Chapter 22

1301 Words
Natigil sa ere ang kamay niya na may hawak na kahoy para sana paluin ito pero bigla itong humarap, pareho pa silang nagkagulatan na dalawa ng makita ang isa’t isa. Nakataas din ang kamay nito at hawak-hawak ang pinantakip niya kanina sa ulam at sa kanan nitong kamay ay may hawak itong kutsara. “A-anong ginagawa mo dito?” gulat at nauutal niyang tanong. “Ikaw? Anong ginagawa mo dito sa condo ko?” balik lang nitong tanong sa kanya saka binaba ang hawak sa lamesa. “Condo ito ni kuya Dom,” naguguluhan niyang sagot. “Condo ko ito, saka…” anito na hindi tinuloy ang pagsasalita at lumapit sa kanya, siya naman ay napaatras sa paglapit nito hanggang mapasandal siya sa pinto ng banyo. Kumuha ito ng ilang hibla ng buhok niya saka ito inamoy, sobrang lapit ng mukha nito sa kanya dahil sa pag-amoy na ginawa nito sa kan’yang buhok. Para namang tinatambol ang dibdib niya sa lakas ng t***k ng puso niya, naka-ngisi ito pag-angat ng mukha nito, at pinadulas pa nito ang daliri mula balikat hanggang braso niya. “Pinakialaman mo na nga ang kusina ko pati ba naman shampoo at sabon ko ginamit mo!” anito habang nakangisi at pinapasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Kinilabutan naman siya sa ginawa nito at hindi alam kung ano ang sasabihin. “Parang nakita ko na ang eksenang ito,” anito saka ngumising tumingin sa kanya at sa buhol ng tuwalyang nasa dibdib niya. Pakiramdam niya ay umakyat ang lahat ng dugo niya sa mukha, nag-init ang pisngi niya ng maalala ang araw na nakita niya ang bulate nito.. este anakconda pala. Sa naisip ay bigla niyang hinawakan ang tuwalya para hindi ito malaglag dahil wala siyang kahit na anong suot, maliban sa tuwalya na gamit niya. Humakbang siya sa gilid nito para umiwas dito pero hinarang nito ang kamay at napatigil siya, sinamaan niya ito ng tingin pero tinawanan lang siya nito. “P’wede ba umalis ka na dyan nakaharang ka, dadaan akodahil magbibihis na ako” aniya dahil naaasiwa na siya sa pagtitig niyo. “Sandali aalis ka na agad, titingnan ko muna kung may bulate ka dyan” sabay nguso nito sa tuwalyang hawak niya. Akamang hahawakan na nito ang tuwalya niya, kaya hinampas niya ito sa binti ng hawak niyang kahoy, narinig pa niya ang tunog ng kahoy na tumama sa buto nito sa binti. Napaluhod naman ito at napadaing sa sakit nang pagpalo niya, napalakas ata ang ginawa niya, kasalanan naman nito iyon, kaya agad siyang nagtatakbo sa loob ng kwarto at ni-lock niya iyon, narinig pa niya itong tinawag ang pangalan niya at halata sa boses nito na nasaktan talaga. “Issaaayy” sigaw pa nito sa pangalan niya, pero hindi niya ito pinansin bahala ka d’yan. Kaagad na siyang nagbihis at tinawagan ang kanyang kuya. Ring... ring... ring... “Hello! Bunso ano nandyan ka na ba, sorry hindi ko nasagot tawag mo kanina” anito sa kabilang linya. “Kuya nasaan ka ba? Hindi ba condo mo ito? Bakit wala ka pa dito?” sunod-sunod niyang tanong sa lapatid n’ya. “Huh? Sino may sabing condo ko ‘yan, hindi yan ang sa akin sa kaibigan koya, remeber si Sebastian yung sinama ko sa atin, sa kanya yan at sya ang amo mo pansamantala hahahaha,” tawa pa nito sa kabila. “Ano, bakit hindi mo sa akin sinabi na s’ya ang magiging boss ko,” inis niya sa kapatid. “Sinabi ko yon na magiging secretary ng kaibigan ko dahil nakaleave ang secretary n’ya,” anito na pakiramdam niya ay nakangisi ito sa kabilang phone. Wala tuloy siyang magawa dahil nakipag-deal ulit siya sa mga ito na ikakatalo nanaman niya. Pagkababa niya ng cellphone ay naupo sya sakama, gusto na niyang lumabas kasi nagugutom na siya