“Beks ano ba yang hinahalukay mo d’yan, kanina ka pa d’yan ah!” puna ng hindi na makatiis na kabigan.
Halos kasi mailabas na niya ang lahat ng damit sa aparador ay hindi pa rin ang T-shirt niya.
“Hindi ko kasi makita yung T-shirt ko beks, gagamitin ko sana pantulog,” walang linggon at patuloy pa rin siya sa paghalukay sa kanyang damitan.
Maya-maya ay tumayo ang kaibigan niya at isa-isang binalik ang mga kinalat niya damit sa sahig.
“Naku bakla, hindi ko talaga maintindihan yang style, iyos mo na ‘yan at may ibibigay ako sayo,” anito at sinara ang kan’yang drawer matapos basta na lang isuksok ang mga gamit niya.
“Ano naman yon?” tanong niya dahil may hinala na siya, kahit na kailan ay hindi sila nagkasundo sa style ng damit na susuutin maliban sa kulay.
Lumigid ito sa kanya at inabot ang maleta nito, saka paluhod itong binuksan, saka may kinuhang kulay pulang short, silk ang tela no’n sabay hagis sa kanya.
“Oh! ayan, isuot mo maliit kasi ang size sira ulo yung online seller na yon at in-scam ako, ayako ko nag ibalik kasi hassle,” naka simangot nitong turan.
“Short? Anong gagawin ko dito sa short?” aniya na nakatitig dito.
“Ateng, hindi makapag-intay, sandali lang at hinahanap ko pa ang partner,” anito at patuloy sa paghalukay sa maleta.
“Here!” tili nito sabay taas ng pula ring damit at saka nito sinukat na pinatong sa damit niya.
Sweetheart lace neckline with spaghetti straps na kulay pula din, halos wala ng matakpan pag-sinuot ito, kitang-kita na ang buong dibdib mo dito.
“Megesh, bakla pagsusuotin mo ako n’yan,” aniya na pinanlakihan niya ng mata ang kaibigan.
“Oo ano naman bagay naman ito sayo!”
“Bakla, Thank you na lang pero hindi mo ako mapag-susuot ng ganyan,” aniya habang umiiling.
Nang bigla nitong tinanggal ang suot niyang bathrobe saka hinagis sa kan’ya ang damit at hinarangan ang aparador niya para hindi niya mabuksan at makakuha ng ibang damit.
“Isusuot mo ‘yan o lalabas kang naka panty at bra lang,” anito habang nakapadipa patalikod sa damitan niya.
“Beks, napaka salbahe mo talaga,” aniya sa kaibigan na naka ngisi.
“Isusuot mo o hindi” anito na talagang nakikipag matigasan sa kanya.
“Bakla gabi naman saka magkukumot ka din mamaya, ngayong gabi lang pagbigyan mo na ang Best friend mo,” sabi pa nito na pinagdikit pa ang dalawang kamay.
Napabuntong hininga na lang siya sa kalokohan ng kaibigan, saka pinulot ang damit na hinagis nito sa kanya at saka ito sinuot.
“Beksss..ang ganda mo.. hahaha!” tili pa nito ng maisuot niya ang damit, okay lang siya sa short pero sa blouse niya ay hindi niya ma-take halos kasi makita na ang dibdib niya sa sobrang lalim ng pagka cut ng design nito.
“Beks, hindi ko gusto yung damit, palitan ko na lang ito short na lang ang isusuot ko,” kahit medyo maigsi din ito na halos kita na ang halahati ng hita niya
“Ano kaba bakla, maganda nga e, hindi ka mag-papalit, magtatampo talaga ako pag nag-palit ka ng damit,” sabi nito sabay tulak sa kanya palabas ng kwarto.
“Beks, nilalamig ako!” dahilan niya dito.
“Magkumot ka,” anito sabay sara ng pinto narinig pa niyang nilock ito ng kaibigan para hindi siya makapasok pa.
Napabuntong hininga na lang siya at nagtungo na sa bahay nila nanay Mirna, ito lang din kasi ang nasa bahay dahil ang asawa nito ang nagbabantay sa mga baka kaya doon muna ito na tutulog, madilim na din ang mansyon dahil mukhang natutulog na din ang mga tao do’n, mag-alas dyes na rin kasi at pagod ang lahat para bukas.
Pababa na siya ng biglang tumunog ang doorbell, mabilis na man siyang bumaba ng hagdan saka sinilip kung sino ang nasa labas
Ang kuya Dom niya, kaagad naman niya itong pinagbukasan, nagulat naman ito ng makita siya at napatingin din sa suot niya.
“Wow bunso, mukhang nagbabalik loob na tayo ah!” nakangisi at ng aasar nitong bungad sa kanya.
“Tigilan mo ako Kuya, bwisit kasi yang si Bakla e, pilit tong pinasout sa akin, ni lock pa pinto ng kwarto ko para hindi ako makakuha ng damit,” nakanguso niyang sagot.
“Bakla?” kunot noo naman ng kuya nya, “Ah yung best friend mo, buti nakarating siya,” anito ng mapag-sino ang tinutukoy niya.
“Oo, inimbitahan ko na rin, bakit ka nga pala ngayon lang dumating, gabi na masyado ah?” takang tanong niya sa kapatid.
Nang para naman siyang tinulos sa kinatatayuan niya nang mapasin ang lalaking nakatitig sa kanya, hindi niya napasin na nandoon ito, kanina pa ba ito sa likod ng kapatid.
***
(SEB POV’S)
Halos hampasin na ng kaibigan ang manibela dahil sa inis sa traffic, alas nwebe na ng gabi pero sobrang traffic pa din sa exit ng SLEX, sabi ng nagpapatrol ay may banggaan, kaya naman sobrang traffic halos dalawang oras nang walang galawan ang mga sasakyan.
“Bwisit naman, Oo, ano bang ginagawa ng mga patrol at hindi nila maayos yang traffic na yan?” inis na sabi ng kaibagan, siya man ay naiinis na din pero kinakalma na lang niya ang sarili dahil ayaw naman niyang sabayan ang init ng ulo ni Dominic.
“Pasensya na ho Sir, ginagawa na po ng mga kasamahan ko ang makakaya nila, hindi lang po kasi isa ang naaksidente, limang sasakyan po kasi ang nagkarambola,” sagot ng isang traffic enforcer na nakarinig sa himutok ng kaibigan niya.
“Haayy, Pasensya na din ho, dalawang oras na din kasing walang galaw ang mga sasakyan, kaya hindi maiwasan na hindi mainis,” napapabuntong hininga nitong sagot.
“Pasensya na sir ho at hindi naman din po kasi namin pwede basta na lang galawin ang mga nasangkot sa aksidente, habaan na lang po natin ang ating pasensya,” anito saka naman unti-unting kumikilos ang mga sasakyang nasa harap nila.
“Sige ho, pasensya na din,” ani ng kaibigan, saka sumaludo naman ang enforcer sa kanila bago sila tuluyan nang nakaabante.
Pasado alas-diyes na nang gabi ng marating nila ang hacienda, nang pababa na siya ay saka naman nag-jammped ang seatbelt niya kaya nauna ng bumaba ang kaibigan, naka ilang doorbell ito bago nabuksan ang pinto.
Hindi n’ya gaanong makita ang kausap nito pero halata sa kaibigan na tumatawa ito, kaya ng matanggal niya ang seatbelt ay agad na lumabas ng sasakyan at sumunod dito.
Napatigil naman siya ng makita kung sino ang kausap ng kaibigan at bakit ito ngiting-ngiti, si Isay at naka suot ito ng sexy nighty, para naman siyang biglang nainitan ng makita ang suot ng dalaga, makikita ang magandang hubog ng katawan nito na tinatago sa maluluwang nitong damit.
“Bakit ba ganito suot ng babaeng ito, para namang mang-aakit,” inis na bulong sa sarili ni Seb.
Mas lalo pang nadagdagan ang inis niya ng makitang inakbayan ng kaibigan niya ang Dalaga saka binulungan, kita din niya kung paano namula ang mukha nito, bahagya pa itong nagulat ng magtama ang kanilang mga mata.