Chapter 7

1325 Words
Habang nagtitingin-tingin ng mga memories na naipon niya ay bigla niyang naalala ang kanyang kaibigan, kinuha niya ang Cellphone saka dinail ang numero nito. Ring... ring... ring... Pero wala sumasagot, kaya dinail niya itong muli pero hindi pa rin nito sinasagot. “Siguro busy ang bakla,” aniya sa sarili. May bagong tayo kasi itong salon at sa Manila na ito nakatira, sobrang nasaktan kasi ito ng magasawa ang kuya Ryan niya hahaha, sobrang crush kasi nito ang kapatid niya. Pero madalas pa rin naman siya nitong dalawin siguro ay busy lang talaga, kasi business minded kasi itong kaibigan niya e, ngayon may tatlong bukas ng salon ito, kaya hanga talaga siya sa kaibigan, samantalang siya ayun talo sa pustahan kaya ang bagsak katulong. Babaylan ang kaibigan niya hindi lantad ang pagiging bakla nito, kaya nga hindi rin nito maamin nung una na bakla siya e, ang akala talaga niya ay tunay itong lalaki ng una niya itong makilala, diring-diri pa ito ng may mga babaeng nagpapacute sa kanya. “ahhaagh” pekeng duwal pa nito ng may babaeng nagbigay sa kanya ng chocolates ng valentines, kaya siya naman ay tuwang-tuwa dahil sakanya lahat ng bagsak noon, marami na nga ring ang nagseselos sa kanya dahil sobrang close niya dito. Natatawa siya sa alaala nilang iyon saka binaba ang hawak na picture frame na kasama ito, nang tumunog ang kanyang cellphone, pag tingin niya ay ang kanyang besti. “Hello! Bakla napatawag ka?” bungad nitong tanong. “Wala lang beks, namiss lang kita, kamusta ka na ba? Busing-busy ka ah,” may halong pagtatampo niyang sabi. “Ay gurl, nagtampo ka na n’yan, alam mo naman busy ang lola mo,” anito sa kabilang linya. “Alam ko naman yung beks, at suportado kita jan, gusto lang din naman kitang yayain sa birthday ni kuya Dom,” imbita niya dito. “Ay oo nga pala, kailan na nga ulit yon?” tanong nito. “Hay naku beks ikaw talaga ulyanin na, diba nga kasabay ‘yon ng fiesta dito sa atin, nakalimutan mo na?” “Aaay, oo nga pala nakalimutan na ng lola mo, dati nga pala laging bongga ang handaan nyo dahil double celebration,” tili nito sa kabilang linya. “Oo kaya pumunta ka.” “Naku beks, talagang pupunta ako sigurado din akong pupunta din mga pinsan mo, maraming fafa kaya gagawan natin yang ng time..hahaha,” halakhak nito. Kahit kailan talaga napaka landi nito, hindi niya alam bakit niya ito naging besti sobrang magkaiba sila ng ugali, bagay ito at ng pamilya niyang magsama dahil may pagka bastos din ang bunganga nito. “Hay naku talaga pagdating sa ganyan ang bilis mo noh, naka move on ka na ba kay kuya Ryan, huh?”paalalang biro niya dito. “Alam mo bwisit ka talaga beks, bakit ba kailangan mo pa yang ipaalala, naka move on na ako, ang mga babies ko na lang ay itong mga salon ko. ” “Hahaha hindi ka na mabiro, basta pupunta ka ha, magagalit ako sayo kapag hindi ka nagpunta,” banta niya dito. “Oo, ngayon pa lang sinisiguro ko na sayo, e ikaw naman kamusta pagiging katulong mo, baliw ka talagang babaita ka bakit kasi hindi mo nalang pag bigyan yang si mayor, gwapo saka mabait naman yung tao ayaw mo pang bigyan ng tsansa,” anito. Alam nito ang deal nila ng pamilya niya dahil dito siya naglabas ng sama ng loob niya sa pagkatalo siya sa pustahan “Eto katulong pa rin,” sabay butong hininga ng malalim. “Lalim ah hindi ko maarok” buntong hininga din nito, “Alam mo friend kung suko ka na suko na, nanjan lang si mayor,” dagdag nito. “No way. Over may dead body!” aniya sa kaibigan. “Ang OA ah, baka kapag natikman mo ang biyaya ng may kapal e hanap hanapin mo, kaya ‘wag kang magsalita ng tapos bruha ka,” natatawang sabi nito. “Alam mo beks, ang bastos talaga ng bunganga mo noh.” “Ay naku beks, sigurado akong kapag natikman mo titiiiirik ang mata mo.. hahahaha, baka manginig ka pa,” saka tawa ng malakas sa kabilang linya. “Beks, kadiri ka, wuueeeh.” pekeng s*ka pa niya. “Nah..ah hindi ganyan ang tamang reaksyon beks, dapat ganito... aaaaahhh.... aaahhh, sereep,” sabay bungahlit ulit ng tawa. “Bwisit ka talaga beks, sige na, kailangan ko ng gampanan ang katulong duty ko, siguraduhin mong pupunta ka ha, dahil kung hindi magkalimutan na talaga tayo!” banta niya sa kaibigan. “Oo beks, naka tatak na yan sa kalendaryo ko, ingats ka jan beks ha” “Oo ikaw dinjan, Lovs yeah muaah.” “I lab yeaaaah aaaahhh so much too... hahahaha” saka tumawa bago pinutol ang linya. Natatawa na lamang siya ng mawala ito sa kabilang linya, hindi niya ma-imagine na napag kamalan pa silang mag-jowa dati sa kilos nito ngayon, mas malindi pa kasi ito sa kanya e, hindi lang nito pinahahalata sa ibang tao pero ‘pag sila na lang dalawa napaka balahura ng bibig nito. Kung siya ay hindi pa ng kakaroon ng boyfriend ito naman ay hindi nawawalan ng boyfriend, hindi na nga ata ito nabakante e. “Oh, Isay nandyan ka lang pala,” ani ng kanyang Mama ng makasalubong siya nito sa hagdan. “Bakit Ma, may kailangan ka po ba?” tanong niya dito. “Hindi, wala naman kanina ka pa kasi hinahanap ng kuya Ryan mo, tinatawagan kanina e, hindi ka daw ma-contact,” sagot nito. “Ah, kausap ko po kasi kanina si Geraldine eh!” aniya Gerald talaga ang pangalan ng kaibigan niya pero gusto nito na geraldine ang itawag sa kanya. “O, kamusta na pala yang kaibigan mo, inimbita mo na ba sya sa birthday ng kuya mo?” tanong sa kanya ng ina. “Oo Ma, sinabihan ko na s’ya,” “Ano pupunta daw ba?” “Oo daw Ma, nakatatak na daw iyon sa kalendaryo n’ya,” ang kaibigan niya at ang Ina ay sobrang magkasundo lalo na sa mga usapan kaberdehan ay alive na alive ang mga ito, kaya sobrang magkasundo. “Ah, sige na at puntahan mo na ang kuya mo,” taboy nito sa kanya. “Sige po,” aniya saka umalis na at nagtuloy sa kwarto ng kuya Ryan nya. Tok...tok.. Katok niya sa kwarto ng kapatid. “Kuya Ryan, tawag mo daw ako!” silip niya sa pinto at nakita itong ngaayos ng gamit. “Oo, halika pasok ka,” tawag nito sa kanya. “Nasaan sila Ate Laura saka si baby Nate,” tanong niya. “Iniwan ko muna sila sa byanan ko at miss na miss na daw nila ang kanilang apo,” anito na patuloy pa rin sa ginagawa. “Kailan ang balik nila,” tanong ulit niya. “Baka sunduin ko sila next week na, kasi may kailangan din akong ayusin sa bukid kasi malapit na rin nga manganak ‘yung tatlo natin baka kaya kailangan ko din magbantay doon.” “Bakit mo pala ako hinahanap?” Tanong niya. “Ay oo nga pala, ito oh,” sabay abot sa kanya ng isang box. Pagbukas niya, “Make up kit?” kunot nuo niyang tanong. “Oo, bigay sayo ‘yan ng ate laura mo, ibigay ko daw sayo.” “Grabe na talaga kayo sa akin ah, si kuya Dom dress tapos kayo make- up,” naiiling siya sa mga bigay ng kuya niya. “Ewan ko sayo, ang dami mong arte, basta gamitin mo ‘yan magtatampo ang ate mo pag hindi mo yan ginamit,” banta pa nito sa kanya. “Hay naku, bahala na nga kayo, paki sabi kay ate salamat dito,” aniya saka winagay way ang make-up. Saka lumabas na siya ng kwarto nito, at pag pumasok sa kanyang kwarto saka nilagay iyon sa pinaka ilalim ng kanyang damitan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD