Chapter 16

1334 Words
Lutang na lumabas ng mansyon si Isay dahil sa imaheng patuloy na pumapasok sa kanyang isip, imahe ng lokong lalaking iyon at ang paraan ng pagtitig nito kanina. Pinilig niya ang kanyang ulo para mawala ang kaniyang inisip, pagdating sa harap ng bahay ni nanay Mirna pinilit niyang tanggalin ang nasaisip. Pinihit niya ang doorknob, pero naka lock iyon, kaya naman ay kumatok siya, pero walang sumasagot, tawag siya ng tawag sa matanda pero mukhang hindi nito naririnig, “Baka tulog na?” aniya sa sarili, kay napag-pasyahan niyang bumalik sa loob ng mansion. Bago pumasok sa kwarto ay napatingin muna siya sa katabing pinto, muli ay bumalik sa kanya ang imahe ng lalaki, pero agad din niya itong winaksi saka agad nang pumasok sa loob kwarto. Pagpasok niya ay nakita niyang tulog na tulog na ang kaibigan. “Beks,” gising niya dito, pero hindi pa rin ito nagigising. Paano siyang tatabi dito kung sinakop na nito ang buong kama niya, para tuloy siyang pinalayas sa sarili nitong kwarto. “Beks,” nilakasan na niya ang pagtawag dito at sinabayan na niya ng pagyugyog sa balikat ng kaibigan. Napadilat naman ito, at pupungas-pungas na bumangon. “Oh! bakla anong ginagawa mo dito akala ko bumalik ka na sa kabila,” halos nakapikit pa itong nagsalita. “Oo nga sana, kaso dumating sila kuya Dom, inayos ko pa ‘yung magiging kwarto ng kasama n’ya, kaso pagbalik ko nakasara yung pinto ng bahay ni Nay Mirna, kanina pa din ako kumakatok kaso mukhang tulog na ata e,” reklamo niya. “Tabi na muna tayo, umusog ka don,” dagdag pa niya saka sumampa na ng kama. Walang sigla naman umusog ang kaibigan saka patalikod sa kanyang humiga at muling bumalik sa pagtulog. Hindi na namalayan ni Isay kung anong oras na siyang nakatulog, paggising niya ay tumatama na ng sikat ng araw sa mukha niya na nagmumula sa bintana, mas gusto kasi niya sa kanyang karto na maaliwalas tingnan kaya manipis lang na kurtina ang nilagay nya. Pupungas-pungas siyang bumangon pa-upo ng kama pero hindi pa bumaba, pagtingin niya sa katabi ay naka nganga pa ito at naghihilik. Niyugyog niya ito para gisingin na din. “Beks.. bumangon ka na d’yan, umaga na.” gising niya sakaibigan. “Maya na bakla, inaantok pa ko,” sabi nitong nagtalukbong pa ng kumot. “Mauna na ako sayo, siguradong nandyan na ang mga bisita, tutulong na ako magasikaso doon,” aniya saka bumaba ng kama. Pero bigla din itong bumangon at nauna pa sa kanyang lumabas ngayon lang din niya na pansin na pareho pala ang kulay ng suot nila. Sumunod na siya dito na inaantok pa, kinukusot ang mata ng bigla siyang mabunggo sa kaibigan dahil bigla itong huminto at hinawakan siya saka bumulong. “Bakla may fafa, grabe ang gwapo,” pagtingin niya sa kaibigan ay halos mapunit ang labi nito sa sobrang pagkakangiti. Lumampas siya sa kaibigan para makita kung sino yung nagpapakilig sa kaibigan niya ng bigla siyang mapahinto dahil na salubong niya ang madilim nitong titig, ang kaibigan ng kanyang kuya Dom na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam ang pangalan. Tanging “Bro” lang kasi ang madalas niyang naririnig sa kuya niya ‘pag tinatawag ito, at hindi na rin naman niya pinagkaabalahan pang itanong ito sa kanyang kuya. Naibaba niya ang kamay na kumukusot sa kanyang mata, saka itinaas niya ang strap ng kanyang suot na pantulog. Nang hatakin siya ng kaibigan at pinasok sa kanyang kwarto. “Bakla, huh, ano ‘yun nabato balani lang ang peg, hindi n’yo mahiwalay ang tingin sa isa’t isa ah!” ani ng kaibigan na hindi na pansin na nakatingin pala ito sa kanila. “Ay ewan ko sayo, ‘yun yung bisita ni kuya kagabi, saka nagpunta na yun dito dati, sira ulo yun,” babala niya sa kaibigan. “Okay lang, mas sira ulo ako sa kanyan, rarrrrr,” sabi pa nito. Naiiling na lang siya sa kaibigan, “maliligo muna ako bago lumabas, kung gusto mong lumabas ng nakaganyan bahala ka,” anito saka iniwan at pumasok na sa banyo. **** (SEB POV’s) Madaling araw ng nakatulog si Seb pero maaga pa din siyang nagising, at para tuluyang magising ang diwa ay nagtungo na siya sa banyo upang maligo na. Nagsuot lang siya ng Black short and white V-neck shirt, saka halos wala naman ibang kulay ang makikita sa mga damit n’ya e, kundi black, white and gray lang, hindi naman sa ayaw nya ng ibang kulay nakasanayan na lang din kasi niya, dahil sa mga sinusuot niya pagpupunta sa opisina dahil mas pormal tingnan kapag white, black or gray ang gamit niya. Paglabas niya ng kwarto sakto namang labas ng isang lalaki sa katabing kwarto ng guestroom at ang isa, ay ang tinutulugan niya siguro ay lahat ng nasa third floor na kwarto ay puro sa mga bisita? aniya sa sarili. Napansin niyang nakatingin sa kanya ang lalaking kalalabas lang ng kwarto at naka pantulog pa din ito kulay pula ito, tawa naman siya pero hindi niya ito pinahalata kasi parang pang girly naman ata ng kulay na sinuot nito. Sa paghinto nito at may babae naman na nabangga sa likod nito terno pa sila ng suot ah, saka naman niya nakita ang babaeng bumunggo sa likod nito ng tumagilid ang lalaki saka hinwakan ito at binulungan. Napasimangot naman siya ng makita ang babaeng kakalabas lang din sa kwarto kasama ang lalaking ito, walang iba kundi si Isay, Anong ginagawa nito dito? Dito ba ito na tulog? Anong relasyon nito dito? mga tanong na pumasok sa isip niya na ikinaiinis niya. Mas lalo siyang nainis ng bumulong ito sa dalaga, sobra pa kung makangiti ang mokong na ito, at ito namang babae na ito, tingnan mo ang itsura nakalaylay pa ang strap ng suot nitong pantulog. Bahagya pa itong umabante at napatigil ng makita siya napatitig din naman siya dito, maya-maya ay bigla itong hinatak ng lalaki papasok muli sa kwartong nilabasan nilang dalawa. Lalo namang nagpuyos ang kalooban niya, anong gagawin ng dalawa na ‘yon sa loob bakit kailangan nilang pumasok muli sa kwarto. Hindi namalayan ni Seb na nasa harap na pala siya ng pintuan na pinasukan ng dalawa, saka dinikit niya ang tenga niya sa pinto na pilit pinapakinggan ang pinag uusapan ng dalawa, nasa ganoon siya posisyon ng sumulpot ang kaibigan na nagtataka bakit ganoon ang ayos niya. “Bro, anong ginagawa mo?” tanong nito sa kanya. “Ah..e.. para kasing may naririnig akong tao sa loob, kagabi kasi parang wala namang tao d’yan, kaya inaalam ko lang kung may tao talaga,” palusot niya. “Ah, si Gerald bisita ‘yun ng kapatid ko at best friend, halika na at mag almusal na tayo,” yaya nito sa kanya. “Para kasing nakita ko din si Isay,” aniya sabay turo sa kwarto. “Ah hayaan mo lang yung dalawa na ‘yan ganyan dalaga sila,” ani nito na parang balewala na magkasama ang dalawang matulog. “S’ya nga pala, bakit parang hindi ko nakikita ang kapatid mong babae na sinasabi mo,” tanong niya dito. Kunot-noo naman itong tumingin sa kanya, “Huh?” sagot lang nito sa kanya. “Naku-curious lang kasi ako, kasi parang lagi s’yang wala dito sa bahay n’yo,” seryosong tanong niya. Bigla naman itong tumawa sa tanong niya, bakit nakakatawa ba ang tanong nya, curious lang naman sya ah. “Bro, sigurado ka hindi mo pa s’ya nakikita... hahaha,” tawa ulit nito. “Nakakaloko na ‘yang tawa mo, Bro,” simangot niya dito. “Nakita mo na sya, hindi ba halata na magkapatid kame,” iiling-iling nitong sagot. “Magtatanong ba ako kung nahalata ko, ikaw itong hindi nagsasabi e,” inis na siya sa kaibigan na natatawa pa din. “H’wag kang mag alala, makikilala mo din sya, baka magulat ka pa pag nalaman mong siya ang kapatid ko..hahaha,” tumatawa pa itong bumaba ng hagdan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD