Inilapag ni Maki sa harap ni Benedikt ang kape at ang pastel na in-order nito mula sa Camiguin. “Benedikt, kumain ka muna.” Inangat lang nito nang bahagya ang ulo sa laptop nito at ngumiti. “Salamat.” Pagod na pagod ang mga mata nito at magulo rin ang buhok. Buong gabi itong di mapakali kahit na magkatabi sila. At paggising niya ay naabutan niya ito na nakatutok na sa laptop nito habang may kausap sa cellphone. Hindi rin ito nakapag-focus sa agahan nila at kung hindi pa niya ito dadalhan ng pagkain ay baka malipasan na ito ng gutom. Bumuntong-hininga siya nang humarap ulit ito sa laptop at tumipa. Ni hindi man lang nito pinansin ang kape o sumubo ng pastel. “Benedikt, gusto mong subuan kita?” alok niya. Natawa ito. “That’s silly. Hindi na ako bata.” “Either I do that or I will take

