Inis na inis si Isay dahil dala-dala pa naman niya ang uniform niya ng valleyball, pero hindi na din matutuloy dahil ang daming umatras sa laro, kesyo may dalaw, masakit ang paa at kung ano-ano pa ang dahilan, hindi niya tuloy maisuot ang damit kaya nasa bag lang nya.
Madaming tao sa court ang nagtitipun-tipon, ngayon din kasi ang paliga sa baranggay, nandon din si mayor na panay ang kaway sa kanya pero hindi niya pinapansin kunwari hindi niya nakita.
Katabi nito ang Barangay Captain na tiyuhin nito, kahilera sa upuan ay ang Mama at Papa niya, dahil pribado ang court ay ilan lang ang pinayagang makapasok tanging ang kapamilya lang ng malalaro ang nasa loob ang iba naman ay nakasilip na lang nakaharang na alambre.
Makikita pa din naman nila kung anong nangyayari sa loob hindi lang sila makakapasok sa loob ng bakuran, hindi naman sa nagdadamot sila, sa dami kasi ng tao ay hindi nila malalaman kung sino sino ang papasok sa bakuran nila.
May court naman ang barangay kaya lang ay maliit iyon at hindi kakasya ang ibang tao kumpara sa court nila, hindi din naman malaki ang court pero maluwang naman ang bakuran, perfect talaga palaruan ng mahihilig sa basketball at sa mga manunuood.
At tuwing may paliga sa lugar nila hindi nawawala ang Team Co, at kasama dito ang dalawa niyang kuya, si kuya Dom niya ang Captain at ang tatlo niyang pinsan.
Pero ang pinagtataka niya bakit nakaupo ang isa niyang pinsan, kung hindi ito maglalaro sino ang isa.
Maya-maya ay narinig niya ang hiyawan ng mga kababaihan.
“Wooooooo,”
“Hi crush!” sigaw pa ng isa.
“Whoooo... pogi,” sigaw din ng kaibigan niya, halos mabingi siya sa sigaw nito.
Palingon niya sa pinagkakaguluhan ay nakita niya ang kaibigan ng kuya niya, habang naglalakad ay pinapasok ang damit nito sa suot nitong short, pagtapos ay sunuklay-suklay nito ang buhok gamit ang kamay na mas lalong nagpatili sa mga kadalagahan, dahil sa biceps nito.
Iritang-irita naman siya sa mga ito, “Ano ba yan kung makatili naman parang wala ng bukas,” saka pinaikot ang mata.
“Ano ka bang babae ka, hindi ka ba nagagandahan sa tanawin,” ani ng kaibigan na kilig na kilig din.
“Hay ewan ko sa inyo,” saka tumahimik na dahil magsisimula na ang laro.
Limang manlalaro lang ang kasali ngayon taon, kaya naman nag toss coin sila kung sino ang unang lalaro, una ang team nila kalaban ang mga Veldez team, Black team vs Blue Team at dahil ang Orange warrior ang dating champion lalabanan lang nito ang mananalong team sa unang laro.
Sa Unang laban 103 vs 68, panalo ang team nila, kaya naman tuwang tuwa siya, sa tuwing makaka shoot ang team niya ay todo ang pag sigaw niya.
At ang pangalawang laban panalo ang Black Team 98 vs 95 halos magtabla sila kung pumasok lang ang three points ng kalaban, pareho kasing magaling ang kupunan.
Habang nagpapahinga ang dalawang nanalong team ay naglaban naman ang parehong team na natalo.
Siya naman ay kinuha ang mga tubigan at pinamahagi sa mga kapatid at pinsan, ang kaibigan naman niya ay sunod ng sunod sa kanya.
“Kuya ito tubig uminom muna kayo,” sabay abot ng tubig.
“Salamat. Bunso,” anito saka kinuha ang naabot niya.
Ito naman kaibigan niya ay kumuha ng bote ng tubig at malanding lumapit sa lalaking nakaupo at yung ay ang kaibigan ni kuya.
“Ow, Monteverde pala apelido mo,”aniya ng makita niya ang likod ng shirt nito.
“Here, water” sabay abot ng kaibigan niya sa lalaki.
Napasimangot naman ang kaibagan niya ng lumapit ang isa niyang Pinsan, kaya hindi na nito na tuloy ang maitim nitong balak, napangisi na lang siya sa itsura ng kaibigan.
“Pre, ang galing mong mag laro ah, Harold pala,” sabay abot nito ng kamay nito.
“Sebastian, hindi naman masyado, ngayon nga lang ako nakalaro sa ganito e, kung hindi lang ako niyaya ni Dominic,” sagot nito.
“Sebastian, bagay,” bulong niya sa sarili saka tatango-tango.
Inis na inis namang lumapit muli ang kanyang kaibigan sa kanya.
“Ano napurnada ang maitim mong balak,” natatawa niyang asar sa kaibigan.
“Tse!” sabay irap nito at bumalik na sa upuan.
Hindi nagtagal ay natapos na din ang laro, panalo ang Veldez Team, napatuwid naman siya ng upo ng tawagin na ang team nila at ang Black team, habang nakatayo ang mga ito ay napatingin siya kay sebastian sakto naman ay nakatingin din ito sa kanya, ngumiti pa ito at kinindatan pa siya, pakiramdam naman niya ay tumigil sa pagtibok ang puso niya dahil sa ginawa nito, ano bayan para siyang teenagers, ano bang nangyayari sa kan’ya.
Nabaling naman ang tingin niya sa kaibigan ng sikuhin siya nito.
“Hmmp, iba na yan ah! Kaninang umaga pa kayo nagtitigan, may hindi ba ako alam?” sabay kurot nito sa kanya.
“Anong pinagsasabi mo?” sabay tanggal ng kamay nita sa tagiliran niya.
“H’wag ako beks, kilala kita,” anito habang winawagayway ang hintuturo nito.
“Hay ewan ko sayo, manood ka na nga lang,” sabi n’ya sabay hinawakan ang mukha nito at pinilit patingin sa court at hindi sa kan’ya.
Bigla naman nitong hinawakan din ang mukha niya at pilit na pinatitingin sa mata n’ya.
“Bakla wag ako, hangga’t maaga magsabi ka na para naman ma-train kita, mahirap na baka kung kailan huli na saka ka mag-sasabi sa akin, h’wag na h’wag ka talagang iiyak sa harap ko, bruha ka... hmmp.”
“Ano bang pinag-sasabi mo beks, wala nga, wala akong gusto d’yan sa crush, kaya tigilan mo ako,” aniya na pilit tinatanggal ang kamay nito sa mukha niya.
“Pinapa-alalahanan lang kita,” patuloy nito at ayaw pa ring tanggalin ang kamay sa mukha niya.
Kaya naman hinawakan din niya ito sa mukha at saka inambaan itong hahalikan, ayaw na ayaw nitong ginagawa n’ya yon kaya naman todo iwas ito at tuluyan ng tinggal ang kamay.
Sabay naman silang napalingon ng nagsigawan ang mga tao, sabay sabi ng “sayang”.
Pagtingin nila sa score board, lamang na lamang na ang kalaban, 18 vs 30 napatayo naman siya saka nag-cheer para sa kumupanan nila.
Mapalapit ng maubos ang oras pero lamang pa rin ito, 5 points ang lamang ng mga ito.
Pigil ang paghinga ng mga taong nanunood, dahil ilang second na lang ay tapos na lang laban, tanging pag dribble ng bola ang naririnig at ang bawat salita ng MC.
“Ow! naagaw ni Monteverde ang bola... nag dribol... shoot… three poiiinnntsss,” sigaw nito kasabay ng sigawan din nila.
Napatigil ang hiyawan sa mahabang pagpito ng referee, pagtingin nila ay sumadsad si Sebastian sa sahig, galit na galit naman ang ilang babae sa lalaking bumalya dito.
“Booo... boooo,” sigawan ng tao.
Foul ang kalaban, kaya may three free throw ito, sobrang saya naman nila dahil ito na ang pagkakataon nila na manalo kung mai-shoot nitong lahat ang bola, dahil 8 seconds na lang ang natitira sa oras at kung hindi naman nito ma shoot sigurado na ang pagkatalo nila.
Pumuwesto na ito sa gitna, unang tira, shoot, sigawan ang lahat, pangalawang tira halos walang humihinga, shoot pa rin kay sigawan na naman ang lahat, saka muling tumahimik sa huling tira nito pinunas pa nito ang kamay sa suot na short, parang kinakabahan na ito.
Kaya tumayo siya at ubod ng lakas na sumigaw.
“Pag hindi mo na shoot ang bola kakalbuhin kitaaa!” sigaw niya, tinginan naman sa kanya ang mga tao saka nagtawanan, pati ang MC nakisali na din.
“Mukhang kailangan talagang na ishoot ‘yan ni Monteverde kung ayaw mo makalbo,” na lalong nagpatawa ng mga nanunood.
Siya naman ay nakatingin lang sa binata at napansin ang pagngiti nito, pagtira nito, pasok!
Hiyawan ang mga tao na kahit na naagaw ng kalaban ay hindi na ito umabot sa kabilang ring kaya panalo na sila... talong naman siya ng talon sa pagka-panalo ng team nila.