“Ayan, Ma’am Maki! Mukha na kayong tao. Bagay sa inyo ang bagong buhok ninyo. Sabi ko naman sa inyo maniwala lang kayo sa akin at mag-iiba na ang anyo ninyo,” taas-noong sabi ng sekretarya ni Benedikt habang nagkakape sila sa Café Lipa sa Market Market sa Taguig. Doon sila nagpahinga sandali matapos siya nitong samahang mamili ng damit at magpa-salon. Hinaplos niya ang buhok na halos lumagpas lang ng balikat niya. Naninibago siya dahil nasanay na siya na mahaba iyon at umaabot hanggang kalahati ng likod niya. Sabi ni Patty ay maganda daw na magkaroon siya ng new look. Una, dahil sa pagbabalikan nila ni Benedikt. Pangalawa ay dahil sa bagong buhay na ipinagkaloob sa kanya. Kailangan daw niya ng bagong itsura para naman mas ma-feel niya ang pagbabago. From her boring, straight hair, she had

