“Maki, row! Row! Row!” utos ni Benedikt sa kanya habang nagka-kayak sila sa Abatan River sa bayan ng Cortes, Bohol. Magkasama sila sa isang kayak at wagas ito kung makautos sa kanya. Tumatagaktak na ang pawis niya habang kung sige naman siya sa pagsagwan pero parang di pa rin ito masaya. “Ano ka ba? Wala naman tayo sa karera,” angal niya lalo na’t nagsisimula nang manakit ang braso niya. Nang makawala na ito sa problemang dulot ng temporary restraining order La Reina International Airport ay nagyaya agad ito na mamasyal sila. Sakay ng motor nito at ilang pang-overnight na gamit ay nagtungo sila sa isang resort sa Cortes, Bohol na nasa gilid ng Abatan River. May kayak training doon at magandang experience daw ang makapag-kayak sa naturang ilog. It was exciting at first. Tahimik kasi

