Chpater 8

1269 Words
Hindi na tumanggi si Seb nangyayain siya ng kaibigang si Dominic at business partner sa probinsya nito sa batangas, kaya ng magtanong siya dito kung may alam na lupang binebenta ay kaagad itong nagsabi na mayroon sa lugar nila malapit. Niyaya siya dito para makita ang lugar at bukod doon ay matagal na rin siya nitong kinukulit para ipakilala daw sa kapatid nito, willing daw ito na maging kuya ko siya, ni minasan ay hindi pa niya nakikita ang kapatid nito ang Mama at Papa palang nito ang na meet niya ng minsang bumisita ang mga ito sa Manila, pero ang dalawa nitong kapatid ay hindi pa niya nakikita dahil ang trabaho ng mga ito ay sa hacienda. Napakakulit ng kaibigan niya kaya pinagbigyan na niya ito, lagi na lang nitong bukang bibig ang kapatid nitong babae na mabait at masunurin daw ito kaya tuloy naku-curioussiya at nagka-interes na siyang makilala ito, minsan nga ay naiingit na lang siya satuwing kausap niya ng mga ito dahil hindi nawawala ang tawan nila pag kausap ang kapatid dahil siya ay hindi naman iyon naranasan dahil mag-isang anak lang siya. “Bro, ano tingnan natin yung lupa sa isang araw tumawag na din ako sa may-ari, kung p’wede tayong pumunta at ayos lang naman daw kung bibisitahin natin ang lugar,” pagbigay alam nito sa kanya. “sige, ayos lang sa akin, maganda nga kung makita ko muna bago ako mag decide” sang-ayon niya sa kaibigan. Agad din naman itong tumawag sa kanila para mag bilin. “Hello Isay, may ginagawa ka ba?” narinig niya tanong, katulong ata nila. “Baliw ka talaga, alam kong katulong ka, kaya may ipapagawa ako sayo,” sabay tawa nito ng malutong sa kabilang linya. Iniwan na niya ang kaibigan na naiiling na lang siya sa usapan ng mga ito, mabait ang kaibigan niya kaya kahit sa mga kasambahay nito at nakikipag biruan ito. Pasakay na sana siya sa kanyang sasakyan ng maalala na hindi pala siya pwede sa isang araw dahil death anniversary ng dapat soon to be wife niya. Halos tatlong taon na rin ang nakakalipas simula ng mangyari ang malagim na trahedya sa buhay niya, isang lingo na lang kasal na sana niya ng mabangga ang sasakyan nito ng lasing na truck driver, dead on the spot ito agad. Kaya nga hanggang ngayon ay ayaw muna niyang pumasok sa isang relasyon, kung hindi lang talaga sa kaibigan niya ay hindi niya ito pagbibigyan pero dahil parang kapatid na rin kasi ang turing niya dito kaya pumayag na siya. Kinuha niya ang kanyang cellphone para tawagan ang kaibigan. “Hello Bro, pwede bang ngayon na tayo magpunta hindi pala ako pwede sa isang araw, anniversary kasi ni Mara, uuwi muna ako sa Condo para kumuha ng ilang damit ko,” aniya sa kausap sa phone. “Sige Bro magkita na lang tayo dito sa opisina, isang sasakyan na lang ang gamitin natin,” ani Dominic sa kabilag linya. “Sige,” saka binaba ang telepono. Pagkarating sa condo ay kumuha lang siya ng ilang piraso ng damit at umalis na din, hindi naman sila doon magtatagal e, kaya ilan lang ang dinala niyang damit. “Bro saan ka na, dito na ako sa parking,” ani sa kaibigan. “ Bro dito ako sa harap ng building sasakyan ko na lang ang gamitin natin, iwan mo na lang jan ang sasakyan mo, antayin kita dito,” sabi nito sa kabilang linya. Pagkababa ng telepono ay agad siyang lumabas at tinungo kung saan naghihintay ang kaibigan, pag sakay niya sa sasakyan nito ay may ipapakita sana ito ng biglang banawi ng kukunin na niya. “Ay ‘wag napala, ikaw na lang pala kumilatis kapag nakita mo in person sabi nito,” sabi nitong naka ngisi, larawan pala ng kapatid nito ang inaabot sa kanya. Hindi niya iyon nakita kasi agad nitong tinago ang larawan. “Hindi ka talaga papa-awat ano,” natatawang sabi niya dito. “Alam mo, hindi naman na kita pipilitin kung hindi mo sya magustuhan e, ang sa akin lang subukan mo, para naman maka move on ka na, ako ang nahihirapan jan sa sitwasyon mo, Bro,” anito, at naiinitindihan naman niya na nagaalala lang ito sa kanya, kaya nga pagbibigyan niya ito kahit wala talaga siyang balak pang buksan ang puso niya sa iba. Gabi na nang marating nila ang probinsya ng kaibigan, pag kababa pa lang ay sinalubong na sila ng Mama nito at isang may edad na ginang. “Hi Ma!” bati nito sa ina. “Kamusta byahe nyo siguradong pagod na kayo!” tanong nito sa kanila. “Magandang gabi po Tita, kamusta po kayo, lalo po tayong gumaganda ah!” aniyo dito. “Koww! ikaw talagang bata napaka bolero mo,” naka ngiting sagot naman nito. “Nay Mirna, si Isay po, nalinis po kaya nya yung pinapalinis ko sabi ko kasi sa isang araw pa ang dating naming kaya lang napaaga kame, hindi kasi pwede itong kaibigan ko e,” tanong nito sa may edad na ginang. “E kanina nakita kong may dalang panlinis at umakyat sa third floor, kaso ang dami ko kasing ginagawa kaya hindi ko na napansin pa, siguro naman ay nalinis na niya ang kwarto,” anito. “Ang mabuti pa ay magsi-pasok na tayo nang makapag pahinga na iyang bisita mo,” sabi ni Tita Tessy. “Kunain na ba kayo, iho?” dagdag nitong tanong. “Sakto at may niluto ako, at ihahain ko lang muna,” ani ng ginang. “Sige po Nay Mirna, salamat,” ani Dominic. Agad din namang tumalima ang matanda, at sila naman ay pumasok na. “Bro baka gusto mo munang maglinis ng katawan, umakyat ka na lang sa may third floor sa unang pinto kaliwa ang guest room yung magiging kwarto mo, mag linis ka muna bago tayo kumain,” ani ng kaibigan. “Sige Bro, salamat, Tita akyat po muna ako,” paalam niya dito. “Sige iho, tawagin ka na lang namin pag nakahain na tayo,” anito. Pagpasok niya sa kuwarto na tinuro ng kanyang kaibigan ay nagulat siya dahil sa babaeng nakahiga dito, madilim sa kwarto dahil hindi nakabukas ang ilaw kaya hindi gaanong maaninag ang mukha ng babae, pagatras niya ay may natabig siya kaya napahinto siya sa pagkilos at sumandal sa dingding dahil baka magising niya ito. Aalis na sana siya pero biglang nagising ang babae, sabay tayo at kinuha ang walis na malapit sa kama. “Sino ka? Anong ginagawa mo dito sa loob ng kwarto na ito?” sabay tutok ng walis sa kanya, tiningnan niya ito dahil mukhang natakot niya ang babae. “Sino ka anong ginagawa mo dito?” tanong ulit nito sa kanyan kung kaya’t tinanong din niya ito. “Hindi ba dapat ako ang magtanong nyan sayo?” at mukhang nagulat pa ito ng magsalita sya, na alimpungatan ata ng makita siya. Lalapitan sana niya ito para pakalmahin pero umatras ito, kaya lumakad ulit siya papalapit dito pero bigla nitong hinampas sa kanya ang hawak nitong tambo, buti naka iwas sya kundi sapol siya sa ulo, ilang beses pa nito pinalo sa kanya ang hawak at sinuwerteng naiiwasan niya kung hindi siguradong biyak ang bungo niya dahil sa lakas ng paghataw nito, hindi nito bubuhayin ang matatamaan nito. Nang umisa pa ito ng pagpalo ay hinawakan niya ito para agawin sa babae dahil baka sa susunod ay hindi na siya makaiwas, saka buong lakas na hinila niya ang hawak na walis, dahil mukhang napalakas ang paghila niya ay napasama ang babae kaya napasandal ito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD