“Any more suggestions?” tanong ni Val sa kanila nang mailista na nito ang lahat ng napag-usapan para sa party ni Benedikt. Isang iling na lang ang isinagot ni Maki. Gusto na lang niyang matapos ang meeting na iyon, ang araw na iyon. Drain na drain ang pakiramdam niya kahit na wala naman siya halos ginawa na kapaki-pakinabang para sa mga ito. Walang kahit katiting na idea niya, ni suggestion ng klase ng toothpick na gagamitin sa event ay inaprubahan ni Teresina. Too outdated. So out of theme. Not classy enough. Too childish. Bawat suhestiyon niya ay may pintas ito at si Hannah. Di yata mauubusan ng mga ito ng di magandang komento sa kanya o kaya ay kung bakit ayaw ng mga ito sa suggestion niya. Nakakapagod pala na mag-isip pero ni walang katiting na pagpapahalaga sa kanya. Mas mahirap

