Chapter 5

1230 Words
Dahil bisita pa rin ito ng kanyang kuya pinasyal na lang niya ito kahit inis na inis siya dito. “Paano kang natutong mangabayo?” biglang tanong nito. “Napanaginipan ko... kaya pag-gising ko marunong na ako,” walang kwenta niyang sagot. Napakamot na lang ang lalaki sa ulo dahil sa sagutan niya. “Wala talaga akong matinong sagot na makukuha sayo e. noh?” reklamo nito. “e wala naman kasi kwenta ang tanong mo, malamang nagpractice,” irap niya dito. Narinig na lang niya itong napabunting hininga. “Ang panget mong tour guide... ang panget mong ka bonding,” na papailing nitong sabi sa kanya. “Sino ba kasing nagsabi sayo na tour guide ako? Saka sino din ba ang nagsabi sayo ng makipag bonding sa’kin, ikaw kaya jan ang sunod ng sunod.” “Ganyan ka ba talaga makipag-usap sa binita ng amo mo?” anito na paulit-ulit na sinasabi. “Hindi sayo lang,” aniya na hindi napansin ang nakangiting lalaki habang napapiling. Magtatanghalian na kaya sinabihan na niya ang lalaki na babalik na siya at kung sasama na ito pabalik, buti nalang ang hindi na ito humirit pangmagikot pa sila. Pagbalik nila nang mansyon ay nakita niya ang kanyang kuya Dom na hindi mapakali paikot-ikot sa harap ng bahay hawak ang cellphone nito. “O ayan nalagot ka, hinahanap ka na nang amo mo!” anito sabay turo sa kuya nya. “Aba ikaw ang magpaliwanag, hindi naman ako mag tatagal dun kung hindi ka sunod ng sunod,” saka niya ito pinanlakihan ng mata. “At bakit naman kita ipagtatanggol e, wala ka naman ginawa kundi sungitan ako,” pinanlakihan din siya nito ng mata. “Binigyan kita ng mangga!” saka mas lalo pa niyang pinalaki ang mata dito. Napatitig lang ito sa kanya saka biglang bumunghalit nang tawa dahilan para mapalingon sa kanila ang kanyang kuya na kunot-noong lumapit sa kanilang dalawa. “Isay, kanina pa kita hinahanap, saan ka ba nanggaling?” tanong nang kuya niya na palipat lipat nang tingin sa kanila ng bisita nito. “Sa kwadra,” aniya habang nakayuko dahil siguradong lagot siya. “Sa kwadra diba bawal kang magpunta don?” “Sorry bro, nagpasama lang ako sa kanya kasi naiinip ako dito e,” pagtatakip ng lalaki sa kanya. “Kanina pa rin kita tinatawagan, hindi mo sinasagot ang tawag ko?” anito sa lalaki. “Naiwan ko kasi yung phone ko sa kwarto, anong balita?” anito. “Nakausap ko na yung client natin, kailangan din nating bumalik bukas kasi baka hindi natin s’ya maabutan dahil aalis daw siya papuntang America,” paliwanag nay kuya niya. Para naman siyang na lungkot na-aalis na agad ito, kanina inis na inis na siya, hindi niya maintindihan ang sarili bakit s’ya nakaramdam ng panghihinyang. “Ang bilis naman, sayang hindi pa ako na kakalibot ng maayos,” anito sabay tingin sa kanya. “Isay... pumunta ka na sa kusina at tulungan mo na si nay Mirna magluto ng pananghalian,” sabi ng kanyang kuya sabay kindat sa kanya na may pangaasar. “Sige iwan ko na kayo,” aniya at tumungo na sa kusina. Kinahapunan ay umalis na din ang kanyang kuya kasama ang bisita nito na hindi man lang nya nalaman ang pangalan. Hindi niya maintindihan bakit inis na inis siya sa lalaki pero ngayon naman na umalis nito para namang biglang tumahimik at naiisip niya ito, kinulam at siya nang lokong yon ah! Maya-maya ay may nagtext sa kanya, pagtingin nya sa screen ng phone niya ay ang kuya Dom niya. “Bunso, yung pasalubong ko pala sayo nasa kwarto, kunin mo na