Pagkabukas ng cellphone ni Cedrick ay sa messages agad siya unang pumunta. Bumungad doon ang mga message nila, Tiffany, Megan, Clarissa, Margo, Jem at Doti. "Ano na? Anong oras na? Bakit wala ka pa? Baka gusto mong ilabas ko ang video natin kay Trinity? Ayaw mo naman siguro iyon?" basa niya sa message ni Tiffany sa kay Cedrick. Napatakip agad siya ng bibig. Anong video ang tinutukoy nito? Marami agad tumakbo sa isip niya. "Walang tao sa bahay kaya bilisan mo. Nami-miss na kita," basa pa niya sa isa pang message ni Tiffany. "s**t! Ano itong nababasa ko? Ano ang hindi ko alam?" naguguluhang tanong ni Trinity sa sarili niya. Sunod naman niyang pinindot ang message ni Megan. "Ced, puwede ka ba? Trip kita ngayon," basa niya rito kaya nanlaki na naman ang mata niya. "Huwag kang tatanggi dahil

