Nagulat pa si Seb nag mabungaran ang kaibigan na nakaupo sa kanyang opisina, wala kasi ang kanyang secretary dahil naka maternity leave ito at wala pa siyang nahahanap na kapalit kaya asikaso niya lahat.
“Bro, hanggang ngayon wala ka pa rin makita na papalit kay Jonna?” anito na parang ito pa ang namomroblema dahil wala pa siyang makuhang ipapalit dito.
“Wala pa nga bro e, baka may kakilala ka na mare-recommend, syempre kasing sipag ni Jonna,” tanong niya dito.
Tumahimik ito, maya-maya ay napangiti.
“Meron akong kilala, sabihan ko siya pag nakausap ko,” sabi nito.
“Kailangan ko yung stay-in, kasi marami akong kailangang habulin para kahit wala sa dito sa opisina ay maituro ko ang mga kailangan niyang gawin,” aniya dito.
“Okay, walang problema,” saka ngumisi sa kanya.
“Bro, wala ka namang binabalak no, hindi ko gusto ang ngiting aso mo na ‘yan,” pang-asar niya dito.
“Ay malala ka na, ako ngiting aso, edi kung ayaw mo di ‘wag hindi naman kita pipilitin e,” saka sumimangot.
“Grabe ka ah, para kang may buwanang dalaw,” sabi niya saka umupo sa tale n’ya.
“Bakit ka nga pala nandito?” tanong niya dito.
“Wala naman napadaan lang ako, may ka-meet kasi akong client d’yan sa malapit, kaya dumaan na din ako dito,” anito sabaya higa sa sofa.
“Pambihira, nagpunta ka lang ata dito para matulog ah, umuwi ka na at sa condo mo ka matulog ‘wag dito,” pagtataboy niya dito.
Bumangon din naman ito saka tumayo, “D’yan ka na nga, ang damot mo... hintain mo na lang ang secretary mo, papadiretsyohin ko na lang doon sa condo mo... hahaha,” saka lumabas ng opisina niya.
“Siguraduhin mo lang na masunurin at maasahan ‘yan,” aniya na sinigaw sa kaibigan.
Pero kumaway lang ito sa kanya patalikod, naiiling nalang siya na natatawa sa kaibigan.
*****
(ISAY POV’s)
Kumakain sila ng hapunan ng magsalita ang kanyang ama, tungkol sa deal nila, may tatlong buwan pa siya bago matapos ang kanilang deal.
Tumawag kasi dito ang kanyang kuya at naghahanap ng secretary at inalok iyon sa kanya dahil nanganak daw kasi ang papalitan niya at kung makabalik ang secretary nito agad sa loob ng dalawang buwan ay hindi na niya kailangan pang tapusin ang deal nila kahit may isang buwan pa ang natitira.
Kaya naman ay pumayag siya, sa isang araw na ang alis niya kaya nag-asikaso na siya ng mga gamit na dadalin niya.
Tinawagan na rin niya ang kaibigan niya at pinaalam nito na luluwas siya ng Manila at doon titira hanggang makabalik ang tunay na secretary nito.
Pagkarating niya sa terminal ay agad din siyang sumakay ng taxi, hindi na kasi siya masusundo ng kanyang kuya dahil may meeting daw ito, kaya tinext na lang nito ang address ng condo nito.
Iyon ang unang beses na pupunta sya Condo ng kuya nya, pero pumunta muna siya sa opisina nito para kunin ang susi na binilin nito sa front desk, pag kakuha ng susi ay nagtungo na siya sa address na binigay nito.
“Wow naman, ang ganda naman dito,” pagkarating pa lang niya sa lugar na tinuro ng kuya n’ya.
Sumakay na siya ng elevator at pumunta sa unit ng kuya niya, pagpasok niya ng unit nito ay bumulaga sa kanya ang maaliwas na lugar, natawa pa siya hindi niya alam na magkataste pala sila ng kuya n’ya.
Nilibot niya ang paningin niya nang mapasin na walang gaanong gamit dito, wala yung mga pinadala nila para sa kapatid kasama kasi siya nang binili ito ng kanya ina kaya alam niya ang mga gamit na meron ito sa condo.
Tinawagan niya ang kapatid para itanong kung bakit ganito ang condo nito pero hindi ito sumagot, kaya nag-message na lang siya dito...
Dalawa ang kuwarto dito kaya chineck n’ya ang mga ito pero naka-lock ang isa at ang isa naman ay bukas kaya doon siya pumasok, pinakialaman na niya ang mga gamit doon total sa kuya naman niya iyon hindi naman siguro ito magagalit sa kanya.
Nagsimula na s’yang maglinis ng kuwarto mukang matagal itong hindi na lilinis.
“Grabe ka kuya Dom, ang tamad mong maglinis ah, hindi ka man lang kumuha ng tao para maglinis dito,” aniya na kinakausap ang sarili.
Matapos malinis ay sinimulan na din niyang ayusin ang kanyang mga gamit, ang mga damit niya ay nilagay sa mga drawer pagbukas niya dito ay nakita niya ng mga damit pang babae.
“Damit ba ito ni ate Rox?” aniya na isa-isang tinitingnan ang mga damit.
Napapangiwi siya dahil puro sexy dress iyon, kaunti lang naman ang damit niya kaya wala siya gaanong inayos, pag katapos sa kwarto ay nagtungo siya sa mini kitchen nito at naghalungkat sa refrigerator nito kung ano ang pwedeng mailuto, hindi pa din kasi siya kumakain simula ng makarating sa lugar.
“In fairness, ayaw mo talagang magutom, huh!” aniya ng makitang puno ng pagkain ang Ref nito, kumuha na lang siya ng karne dahil magluluto na lang siya ng steak, dinamihan na lang niya dahil idadamay na niya ang kanyang kuya malapit na rin naman sigurong umuwi ‘yon.
Matapos niyang maluto ang Steak ay nagsalang na din siya ng kanin, pagkasalang niya ay maliligo na siya dahil hindi naman ito kailangan pang bantayan, pakiramdam kasi niya ay ang lagkit-lagkit niya.
Pagpasok niya sa banyo ay naalala niyang wala pala siyang dala na gamit panligo, shampoo at kahit sabon niya ay wala siyang nadala, dahil ang balak niya dito na lang bibili kaso nawala sa isip niya bago sana dumiretso sa condo, kaya kung ano na lang ang nandon ay iyon na lang ang ginamit niya.
Habang na niligo ay may narinig si Isay na tumunog, kaya na panhinto siya at inatay ang shower.
“Huh? Ang bilis namang maluto ng kanin?” takang tanong niya.
Kaya tinuloy niya ang paliligo, nangbuksan niyang muli ang shower ay narinig niya sumara ang pinto ng Condo, akala niya ay ang kuya niya ito.
“Kuya, ikaw bayan?” saka dahan-dahang muling sinara ang shower, kinuha niya ang tuwalya saka ang damit, pero ang tuwalya lang pala ang nadala niya at naiwan sa ibabaw ng kama ang damit.
Hindi ito sumagot kaya muli niya itong tinawag “Kuya?” saka nilapit ang tenga sa pinto ng banyo, hindi ito sumasagot pero may naririnig siyang kumikilos sa loob.
Kinuha niya ang pump na panlinis ng banyo saka dahan-dahang binuksan ang pinto nito, nakita niya ang isang lalaki na nakatalikod sa kanya, nakasuot ng black suit, hindi ito ang kuya niya, nakatingin ito sa niluluto niya.
Dahan-dahan niyang sinara ang pinto at hinigpitan ang pagkakabuhol niya sa tuwalya na nakabalot sa kanya, tinanggal niya ang rubber ng pump at itinira na lang ang kahol na hawakan nito, saka muling lumabas at lumapit sa lalaking nakatalikod.