“SIR BENEDIKT! Ikeng! Ayos lang ba kayo diyan?” narinig nilang may kahinaang sigaw ng ng principal na si Mr. Esteves sa labas ng kuweba. “Sana ligtas lang kayo. Huwag kayong mag-alala. Babalikan namin kayo. Hihingi lang kami ng tulong.” Nanlulumong napaupo si Maki habang nakatingin sa nagsarang lagusan. Tumigil na ang lindol pero sa palagay nila ay hindi sila ligtas doon. “Ayos ka lang ba? May masakit ba sa iyo?” tanong ni Benedikt. “May kaunting galos lang ako. Kailangan nating makaalis dito. Di tayo pwedeng magtagal,” nag-aalala niyang sabi at niyakap ang sarili. “Ikeng, may iba bang lagusan palabas dito?” tanong ni Benedikt. Umiling ang lalaki. “Wala po, Sir. Ito lang po ang lagusan dito sa kuweba palabas. Ang iba pong parte ng kuweba ay palalim na. Masyado pong mapanganib. Ang mag