lang.” “Sige po Kuya, salamat,” replyan niya dito na may heart heart pa. Pagpasok niya sa kwarto ng kanyang kuya nakita n’ya ang isang box, kinuha niya iyon saka binuksan, pag tingin niya ay bumalandra sa kanya ang isang dress. “Yawa ka kuya,” nasambit na lang niya sa sarili. Maya-maya pa ay naka recieve ulit siya ng text mula ulit sa kuya niya, na pinapasukat yung dress at isend daw sa kanya ung picture. “No way!” todo tanggi niya. “Well, wala kang magagawa dahil sa birthday ko iyan ang isusuot mo... bwahahaha,” anito sa text nito. Malapit na nga pala ang birthday nito sa next month na iyon kasabay ng fiesta sa lugar nila. Madalas bongga talaga ang handaan pag birthday nito kasi doble ang selebrasyon, patay na naman sila lalo na at ganyang may pustahan sila, lugi naman siya. Kahit ayaw niya ay kinuha na rin niya ang dress na bigay ng kuya niya bahala na kung ang palusot ang agawin niya sa araw na iyon, lumabas siya ng kwarto na bitbit ang damit. Paglabas niya ay nakasalubong niya ang kanyang ina. “Oh, Isay saan ka pupunta at ano yang dala mo?” tanong nito dala ang popcorn dahil na nunood ito ng TV at sa tuwing na nunuod ito ay hindi pwede na wala itong nginangat-ngat. “Dress po bigay ni kuya Dom, pinag titrapna na naman ako,” simangot niyang sagot. “Alam mo nak, bagay naman sayo ang mag dress e, bakit ba ayaw mong mag suot ng ganyan,” singit naman ng kanyang ama na kasalukung naka-upong padekwatro sa sofa at naka unat ang kamay nitong nakatingin sa kanya. “Ayaw ko po kasi mahirap kumilos,” katwiran niya sa mga ito. “Hay nako, hindi ko talaga maintindihan ang taste mo anak,” naiiling na sabi ng kanyang ina saka ito tumabi sa Ama. “Pasok na po ako sa kwarto ko, maliligo lang ako,” iwas niya dahil baka humaba na naman ang usapan. Dumiretso na siya sa kanyang kwarto at naligo, pero sa bahay parin ni nay Mirna siya matutulog doon lang siya naliligo dahil nandon ang mga gamit niya. Nilock niya ang kwarto at basta na lamang naghubad, nilagay niya sa marumihan ang kanyang damit saka kumuha ng tuwalya at dumiretso na sa banyo, pagkatapos maligo ay lumabas siya ng banyo nang nakatapis lang ng tuwalya lumapit siya sa kanyang kama at tinitigan ang dress na bigay ng kanyang kuya Dom. “Hmmp, wala naman masama kung susubukan nya,” bago ito isukat ay chineck muna niya ang lock ng pinto kung naka-lock ito, baka kasi kung may makakita sa kanya e, pagtawan siya dahil hindi bagay ang damit sa kanya, nang masigurado na naka lock ay sinukat na niya ito. Pagka-suot ay nagpunta siya sa harap ng salamin at pinasadahan ang sarili, napa-ngiti siya ng makita bagay ito sa kanya. “Magugustuhan din kaya niya ang itsura ko pag nakita niya,” aniya sa sarili ng biglang lumitaw sa kanyang isipan ang imahe ng lalaking ‘yon. “Oh! Sh*t, ‘bat ba s’ya pumasok sa isip ko,” aniya sa sarili saka sinampal sampal ang sarili para mawala ng imahe sa kanyang isipan. Agad din niya hinubad ang dress at itinapon sa ibabaw ng kama, kumuha na lang siya ng short at light yellow shirt, kung dati ay ayaw niya ang mga ganong kulay dahil na ngingitim siya ngayon ay medyo nagugustuhan na rin niya ganong kulay pero pili pa rin at marami pa din kay dark color niyang damit. Kinuha niya ang dress at basta na lang hinagis sa marumihan, saka lumabas para doon matulog sa bahay nila Nanay Mirna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD