Inis na inis si Isay sa kaibigan na pinilit siyang isuot ang damit na iyon, hindi din niya akalain na dadating ng gabi ang kanyang kuya kasama ang lalaking ito.
Parang gusto ng lumubog ni Isay sa kinatatayuan dahil sa titig ng lalaking kasama ng kanyang kapatid na nakatayo sa likuran nito, pakiramdam niya nakadikit ang mga mata nito sa buo niyang katawan.
Nagulat pa siya ng bigla siyang akbayan ng kanyang kuya saka siya binulungan.
“Bunso, ikaw ng bahala sa bisita ko ha, pagod na rin kasi ako e alam mo naman na kung saan siya ihahatid, pero bunso huwag mo ng uulitin yung ginawa mo noon una ha,” pang-aasar nito sa kanya saka naalala yung muntik na niyang basagin ang bungo nito.
Kaya napatingin siya dito at hindi inaasahan na magkasalubong ang kanilang mata, agad niyang binawi ang pagkakatingin at saka yumuko pakiramdam niya ay nag-init ang buo niyang mukha, tanapik pa siya ng kanyang kuya bago nagpaalam sa kasama.
“Bro mauna na ako sayo pumasok sa kwarto, si Isay na bahala sayo,” paalam nito sa kaibigan.
Tumango lang ito sa kaibigan at saka muling tumingin sa kanya ng nakakunot noo.
“Ano... anong problema mo?” agad niya itong sinungitan.
Pero hindi ito nagsalita ang ngumiti ng ng nakakaloko.
“Sumunod ka na at inaantok na ako,” masungit niyang sabi saka ito tinalikuran at muling umakyat papunta sa kwarto nito.
Wala namang imik na sumunod lang ito sa kanya, pakiramdam ni Isay ay tumatayo lahat ng balahibo niya sa kanyang likuran, pakiramdam niya ay nakatitig ito sa kanya, kaya naman binilisan niya ang pag-akyat.
Binuksan niya ang pinto saka sinenyasan ito pumasok na, nang aalis na s’ya ay bigla naman itong nasalita.
“Hindi mo man lang papalitan ang cover ng kama?” nakataas ang isa nitong kilay habang inuutusan siya.
“Kakapalit ko lang niyang ng isang araw,” aniya at asiwang asiwa sa paraan ng pagtitig nito.
“Noong isang araw ‘yun at iba ‘yung ngayon, malay ko ba kung sino na nahiga d’yan,” saka ito ngumisi, inis na inis naman siya dito na halatang halatang na sinasadya siyang asarin.
Naku! Humanda ka talaga matapos ko lang ang parusa sa akin hinding hindi mo na ako mauutusan... aniya sa sarili na inis na sa lalaki.
Padabog na pumasok siya sa kwarto at hinanap ang pamalit sa kobre kama at punda ng unan nagagamitin nito.
Inuna niyang palitan ang unan saka niya sinunod ang kobre kama, nang hilahin niya ito ay umipit itong bigla dahil may buhol sa dulo kaya naman sumampa siya sa kama upang maabot ang nabuhol nitong bahagi.
Paglingon niya ay nakita niya ng lalaki na nakatitig sa kanya, napasin pa niya itong bahagyang lumunok.
“Bwisit na lalaking to saan ba ito naka-tingin,” bulong niyasa sarili saka bigla niya pinag cross ang dalawang kamay sa bandang dibdib niya.
Nagulat pa ito sa ginawi niya at naka-ngising tumingin sa kan’ya, saka ito humakbang papalipit habang nakatingin sa kan’ya, napa-atras naman siya nang bigla itong dumukwang.
Napapikit naman siya ng akala niya ay ilalapit nito ang mukha sa kan’yang mukha nang bigla siyang napahiga sa kama dahil todo bigay nitong hinila ang kobre kama na naluluhuran niya, dahilan kung bakit siya napahiga.
Saka bigla nitong ibinalot ng bed sheet sa kan’ya, saka hinila siya patayo at tinulak palabas ng kwarto, pagtanggal niya ng nakatakip sa mukha ay agad niyang na higit ang sariling paghinga dahil pantay ang kanilang mukha at ilang dangkal lang ang layo nito sa mukha niya.
“Good night,” naka ngisi pa nitong sabi sabay sara ng pinto.
Hindi pa siya nakaka-bawi ng bigla ulit nitong buksan ang pintuan saka nito inabot ang mga punda na pinagpalitan niya.
***
(SEB POV’S)
Hindi pa rin mawala sa isip ni Seb ang imahe ng dalaga ng balutin niya ito ng kobre kama, halatang nagulat ito kasi kung hindi niya iyon ginawa ay baka kung ano na ang magawa niya dito.
Habang pinapanuod niya ang bawat pagkilos nito ng pinapalitan ang kobre kama at nang hirap na hirap itong hilahin ang sapin dahil na buhol ito sa dulo kaya umakyat ito para hilahin ito, nakaluhod ito sa kama patalikod sa kanya kaya kitang kita niya ang kurba nito hanggang sa pang-upo nito, kaya hindi niya maiwasan ang mapalunok sakto naman ng pagtingin nito sa kanya.
Nakakunot ang noo nitong bigla na lang tinakip ang mga braso sa dibdib nito, saka bumilog ang magaganda nitong mata.
Kailangan ng umalis ng babaeng ito sa loob dahil baka hindi na siya makapag-timpi, kaya lumapit siya dito para tulungan na ito sa paghatak ng nabuhol na kobre kama, kaso paghila niya ay bigla ito napahiga kasi hindi niya napansin na niluluhiran pala nito iyon.
Pag-kabuwal nito ay lumitaw ang bahagi ng tiyan nito, napansin din niya ang makinis na kutis nito saka dumako ang mata niya sa bandang dibdib nito, “Kasambahay ba talaga ito mukhang mas makinis pa ito kay Marideth ah!” aniya sa sarili, pakiramdam niya ay nabuhay ang dragon sa kaloob-looban niya at malapit ng madarang sa apoy nito.
Kaya binalot niya ito ng kobre kama at hinila na ito palabas ng kwarto, napamura pa siya ng makita niyang naiwan ang mga punda kaya binuksan niyang muli ang pinto saka inabot dito.
“Ano ka ba Seb,” pagalit niya sa sarili, saka agad din na pumasok sa banyo para maibsan ang init ng katawan niya dahil kung hindi ay baka hilahin niya pabalik sa loob ng kwarto ang dalaga.
Hindi maiwasan ni Seb na magalit sa sarili, pakiramdamn kasi niya ay nagkakasala siya kay Mara, binuksan niya ang shower at tinapat ang sarili dito para mawala lahat ng kanyang iniisip.
Pagkatapos maligo ay agad siyang nagbihis at humiga na sa kama, maya-maya pa ay may sumilay ng ngiti sa kanyang mga labi, bigla kasing lumitaw ang imahe ng dalaga sa kanayang isipan, hindi pa rin ito mawala kahit na maligo pa s’ya ng malamig na tubig, ang magaganda nitong mata, ang hugis puso nitong mukha ganoon din ang hugis puso nitong labi na tila ba kay sarap hagkan.
Sh*t....
Bigla siya napabangon sa naisip, “Sorry mahal, hindi na mauulit,” aniya sa sarili habang inaalala ang namayapang kasintahan.