Sumabay na siya dito sa pagbalik ng mansyon dahil mukhang wala na itong ganang maglibot, saka baka nakabalik na ang kaibigan n’ya galing sa girlfriend nito, inabot na rin kasi sila ng tanghali kaka-ikot.
Pagdating nila ng bahay ay nakita niya ang kaibigan na hindi mapakali at hawak ang cellphone at ikot ng ikot.
“O ayan na lagot ka, hinahanap ka na nang amo mo,” muling pang-aasar niya sa babaeng kasama.
“Aba, ikaw ang magpaliwanag, hindi naman ako magtatagal dun kung hindi ka sunod ng sunod,” mataray pa rin nitong tugon at pinanlakihan siya ng mata.
“At bakit naman kita ipagtatanggol e, wala ka namang ginawa kundi sungitan ako,” aniya at saka gumanti, pinalaki din niya ang kanyang mga mata.
“Binigyan kita ng mangga,” anito na hindi niya inaasahan ang magiging sagot nito, lalo pa nitong pinalaka ang kanyang itim at bilugang mata.
Ang kulit nitong tingnan kaya naman ay hindi niya na pigil ang pagtawa, dahilan para marinig sila ng kaibigan at nagpalipat-lipat ng tingin na lumapit sa kanilang dalawa.
“Isay kanina pa kita hinahanap saan ka ba nanggaling?” tanong nito sa dalaga.
“Sa kwadra,” anito saka tumungo, iba talaga kanina lang ang tapang ngayon parang maamong tupa.
“Sorry bro, nagpasama lang ako sa kanya kasi na iinip ako dito e,” aniya saka binulungan ang dalaga.
“Ayan ah! pinagtakpan na kita, may utang ka sa akin, saka na kita sisingilin,” bulong niya dito habang hindi nakatingin ang kaibigan.
“Bro kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot sa tawag ko.”
“Sorry Bro, naiwan ko kasi yung phone ko sa kwarto, anong balita?” aniya.
“Nakausap ko na yung client natin, kailangan din nating bumalik bukas kasi baka hindi natin s’ya maabutan dahil aalis daw siya papuntang America,” paalam nito sa kanya.
“Ang bilis naman, sayang hindi pa ako na kakalibot ng maayos,” sabi na lang niya kasi nabitin siya, hindi pa kasi niya gaanong nakakalibot.
“Isay… pumunta ka na sa kusina at tulungan mo na si nay Mirna magluto ng pananghalian,” utos nito na agad naman tumalima ito, ibang iba talaga sa pagsagot sa kanya, magalang din pala ito.
“Sige iwan ko na kayo,” anito sabay alis.
Kinahapunan ay lumuwas na sila pabalik ng Manila, habang nasa sasakyan ay hindi niya maiwasan mapangiti ng maalala ang dalaga.
“Bro anong masasabi mo kay Isay,” biglang tanong nito habang ang mata ay nakatutuk sa daan, ito kasi ang nagmamaneho.
“Huh?” aniya sabay tingin sa kaibigan.
“Ah, gusto ko lang malaman kung anong masasabi mo sa kanya,” sabay ngisi nito.
“Bro, tanong lang ano ba talaga ang totoong trabaho mo, umamin ka na bugaw ka noh?” biro niya dito.
“Siraulo... hahaha, p’wera biro, ano masasabi mo kay Isay,” saka sumulyap sa kanya.
“Ay naku, ewan ko sayo bro, gisingin mo na lang ako pag nakarating na tayo,” aniya sabay cross ng kamay at sinandal ang ulo sa pinto ng kotse saka natulog.
Akala niya ay lumilindol dahil ang lakas nang pagkakayugyod sa kanya nung pala ang kaibigan niya parang babaliaan na siya nito ng balikat e.
“Bro sabi ko gisingin mo ako hindi balian ng buto, akala ko naman lumilindol na,” maktol niya sa kaibigan na nakakunot ang noo.
“Sasapakin na sana kita e, mag-twenty mins na kitang ginising pero napaka-tulog mantika mo,” anito habang inaayos ang mga gamit nito.
“Salamat bro, tawagan na lang kita bukas,” paalam niya saka lumabas na ng kotse nito at tinungo ang parking kung saan siya nag park.
Pagdating niya sa condo niya ay may nakita siyang babaeng nakatayo sa harap ng pinto nito, umaliwalas naman ang mukha nito ng makita siya.
Client nila ito, ito rin ang malakas magdala ng iba pang client sa kanila kaya kahit na ayaw na ayaw niya mapagsolo kasama ito ay wala siyang magawa, hindi niya ito maitaboy.
“Where did you go Basti?” maarteng tanong nito. “Kahapon pakita tinatawagan pero hindi mo sinasagot phone mo,” sabay lingkis nito sa kanya na halos ipagdumiinan nito ang dibdib sa braso n’ya.
Napaka liberated nito, halos lumabas na ang kaluluwa sa mga damit na isinusuot nito, naiirita din siya sa tuwing lapit ito ng lapit sa kanya, kaya naman sa tuwing nagpupunta ito sa office na niya ay hindi niya maiwasan ang magsungit, kaso mukang wala itong pahiramdam kaya tuloy madalas sa iba niya nababaling ang inis.
“Please Marideth, pagod ako galing kame ni Dominic sa isang project, gusto ko nang magpahinga, umuwi ka na.” Sabay alis ng mga kamay nanakapalupot sa kanya.
“Bakit ba lagi mo akong tinataboy, sige ka baka mawalan ka ng client,” pananakot pa nito.
“Hindi naman sa tinataboy kita, pagod kasi ako at gusto ko nang magpahinga... please,” aniya dito.
Inis naman na binitawan siya saka padabog na umalis, kaya naman pagkakataon na niya pumasok kasi baka bumalik pa ito.
Ang lagkit-lagkit ng pakiramdam niya kaya agad s’yang nagtangal ng damit at nagtungo sa banyo, s’ya lang naman sa condo kaya kahit malakad siya ng walang saplot ay ayos lang, hinayaan niyang nagkalat ang mga damit sa sahig at mamaya na lang niya ito aayusin pag katapos maligo.
Kinabukasan ay maagang nagtungo si Seb sa cemetery, pagpasok niya ay binati siya ng guard, halos kilala na siya ng guard doon dahil buwanan kasi siya kung pumunta doon at walang playa.
“Good morning, Sir!” nakangiting bati nito.
“Good morning din po manong,” ganti niyang bati.
“Napaka swerte talaga ni Ma’am kasi mahal na mahal s’ya ng boyfriend nya,” ngingiti ngiti nitong turan.
“Ganon po talaga manong lalo na kung mahal mo yung tao,” sabi na lang niya.
“Pero wala pa din bang pumapalit kay Ma’am d’yan,” sabay turo sa dibdib nya. “Matagal na din po kasi—” usisa pa nito.
“Naku manong mukhang wala ng papalit pa sa kanya, sige po,” paalam niya.
“Sige Sir,” anito sabay saludo pa sa kanya.
Naglakad na siya papunta museleo ng kasintahan, meron din siya sariling susi para dito kaya kahit anong araw niyang gustuhin ay makakapunta siya, bukod sa ang pamilya nito ay halos nasa America na lahat tanging ang ate na lang nito ang nasa Pilipinas dahil dito na ito nakapag asawa at ang negosyo nito ay nandito rin, kaya madalas ay siya lang ang bumibisita doon, ang ate naman nito ay nakakabisita lang pag may oras.
Kaya naman lagi niya itong binibisita, kung pwede nga lang na araw-arawin n’ya ang pagpunta ginawa na niya.