“Issaayyy!” sigaw ng kanyang Mama.
“Maaa, nandito lang ako sa bodega!” sigaw din niya sa ina.
“Kanina pa kita hinahanap nand’yan ka lang pala, ano bang ginagawa mo d’yan?” tanong nito ng sumilip sa pinto ng bodega.
“Hinahanap ko lang yung ginamit natin dati na pang design, gagamit ko sana ulit, kaso hindi ko makita,” aniya saka tinuloy ang paghahalungkat ng gamit sa bodega.
“Ay naku bilisan mo na d’yan at tumulong ka na sa kusina,” saka umalis at nag tungo na din sa kusina.
Pagbukas niya ng isang karton ay nakita niya ang lumang uniform niya ng Valleyball noong nagkaroon ng intrams ang school nila at kasali siya sa mga naglaro, kinuha niya ito at lumabas ng ng bodega dahil hindi na rin naman niya Makita ang hinahanap.
Nagtungo siya ng kanyang kwarto at sinukat ang damit saka humarap sa salamin.
“Hmmp, kasayang-kasaya pa rin ah!” aniya sa sarili habang napapangiti.
Gagamitin niya iyon sa laro nila bukas, bukas na din kasi ang kapistahan sa kanilang lugar at merong paliga para sa kababaihan sa larong Valleyball bukod sa Basketball para sa mga kalalakihan.
Lumabas na siya dala ang uniform niya para labhan na rin ito, para bukas ay tuyo na saka siya ng tungo sa kusina para tumulong na din.
“Nay ano pa ba ang kailangan gawin?” tanong niya habang nakatingin sa hinihiwa nitong patatas.
“Ito anak at hiwain mo yang sibuyas at bawang, pagkatapos mo isunod mo ang red saka yung green na sili,” sabay abot ng kutsilyo at sangkalan sa kanya.
Sanay naman siya sa pagluluto at kaya din niyang maghiwa kaso ang dami ng pinahihiwa sa kanya, para silang may pa feeding program.
“Nay ang dami naman po nito, hindi kaya sobra-sobra na ang mga ito?” reklamo niya.
“Ngayon ka na nga lang tutulong nagrereklamo ka pa, hala sige hiwain mo nayan ng matapos na tayo baka gabihin tayo,” singit ng kanyang ina, tumutulong din ito sa pagluluto.
“Si Papa ba Ma? Nasaan hindi ko sya nakita?” tanong niya, kasi kahapon gabi na lang niya ito na kita tapos ngayon kahit anino nito ay hindi niya napansin.
“Nasa bukid kasama ng kuya Ryan mo at inaasikaso nila yung mga baka na manganganak na, pero bukas ay nandito sila at ibibilin na lang ang ibang gawain doon.” paliwag nito habang nagpupunas ng mga pinggan.
Tinali niya ang kanyang buhok bago magsimulang mag-hiwa, inuna niyang hiwain ang mga sili at bawang saka hinuli ang sibuyas.
“Anak ano ba yang itsura mo,” natatawang tanong ni nay Mirna.
Paano ba naman kasi halos mahilam na siya ng luha dahil sa hinihiwa niyang sibuyas, isang puno ng maliit na batya ang sibuyas na hinihiwa niya kaya naman ang sakit na ng mata n’ya, isa na lang at tapos na siya.
Napa-upo si Isay ng matapos siyang maghiwa, ayaw kasi niyang upo dahil magiging malapit ang mukha niya sa hinihiwang sibuyas.
Maya-maya ay tumunog ang kanyang Cellphone, pagtingin niya ay ang kanyang kaibigan.
“Hello beks, bakit?” Tanong niya.
“Anong bakit? Nandito na ako sa harap ng mansion n’yo bruha ka, sabi mo susunduin mo ako, namuti na lang ang mata ko kakaintay sayo, pero ni anino mo walang dumating, tapos tatanungin mo ako kung bakit, gusto mong kalbuhin kita?” sunod sunod nitong reklamo.
“Sh*t… beks nakalimutan ko, sandali at lalabas na ako,” biglang tayo niya nagulat pa ng kasama niya sa kusina.
Patakbong lumabas siya ng kusina habang nalalaylay ang isang manggas ng damit niya kasi sa luwang nito, iyon kasi ang una niyang nadampot sa damitan niya e, siya kasi yung tipo ng tao na kung ano ang nasa unahan iyon ang isusuot niya kahit na nga sa loob ng isang lingo tatlong beses niya ito maisuot ay wala siyang pakialam, basta nasa unahan ng damitan niya iyon ang isusuot niya.
Humihingal pa siya ng salubungin ang kaibigan.
“Ano bayan bakla bakit ganyan ang itsura mo? Parang kang ginahasa ng sampung kabayo, hulas na hulas ang itsura mo, ano ba yang nasa pingi mo sipon?” napangiwi pa ang kaibigan na diring diri sa itsura n’ya.
“Ang arte mo naman, madami kasi akong ginawa sa kusina, at hindi yan sipon, baka sauce yan, nagluluto kasi kame,” sabay punas sa mukha gamit ang damit niya.
“Bakla kadiri ka, nagluluto ka ng pagkain tapos ganyan itsura mo!”
“Ang arte mo noh, hindi ako ang nagluluto taga hiwa lang ako, halika na nga sa loob, baka ikaw pa ang hiwain ko,” aniya sa kaibigan na pormang porma.
Niyaya na niya ito sa loob, doon muna ito sa kwarto n’ya kasi babalik muli ang bwusita ng kuya n’ya at doon ito sa dati nitong tinuluyan na guest room, saka siya naman sa ay bahay ni nay Mirna dahil hindi pa tapos ang parusa niya, kaya ayos lang na sa kwarto muna niya ang kaibigan.
“Hay, bakla napagod talaga ako don ah, sumakit din ang paa ko kahihintay sayo,” saka sinamaan siya ng tingin.
“Sorna beks, nabusy lang ang lola mo, maiwan na kita muna dito at tutulong lang muna ako sa baba,” aniya at aalis na sana.
“Wait bakla, intayin mo na ako at sasama na ako tutulong na rin ako, ayoko naman na maiwan dito nakakinip,” anito sabay irap.
“D’yan ka muna maligo lang ako sandali para naman ma-refresh ang pakiramdam ng lola mo,” anito saka pumasok ng banyo.
Humiga muna siya sa kanyang kama para malapat saglit ang kanyang likod.
Hindi rin nagtagal ay lumabas na din ang kaibigan sa banyo ng naka bathrobe at may twalya pa sa ulo nito, hindi naman mahaba ang buhok, natatawa na lang siya sa kaibigan.
Maya-maya ay bigla nitong inanggal ang suot na robe, nagulat naman siya sa ginawa ng kaibigan at napatakip ng mata.
“Ang arte ah!” anito sabay irap.
“Bakla naman kasi bigla-bigla kang nanggugulat, pero in fairness ang dami mong pandesal ah,” sabay halakhak, binato naman nito ang hinubad na bathrobe.
“Ay naku tigilan mo akong babae ka,” anito saka nagbihis na, black na short at gray shirt ang sinuot nito, sa lahat ng pagiging salungat nila sa isang bagay naman sila nag kapareho ang pagiging mahilig nila sa mga dark color.
Pagkabihis nito ay agad na din silang nagtungo sa kusina upang tumulong, tuwang-tuwa naman ang kanyang Mama ng makita ang kaibigan, at sa pagdating nito ay mas umingay ang kusina dahil sa usapan ng mga ito.