ito. Hindi niya magawang gisingin, buti na lang nakita siya ni Rambo kaya pinagtulungan nilang madala ito sa cottage. Kaya hayon ang sakit nang katawan niya. Ang laking tao pa naman.
Hindi na sana niya papansinin ang katok, pero persistent masyado ang panauhin niya.
"Sandali lang!" Inaantok na sagot na lang niya. Hindi na niya inabalang ayusin ng magulong buhok niya saka nagtungo sa pinto, handa na siyang singhalan ang abala sa pagtulog niya. "Sino ba---" nabitin sa ere ang sasabihin ni Kara nang buksan niya ang pinto. Muntik nang lumuwa ang mata niya dahil sa napakaguwapong lalaking nasa harap. Saglit na tinakasan siya ng utak niya at nafreeze pa ata ang vocal muscles niya.
Mr. Stranger wears an off-white suit and a light blue shirt. He looks like he's going to model a wedding suit. Ang guwapo nito. Pinagcross nito ang braso, saka pinasdahan nang tingin ang sout niya. She's wearing her sleeping terno bunny pajamas. Amuse na ngumiti lang ito.
Ang lintek ang gwapo talaga nang ngiti nito nakalaglag nang panty.
"Good morning," nakatangang usal niya dito.
"You got thirty minutes to get change." Bakas ang amusement sa mukha nitong tumitig pa sa mga mata niya.
"Saan tayo... "
"I'm granting your wish nakalimutan mo ba? Magpapakasal tayo ngayon. At isara mo 'yang bibig mo baka kung anong pumasok d'yan." Anito sabay hawak sa baba niya then gently push them to close. Lalo tuloy na disorient ang utak niya nang kumalat sa balat niya ang tila kuryenteng nagmula dito. "Kilos na. Naghihitay ang lawyer." Untag pa nito, noon lang siya natauhan.
Seryoso talaga itong patulan ang kalukuhan niya.
"Magpapakasal talaga tayo? I mean pakakasalan mo talaga ako?"
"Yeah, kaya kilos na," udyok pa nito. "Antayin kita dito. Unless you change your mind?"
"No!" Tarantang sagot niya.
"Then get change," anito sabay talikod.
Kara found herself smiling nang maisara na niya ang pinto. Pakakasalan talaga siya nang kanyang kapitbahay.
Mabilisan siyang naligo at nagbihis. Buti na lang may dala siyang dress, powder blue 'yon kaya match sa sout na long sleeve polo shirt ng gwapong groom niya. She put light make up. Hinayaan lang niyang nakalugay ang natural na wavy niyang buhok. Iyon nga lang nakawhite rubber shoes siya.
Sumilay ang matamis na ngiti sa labi nang nag-aantay na groom niya nang lumabas siya nang pinto. May emosyong dumaan sa mata nitong hindi niya maipaliwanag. Halatang masaya talaga ito. Ang weird talaga!.
Naglakad sila patungo sa parking lot nang resort. Isang naka-all black na lalaki ang nakatayo sa tabi nang isang pulang convertible Rolls Royces.
Nagbigay galang ang lalaki saka inabot nito ang susi sa groom niya. Then the man walk toward the black cadillac na katabi nang kotse niya.
"Who exactly are you, Mister?" Di pa rin makapaniwalang tanong niya nang ipagbukas pa siya nito nang pinto nang kotse. He had a luxury car at ang suit nito halatang mamahalin.
"You're soon to be husband." Pabulong na sagot nito kaya napa-upo na lang siya bago pa tumiklop ang tuhod niya. Luxury cars ang kotse nito na kahit ang ama niya ay ayaw bumili dahil ayon dito luho lang raw ang mamahaling sasakyan. "Alam mo bang pangarap kong magkaroon nang ganitong kotse, pero ayaw ni dad kasi sayang raw nang pera." Amaze na turan niya nang makasakay na rin ito.
"I'll give you one if you want."
"No thanks, bawal akong magdrive. Sa kaibigan ko nga lang 'yong kotsing dala ko." Nakasimangot na saad niya. Matapos niyang maibanga ang kotse niya no'n. Halos isang buwan nakacast ang paa niya at hindi na siya binilhan nang kotse nang ama niya kahit anong pagmamakaaawa niya.
"Bakit naman?" Tanong nitong habang abala ang kamay nito sa manibela. Siya naman ay ini-enjoy ang hangin na malayang isinasayaw ang buhok niya.
"Just---hmm, I'm not a good driver." Sagot na lang niya dito.
"Eh di tuturuan kitang maging mahusay na driver. Magaling akong magturo." Alok pa nito sabay kindat. Kaya kinilig na naman siya.
Thirty minutes later ay nakarating sila sa isang tatlong palapag na gusali. Naitaas na nito ang hood ng kotse, saka sila magkasabay na bumaba ng sasakyan. Pagpasok pa lang nila ay binati na sila nang security guard na naroon na siyang nagbukas nang pinto.
Sa isang law firm sila pumasok. The Real Law Firm ang nakalagay sa malaking glass wall. May isang babaing sumalubong sa kanila saka sila iginaya papasok nang isang malaking pinto.
"May kausap lang si Atty Real, Sir mag-antay muna kayo dito." Anang nang babaing saglit lang siyang sunulyapan.
"It's fine napaaga naman kami." Formal na sagot nito sa babaing halatang kinikilig kaya napa-ismid siya. May idea ba ang babaing ito kung bakit sila naroon. Naglalandi pa siya. Aware naman siya sa lawyer marriage kasi may kakilala siyang nagpakasal sa abogado.
Muli siyang binalingan nang babae.
"Sir baka kailnangan n'yo nang singsing, may jewerly shop sa second floor." Biglang suhesyon nang babae. Kaya napangisi na lang siya, magpopromote lang pala akala niya nagpapacute.
"Hindi na kailangan." Tipid na sagot ng groom niya na ikinasimangot niya. Mas masaya sana kung may singsing pero wala na siyang sinabi.
Maya maya pa ay lumabas isang mukhang masungit na babae at lalaking naka barong na dalang mga itim na black case.
"Wala kang kuwenta! Ang laki nang settlement money nang mga hampaslupang 'yon." Gigil na usal ng babae, may araw rin sa akin ang abogadong 'yon." Lintaya pa rin nito bago tuluyang nakalabas. Ilang sandali lang ay lumabas na rin ang apat na mga lalaki sa nakasarang opisina na may maluwag na ngiti sa mukha.
"Maraming salamat Atty. Paano na lang kung wala kayo." Naiiyak na sabi nang isang mas matanda. Mukhang mga magsasaka ang mga ito. Tumango lang ang guwapong abogado bago bumaling sa katabi niya. Then he smile, labas ang dalawang dimples.
"Ang cute naman ni Atty," di mapigilang usal niya. Kaya napatitig sa kanya ang abogado na halatang nagulat, tingin niya kaedad lang ito ni Mr. Stranger. Teka ikakasal na lang sila hindi pa niya alam ang pangalan nito.
"Tara sa loob," aya ni Atty. "Seryoso ka palang mag-aasawa ka na." Simula nito nang makapasok na sila sa opisina nito. Maayos ang silid at may apat na malaking steel drawer. May mga nakasalansang ring mga napakaming mga papels. "So ikaw si Kara?" Baling nito sa kanya, "sigurado ka bang twenty ka na?" naninigurong usisa nito. Baby face kasi talaga siya.
"May ID Ako---"
"I know," anito saka binuksan ang folder na inilapas nito.
"Let's cut the chase already." May pagmamadaling saad ni Mr. Stranger.
"Are you really sure about this, bro?" Seryosong tanong nito sa groom niya. Binalingan siya ni Atty Dickson Real, iyon ang name na nakasulat sa plate sa ibabaw nang mesa nito.
"Oo," isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ng future asawa niya. His eyes was sparkling with joy. Kaya kinilig naman siya nang husto. Pero si Atty parang hindi man lang kombinsidong nakatitig dito. Saglit na nagkatitigan ang dalawa. Bago sumusukong tumango na lang si Atty.
"At least you have a ring for her? Anang ni Atty.
"Of course." Takang napatitig siya isang maliit na kahitang inilabas nito mula sa bulsa nito. Excited naman siyang napatitig doon. Hindi siya makapaniwalang nakapagprepare rin ito nang singsing. At nang buksan 'yon nang soon to be asawa niya. Isang gold band ring na may nakapalibot nan maliliit na jade at sa pinakatoktok ay isang maliit na diyamante.
"Zachary, You're not being serious are you?" Ikinagulat niyang napatayo si Atty nang makita ang singsing.