Naghihilamos ng mukha si Trinity nang biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ang tuwalya na nakasabit sa may gilid niya at saka siya nagpunas ng mukha. Pagkatapos ay saka niya kinuha ang cellphone sa bulsa niya. Nang mabuksan niya iyon ay nagulat pa siya sa message na galing kay Megan. Nagtaka siya dahil ngayon na lang ulit nag-message ito sa kanya. Agad niyang binasa iyon habang papaakyat na siya sa itaas, patungo sa kwarto niya. "Puwede ba tayong magkita? Si Brody ito. Hintayin kita sa bahay ko. May mahalaga kasi akong sasabihin sa iyo tungkol kay Megan..." basa niya s message at saka siya napaupo sa kama niya. Hindi na siya nag-reply pa at agad-agad na siyang pumunta roon. Pagbaba niya sa ibaba ay hinanap niya agad ang mama niya. Nang makita niya ito sa kusina ay nagpaalam na

