Malaki ang ngiti ni Indira habang isa-isang inaayos ang stock ng mga food niya sa kusina. Kakauwi lang nito galing sa palengke. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na binigyan siya ng pera ni Dev, para sa paunang bigay nito sa kanya dahil sa pagpayag nitong tulungan siya sa mission na gagawin nila. Natatawa si Indira dahil ngayon lang siya nakakita ng totoong demonyo na bawal pumatay ng tao. Oo, kaya niyang manakit, pero ang pumatay ay bawal dahil babalik at babalik lang ito sa impyerno. Iyon ang parusa niya. Kapag nakapatay siya ng tao ay babalik siya sa impyerno at ilang taon na naman siyang makukulong doon. "Happy?" Biglang sumulpot si Dev sa likuran niya "Salamat nga pala," sagot ni Indira nang humarap sa kanya. Sanay na sanay na siya kay Dev. Hindi na siya natatakot

