“Yes,” aniya at nilingon ang nagtanong. Tatlong kababaihan ang nasa gilid ni Maki. “Hello, Kat, Trina and Marsha.” All of them were dressed in style, glittering in their fancy jewelries. Their faces were artfully done. Meaning, they looked so different from their old faces after they had theirs done under the surgeon’s hands. Di nalalayo ang edad niya sa mga ito pero pakiramdam niya ay nasa matron level na ang mga ito. At noong panahon niya, they were the most popular debutantes with boys flocking around them. Tumili ang mga ito at niyakap siya na parang matagal na silang magkakaibigan matalik bago siya nahiwalay sa mga ito. Iyon ang pinakamainit na pagbati na natanggap niya sa gabing iyon. Sa wakas kasi ay may nakaalala na sa kanya. Hindi lang siya isang estranghero sa lugar na iyon. Ti

