Chapter 51

3606 Words

Nagising si Maki sa malakas na tilaukan ng mga manok. Nang tingnan niya ang oras sa relong pambisig ay alas singko na ng umaga. Normal na sa kanya na maagang magising dahil na rin sa trabaho niya. Bumangon siya at nag-inat. Mas masarap na ang pakiramdam niya dahil mahimbing ang tulog niya. Paglapat pa lang ng likod niya sa kama ay nakatulog na rin siya dahil na rin sa sobrang pagod niya nang nagdaang araw. Pero wala siyang klase ngayon. Bakasyon niya. Nasa bahay siya ni Benedikt. Makakasama niya ito sa loob ng dalawang linggo. Ibinagsak niya ulit ang sarili sa kama at tumitig sa kisame. Ang sabi nito ay palalayasin na siya nito ngayong umaga. Paano kung pilitin siya nito na umalis doon? Papayag ba siya? Aalis na lang ba siya ng Bohol at uuwing luhaan sa Isla La Reina? O isisiksik pa rin n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD