Pakiramdam ni Amira ay bagong tao siya nang sa wakas ay makaligo siya. Kinuskos talaga niyang mabuti ang buhok at ang balat niya. Tatlong beses ata siyang nag-shampoo at tatlong beses din siyang nagsabon. Ngayon lang siya nag-enjoy nang todo sa paliligo. Hindi tuloy niya alam kung gaano na siya katagal sa loob ng banyo. Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa bahay na siya ngayon ni Benedikt. She used to come here as his girlfriend. Sa lugar na iyon ay walang nakikialam sa kilos nilang dalawa. Kahit na maghapon lang silang magkasama ay masaya sila. Marami silang masasayang alaala doon at masaya siya dhail wala halos nagbago sa bahay. Maging ang banyo ay sinauna pa rin. May linya na ng tubig pero gripo lang ang gamit at walang shower. Ayon sa ama nito ay mas gusto daw nitong panatilihin an