dahil ang huling kain niya ay umaga pa. Pero ayaw niyang lumabas dahil makikita niya ang lokong lalaki na iyon, kaya lang ay tunog na nang tunog ang tiyan niya. Maya-maya ay kumatok ito sa kwarto. “Lumabas ka na d’yan, sayang naman itong niluto mo kung hindi ka lalabas walang kakain nito ang dami mo pa naman niluto, lumabas ka na d’yan,” anito saka muli siyang kinatok. Ayaw man ni Isay na lumabas pero gutom na talaga sya, kaya dahan dahan niyang binuksan ang pinto at sinilip kung nasaan ang lalaki pero bigla nitong tinulak ang pinto at binukas ng maluwang ang pinto. “Magtatago ka ba, hindi ka makaka pagtago dito dahil maliit lang ito condo,” anito na may pagka-sarkastik ang tono. “Bakit ako mag tatago,” aniya dito ng makita ito na nakabihis na, black short at white ang suot nito. Napatingin siya sa binti nito, may malaking kulay dark green, nagka-pasa pala yung pinalo niya, ang bilis naman mag kapasa nito. “Hmmp... tinitingnan mo ‘yung gawa mo?” anito at inunat ang paa at nilapit sa kanya. “Mapanakit ka talaga no?” sarkastikong tanong nito. “Bakit? kasalanan mo, hindi ko gagawin n’yo kung hindi ka sira-ulo,“ pagtataray niya. “Sa tingin mo talaga gagawin ko ‘yon, ikaw lang ang may kakayahang gumawa noon.” ngisi nito sabay kindat sa kanya. “Bahala ka sa buhay mo,” aniya saka dumeresto na sa lamesa para kumain. “Pambihira talaga, ako ang may-ari pero hindi ka man lang maalalang yayain, sige feel at home na lang,” sabi pa nito saka kumuha na din ng plato nito. Umupo ito sa harap n’ya, saka kumuha ng kanin na halos punuin nito ang plato nito habang kumukuha ito ng ulam ay napapatingin siya dito, hindi halata sa katawan nito na malakas pala itong kumain. Napahinto naman ito sa ginagawa dahil napansin nitong nakatingin siya sa pagkuha nito ng pagkain. “Bakit? Bawal na ako kumuha, ikaw lang ang nagluto pero sa ref ko ikaw kumuha,” anito na nakataas ang kilay. “Wala akong sinabi, baliw...” gigil niyang sagot dito. “Bakit ka na ka titig o baka naman—” anito at sinandyan hindi ituloy ang sasabihin at saka ito ngumisi. “O baka naman ano? ‘Wag ka ngang ngumisi para kang aso,” sabay irap dito. “Bakit ba ang sungit mo sa akin, ano bang ginawa ko sayo, base sa pagkakatanda ko ikaw ang maraming atraso sa akin, una no’ng muntik mo ng basgin yung bungo ko, pangalawa no’ng tinapon mo sa binta ang mga damit ko tapos hindi ka pa nakuntento hin—” Hindi na nito na tuloy ang sasabihi ng ibuhos niya sa kanin nito ang sarsar ng steak. “P’wede ba kumain ka na lang daldal ka ng daldal d’yan,” aniya saka binilisan na ang pagkain niya. Naiiling naman ito sa ginawa niya pero kinain pa rin nito ang pagkain kahit lumalangoy na ang kanin nito dahil naparami ang lagay niya ng sarsar. Habang hinuhugasan niya ang pinagkainan nila ay bigla itong nagtanong, nakaupo ito sa sofa at nakatuon pa rin ang mata sa nakabukas na TV. “So secretary ka na rin pala, bukod sa pagiging katulong, secretary ano pa ang kaya mong gawin?” anito na hindi pa rin tumitingin sa kanya. “Kaya kong bumali ng leeg ng tao,” sarkastikong sagot niya. Napalingon naman ito sa kanya, “Talaga ba?” sabay taas ng kilay “Sabagay nalampasan mo nga ang ankconda e,” asar nito sa kanya saka ngumisi. Naiinis na siya dito sa lalaking ito, lagi nalang siyang iniinis nito, unang kita pa lang nila, kaya inambaan niya ito ng plato tangkang ibabato ito sa lalaki. “Oops.... oppss wag mong ibabato yan, ikakaltas ko yan sa sahod mo, usapan naman namin ng kuya mo,” anito. Tinalikuran na lang niya ito saka tinapos na ang ginagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD