Naghahanda si Isay sa pagpunta sa Palengke dahil sasamahan niya ang nanay Mirna niya pagpunta doon, wala kasi magmamaneho dahil nasa koprahan ang mga tao kaya siya na lang ang sasama dito tutal ay wala naman siyang ginagawa.
Gamit nila ang four wheels mini truck nila, apat na tao lang ang kasya doon, dalawa sa unahan ang driver at katabi nito saka dalawa sa likuran, tama lang na gamit nila kapag naghahatid ng pagkain sa mga trabahador sa bukid.
Pagdating nila sa bayan ay halatang halata ang pagka-busy ng mga tao sa nalalapit na kapistahan, may mga banderitas na kasing kinakabit kahit ilang linggo pa bago ang pista, sobrang excited na ang mga tao.
Makikita din sa Plaza ang mga kabataan na nagpa-practice ng sayaw meron din kasing pakulo si mayor e, ang mga mananalo sa mga paligsan na binuo nito at ng team ay may kapalit na halaga, kaya naman todo paghahanda ang mga tao.
Minsan pa nga ay nagpunta si mayor sa kanila para ipaalam sa Ama kung pwedeng gamitin ang basketball court na pinagawa ng Ama para sa kanila, buti na lang talaga at wala siya ng araw ng magpunta ito kung hindi ay hindi na naman siya nito tatantanan.
Pinagawa ang court na iyon dahil sa tuwing may Family reunion sila ay basketball ang libangan ng mga kamaganak niya, halos kasi lahat ng pinsan niya ay puro lalaki tatlo lang ata silang babae at ang dalawa ay pareho ng may asawa, kaya atat na atat ang pamilya niya na mag-asawa na din siya.
“Nay mauna na po kayo, hahanap lang ako ng parking at susunod na din ako,” sabi niya sa matanda.
Ikot ng ikot si Isay para makahanap ng parking pero wala siyang makita, dahil sobrang dami ng tao ngayong araw kaya hirap siyang makahanap ng mapaparadahan.
Pagliko niya ay may isa siyang bakanteng parking ang nakita, pero parang ayaw niya tumuloy kasi nandon si mayor kasama ang team nito, sigurado na pagdoon siya nag-park ay makikita siya nito, kaya lang ay no choice na siya dahil wala na talaga siyang makita, kaya doon na siya pumarada.
Pagtingin niya saside mirror ay nakita niya itong papalapit.
“Tsk... talaga naman, wala talagang lusot sayo,” bulong sa sarili saka bumaba ng sasakyan.
“Isabel,” tawag nito, hindi niya ito pinansin kunwari ay hindi niya ito narinig.
Kinalabit siya nito, kunwari ay nagulat.
“Oh! Mayor Vicko Sotornino,” banggit niya sa buong pangalan nito.
“Ay, grabe, buong buo ah!” anito saka ngumiti sa kanya.
“Mag-isa ka lang sinong kasama mo?” bungad nitong tanong sa kanya.
Nginitian niya ito “Kasama ko si nanay Mirna,” tipid niyang sagot.
“Kamusta ka na?Ang dalang kitang makita ah, tinataguan mo ata ako e?” at nag pout lips pa ito, ay grabe hindi ko ma take.
“Hindi naman medyo busy lang,” sabi na lang niya.
“Noong nagpunta ako sa inyo noong isang araw hindi kita nakita,” sabi pa nito.
“Umalis kasi ako sinamahan ko si kuya Ryan,” aniya at talaga naman umalis siya.
“Gusto sana kitang i-invite sa mutya ng Talisay na gaganapin sa kapistahan natin, kung gusto mong sumali?” tanong nito.
“Naku mayor, alam mo naman na kahit kailan hindi ko maiisipang sumali sa mga ganyan,” todo tanggi niya.
“Sabi ko naman sayo na ‘wag mo na akong tawaging mayor e, Vic na lang, Isabel,”nguso nito, na ang sarap paputukin hehe.
“Pasensya na hindi ako interesado, saka kailangan ko na din umalis kasi baka hinihintay na ako ni nanay Mirna, Sige Vic mauna na ako sayo!” paalam niya, saka naman ito ngumiti ng tawagin niya itong Vic.
Gwapo naman talaga ito, matangkad, matalino at hindi naman maikakaila na magaling talaga ito sa pamumuno, marami din sa mga kababaihan sa lugar nila na ginagawa ang makakaya pansinin lang nito kaso siyang hindi nagpapapansin ang nakikita nito, anong magagawa niya ang haba ng hair n’ya, naka ilang paputol na nga siya e.. haha.
“Sige Isabel, magkita na lang tayo sa court,” biro nito na ikinalingon niya.
“Nang basketball,” anito na natatawa sa sariling biro, ngumiti na lang siya para naman hindi ito mapahiya.
“Sige Mayor Vic, mauna na ako,” paalam na niya dito.
Pagpasok sa loob ng palengke ay nakita niya ang nanay Mirna niya na may kausap, at ng makita siya ay kumaway ito saka naman siya sumalapit sa mga ito.
“Isay, kamusta ka na?” tanong ng isang ginang.
“Maayos naman po, kayo po ba?” magalang niya sagot dito.
“Kaganda talagang bata ire, ikaw ba ay hindi sasali sa mutya ng Talisay? Ay kung sasali ka ay siguradong mananalo ka doon,” anito.
“Naku hindi ho, wala po akong hilig sa mga ganyang bagay,” tanggi niya.
“Bakit ba kasi gay-an ang iyong bihis, para ka gang lalaki!” sabi ng isang ginang.
“Ikaw ga ay wala pang nobyo?”
“Wala pa po iyon sa isip ko,” saka pilit siyang ngumiti.
“Sa ganda mo iyan ay wala ka pa gang nobyo, ay sayang ga ang iyong lahi,” napapangiti na lang siya sa sinasabi ng mga marites niyang ka-barangay.
“Naku tama na iyan, kailangan na naming mamili dahil baka abutin kame ng gabi, mauna na kame sa inyo,” paalam ng nanay Mirna niya sa kausap.
Nang makalayo sa mga ito ay tinanong niya ang matanda.
“Nay bakit ba marami tayong ka-barangay na Marites?” birong tanong niya dito.
“Sinong Marites? si Aling Norma at Sonya iyon, wala naman akong kilalang Marites sa barangay natin,” anito na ikinatawa niya dahil hindi nito na sundan ang biro niya.
“Hay, Nay hayaan mo na nga lang, tayo na para matapos na tayo agad,” sabi na lang niya.
Pagod na pagod si Isay sa pamamalengke nila, matanda na rin kasi ang Nanay Mirna niya kaya halos ang pinamili nila ay siya ang nagbuhat mabibigat pa ang ilan kaya naman sobrang sakit ng katawan niya.
Kaya mamaya pag-uwi nila mag-lulublob siya sa bathtub para kahit papaano ay ma-relax naman ang kanyang katawan.
Pag-uwi ay inasikaso na nila ang mga pinamili saka nagtungo sa kanyang kwarto at naligo, pagkatapos maligo ay nagtungo siya sa kanyang tambayan sa rooftop.
Nandon lahat ng mga memories niya nung nagaaral pa siya saka pati mga trophies niya sa mga sinalihan niyang sport lalo na sa girls valley ball at basketball, madalas siya ang MVP non, sumali din siya sa chess at nanalo din naman siya, kaso pag dating sa academic ay nganga siya, wala talaga siyang kahilig hilig sa pag-aaral, buti na nga lang kahit hindi siya pala basa ay nakakapasa pa rin sya, swerte pa din.