Parang zombie na naglalakad patungo sa parking lot ng La Reina Resort and Spa si Maki. Bitbit niya pabalik ang mga kahon ng digital at ng damit at sapatos. Ni hindi na siya nag-abalang magpatulong na bitbitin ang mga iyon kahit na nag-alok ang mga staff ng hotel. And it weighed heavily on her shoulders. Kasing bigat ng tanong kung sino ang nagdapala ng mamahaling gamit na iyon sa kanya. Hindi biro ang halaga ng mga gamit na iyon. In-establish na niyang hindi si Robert ang nagbigay niyon sa kanya. At hindi rin siya komportable sa ideya na may secret admirer siya. Ayaw niya ng pinapatay siya sa antisipasyon. Ayaw niya na sinosorpresa siya. Baka mamaya ay umasa pa ito na susuklian niya ang affection nito dahil ginamit niya ang padala nito. Gusto na rin niyang ibalik ang mga gamit na iyon. Hi

