Chapter 13

1126 Words
Napuno ng halakhakan ang kusina, pagpasok na pagpasok pa lang ng kaibigan niya ay ang Mama na niya agad ang kumausap dito. “Titaaa… kamusta na po kayo?” Masiglang bati ng kaibigan niya sa kanyang Mama. “Iha! Kamusta ka na, ang gwapo gwapo mong bata, bakit ka ba kasi lumihis ng landas,” nanghihinayang na wika ng kanyang ina. “Jusko... Tita ngayon na nga lang tayo nagkita ganyan na agad ang salubong mo sa akin,” maarteng sagot ng kaibigan. “E paano naman ay nanghihinayang ako sayong bata ka, ang gandang lahi siyang,” sabi ng kanyang Mama sabay palo nito sa puwetan ng kaibigan. Ito namang kaibigan niya ay may patili-tili pang nalalaman, kala mo virgin pa, kung umarte wagas. “Ayyy.. nay Mirna ito bang si Tita ay pina-inom mo nang gamot, e pasmado na ang bibig e,” anito saka peace sa kanyang ina. Kinatawa naman ng mga tao sa kusina. “Ay naku bilisan na natin at ng matapos na,” paalala niya sa mga kasama na wala ng ginawa kundi tumawa. “Ay naku beks, ngayon na nga lang kame nagkita at kwentuhan binabawal mo pa,” baling nito sa kanya. “Ay naku ewan ko sa inyo, pag hindi pa kayo nagmabilis aabutin na tayo ng gabi,” maktol niya sa mga ito. “Ay naku tita, saan n’yo ba pinag-lihi ang isang ‘to ang sungit,” saka binalingan ang ina. “Ewan ko ba d’yan sa isang ‘yan, kaya hanggang ngayon e, wala pa din nobyo na pinakikilala sa amin, bukod tangin ikaw lang ang dinalayan dito tapos lumihis ka pa,” naiiling na sabi ng kanyang Mama, natatawa naman siya sa Ina dahil mas nanghihinayang pa ito kesa sa sarili nitong magulang. Tapatingin naman sa akin ang bakla sabay bulong. “Ano ba ang nangyayari kay tita at trip na trip ako, wala ng bukang bibig kundi lumihis ako ng lanadas,” bulong nito sabay turo sa ina, napangiti na lang siya dito. “Ikaw ba Geraldine, walang ire-recomend d’yan sa kabigan mong yan?” dagdag pa ng ina. “Ay naku Tita, suko na ako sa isang yan, lalapitan pa nga lang naghahamon na ng suntukan, ewan ko ba dito sa babaeng ito,” sabay hila sa buhok niya. “Aray ko ah, beks kung gusto talaga nila ako papanindigan nila, hindi yung sa akin pa lang takot na,” aniya saka tinaas ang sulok ng kanyang labi at saka ang kaliwang kilay. Nasa ganoon ang kanilang usapan ng biglang sumilip ang kanyan Ama sa pintuan ng kusina. “Kamusta naman ang mga nagga-gandahang dilag dito?” anito sabay kindat sa kanyang ina. “Ahgh!” pekeng s*ka niya, “Kadiri Pa ah! Bagets lang ang peg,” saka kunwari ay kinlabutan. “Hi! Tito kamusta po?” bati naman ng kaibigan niya. “Oh! Gerald nandito ka pala,” gulat pang tanong ng kanyang Ama, “Opo, pinapunta ako nitong si Isay,” sabay turo sa kanya. “Maganda nga iyon at na pasyal ka, kailan ka pa dumating?” tanong nito. “Kakarating ko lang po kanina Tito,” sagot ng kaibigan. Natatawa naman siya dito dahil kung kanina ay ang landi-landi nito nang kausap ang kanya ina, ngayon naman ay para itong lalaki, ang lalim pa ng boses, kaya naman palihim nitong kinurot ang kanyang tagiliran. “Ikaw ba ay mag girlfriend na, at ito nga’ng anak kong si Isay ay wala pa din boyfriend hanggang ngayon,” sabay nguso sa kanya. “Ikaw talaga Pa, tigilan mo itong kaibigan ko,” aniya at napapangiwi na dahil sa mga kurot ng kaibigan n’ya. “Ay Tito, pareho po kame ng hanap... este wala pa po iyan sa isip ko,” napasigaw naman siya ng halos bumaon na ang kuko nito sa tagiliran nya. “Ayy... nalaglag ang sibuyas... hehehe sorry,” aniya saka biglang tinanggal ang kamay ng kaibigan sa tagiliran niya. “Naku Pa, tigilan mo na nga iyang kakatanong mo, na saan ang anak mo?” baling na tanong ng kanyang Ina . “Nandyan sa labas at may ginagawa pa, maiwan ko na kayo at may gagawin pa rin ako,” paalam ng kanyan Ama. “Thanks Tita your da Best talaga,” narinig pa niyang bulong ng kaibigan ng umalis ang kanyang Ama at nginitian naman ito ng kanyang Mama. Maya-maya ay naramdaman niya ang kaibigan na hinihila ang kanyang suot na damit, pagtingin niya dito ay halos hindi ito mapakali at natataranta, sinundan niya ng tingin kung saan ito naka tanaw. Napailing na lang siya kung sino ang paparating. “Kaya naman pala e... tsk... tsk...” At napapailing na lang, papunta kasi sa kusina ang kuya Ryan niya. “Ma, aalis muna ako, sunduin ko lang ang mag-ina ko,” anito na napatingin sa kaibigan. “Oh, Gerald nandyan ka pala buti nakarating ka,” nagulat pang tanong nito ng makita ang kaibigan. “Oo, ito kasing si Isay, mag-kalimutan na daw kame kapag hindi ako pumunta,” saka ubod ng tamis na ngumiti, siya naman ay pinagmamasadan lang ang kalandian ng kaibigan. “Maganda din kung minsan ay nagsasaya hindi puro trabaho, sige mauna na ako sa inyo, Ma...” anito saka tumingin sa ina. “Isay asikasuhin mo ang bisita mo, Gerald mauna na ako,” saka lumapit sa kaibigan at nakipag kamay. Nang makaalis ang kanyang kuya Ryan ay bigla namang tumili ang kaibigan maging ang ibang nasa kusina ay nagulat dito. “Aaaaahhh... Tita bakit mo ba kasi hinayaang mag-asawa yang anak mo,” saka inamoy ang kamay na hinawakan ng kapatid niya. “Nakakadiri ka talagang bakla ka,” naiiling niyang turan, ang Ina naman niya ay tumatawa lang sa kaibigan. Madilim na rin ng matapos sila sa kusina, marami pa silang lulutuin pero bukas na nang madaling araw nila sisimulan dahil kung lulutin nila lahat ngayon ay baka mapanis lang, kaya ang mga ulam na hindi masisira ang kanilang inuna at iinit na lang ito bukas, at ang mga pagkain madaling masira ay bukas na nila ng madaling araw lulutin. Magkasama sila ng kaibigan na umakyat sa kanyang kwarto, mananatili ito dito at s’ya naman ay lilipat sa kabilang bahay, pagkapasok na pagkapasok pa lang ay agad na niyang hinubad ang kanyang damit, tanging undies na lang ang natitira niyang suot at paru’t parito siya sa loob ng kanyang kwarto kahit nakikita siya ng kaibigan na sanay na ito sa kanya, wala din itong paki alam kahit pa nga maghubad siya sa harap nito. Sobrang init na init siya at malagkit ang pakiramdam kaya agad din siyang pumasok sa banyo iniwan niya ang kaibigan na hindi ma ka-move on at hawak pa rin ang sariling kamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD