Chapter 52

3642 Words

Plakda at patang-pata ang buong katawan ni Maki habang nakahiga sa kama at nakatulala sa kisama ng kuwarto niya sa bahay ni Benedikt. Pakiramdam niya ay nakipag-mixed martial arts siya sa iba’t ibang martial artists sa loob ng anim na oras at paulit-ulit siyang nagulpi. Sampung mandirigma yata ang katumbas ng mga nilabhan niya mula sa damit ni Benedikt hanggang sa punda ng kumot, kubre-kama, basahan at kurtina. Hindi niya alam kung paano pa siya nabuhay matapos niyon. Nararamdaman niyang pumipintig ang bawat himaymay ng muscles niya sa buong katawan sa sobrang pagod. Alas kuwatro na yata siya ng natapos sa paglalaba. Hindi na nga niya nagawang kumain dahil ayaw niyang umangal pa si Benedikt sa kanya. Nagawa na lang niyang makapagpahinga ngayon dahil umalis ang binata at mangingisda daw.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD