“Yes. Parang nadurog ang puso ko nang makita ko ang nangyari sa Bohol. Wala na kaming kamag-anak ng asawa ko sa Bohol dahil nasa abroad na sila pero doon kami ipinanganak at lumaki. We have so many good memories there,” anang si Teresina kay Maki nang bumalik sila sa party. Kausap nila ang isa sa mga artist na nag-exhibit at sinabi nito ang interes nito tungkol sa ruins ng Bohol na plano nitong dalawin. Gusto daw nitong i-feature ang ganda ng Bohol sa kabila ng damage mula sa lindol. Lumilipad ang paningin niya sa direksyon ni Benedikt na masayang kausap ang grupo nila Hannah. How she longed to be at her boyfriend's side. Na kahit negosyo pa ang pinag-uusapan ng mga ito ay gusto niyang nasa tabi siya ng nobyo habang tsina-charm nito ang mga potential investors at clients. Pero nakakangi

