Chapter 68

3493 Words

Bumalikwas ng bangon si Maxi at agad na nangapa sa dilim. Naliliyo siya. Nasa kuweba na naman siya at pakiramdam niya ay umuuga ang lupa. “Lumilindol! Benedikt, lumilindol!” nahihintatakutan niyang usal at kinapa ang binata sa tabi niya. Naramdaman niya ang pagbalikwas ng bangon ni Benedikt sa tabi niya. Naramdaman niya ang paggalaw nito at kasunod ang pagbaha ng liwanag. Napasinghap siya nang makakita ng liwanag sa wakas at saka niya natuklasan na nasa loob siya ng kuwarto nito sa Maynila. Bumaba ang binata ng kama at pagbalik ay may baso na ito ng tubig. Pinainom siya nito at hinaplos-haplos ang balikat niya para kumalma siya. “Hey! It is just a bad dream. Walang lindol dito. Wala.” Unti-unti siyang nahimasmasan nang maramdaman ang pagsayad ng tubig sa lalamunan niya. Saka lang siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD