Inayos ni Maki ang damit ng mga batang miyembro ng choir. Alas siyete ang simula ng fund raising concert na gaganapin sa plaza ng La Reina. Nang malaman iyon ng ibang paaralan ay nag-participate din ang mga ito. Ang iba ay nagpadala ng kanya-kanyang talent ng mga ito na sasayaw at may solo singers din. Pero ang tampok sa lahat ay ang La Reina Children’s Choir. Libre naman ang concert. Ang tanging bayad lang ay ang relief goods at donasyon na ibibigay ng bawat pupunta. Hindi lang iyon simpleng fund raising event. Gusto rin nila na maipakita ang talento ng mga kabataan ng La Reina. At ang mga manonood na una siyempre ay ang pamilya ng mga magpe-perform. Marami nang tumango sa kanila. Dahil libre naman ang palabas at donasyon lang ang dadalhin ay umaasa silang mapupuno ang plaza. Wala sil

